Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 25

Jeremias Rango:

60

At ang lahat ng hari sa hilagaan, malayo't malapit na isa't isa; at ang lahat ng kaharian sa sanglibutan, na nangasa ibabaw ng lupa: at ang hari sa Sesach ay magsisiinom pagkatapos nila.

192
Mga Konsepto ng TaludtodHari ng Juda, Mga

Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa buong bayan ng Juda nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda (siya ring unang taon ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia),

214
Mga Konsepto ng TaludtodPagkasiraDiyos na Nagbigay KalasinganPagkalasenggoBeerAlkoholismo

At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kayo'y magsiinom, at kayo'y mangagpakalasing, at kayo'y magsisuka, at mangabuwal, at huwag na kayong magsibangon, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa inyo.

242
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TakasImposible

At ang mga pastor ay walang daang tatakasan, o tatanan man ang pinakamainam sa kawan.

270

At mangyayari, kung tanggihan nilang abutin ang saro sa iyong kamay upang inuman, sasabihin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y walang pagsalang magsisiinom.

396
Mga Konsepto ng TaludtodUbasKidlatSalita ng DiyosPagtapak sa mga UbasSigaw ng DiyosKidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos

Kaya't ihula mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang kaniyang tinig mula sa kaniyang banal na tahanan; siya'y uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan; siya'y hihiyaw, gaya nila na magsisiyapak ng ubas, laban sa lahat na nananahan sa lupa.

404
Mga Konsepto ng TaludtodBagyo, MgaIpoipoMga Taong Maaring Gumagawa ng MasamaAng Unos ng Buhay

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa.

414
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PumapatayDiyos, Pumapatay angDiyos na Naghahain ng KasoAng Katapusan ng Mundo

Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa, siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak, sabi ng Panginoon.

429
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Kaloob ng Diyos70 hanggang 80 mga taonNaglilingkod sa mga Hari

At ang buong lupaing ito ay magiging sira, at katigilan; at ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na pitong pung taon.

455
Mga Konsepto ng TaludtodDumiHindi Inilibing na mga KatawanPagbabawas ng DumiDiyos na PumapatayWalang LibingDiyos, Pumapatay angHindi TumatangisKakulangan sa Maayos na Libing

At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa.

469
Mga Konsepto ng TaludtodInumin, Talinghaga ngAlakAng Darating na Araw ng Poot ng Diyos

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa akin, Abutin mo itong saro ng alak ng kapusukan sa aking kamay, at painumin mo ang lahat na bansa na pinagsuguan ko sa iyo.

479
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodDiyos, Maghahatid ng Pinsala angLugar para sa Pangalan ng Diyos

Sapagka't, narito, ako'y nagpapasimulang gumawa ng kasamaan sa bayang tinawag sa aking pangalan, at kayo baga'y lubos na hindi mapaparusahan? Kayo'y walang pagsalang parurusahan; sapagka't aking tatawagin ang tabak laban sa lahat ng nananahan sa lupa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

496
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Propesiya tungkol saHinirang, Pananagutan saSibil na KapamahalaanKapangyarihan ng Pamahalaan ng TaoMinisteryo, Katangian ngDigmaan bilang Hatol ng DiyosSumisitsitPapatayin ng Diyos ang Kanyang BayanGinawang Katatakutan

Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko ang lahat na angkan sa hilagaan, sabi ng Panginoon, at ako'y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na aking lingkod, at aking dadalhin sila laban sa lupaing ito, at laban sa mga nananahan dito, at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot; at aking lubos na lilipulin sila, at gagawin ko silang katigilan, at kasutsutan, at mga walang hanggang kagibaan.

511
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Propesiya tungkol sa70 hanggang 80 mga taon

At mangyayari, pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man.

546
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangis

Kayo'y magsiangal, kayong mga pastor, at kayo'y magsihiyaw; at kayo'y mangagsigumon sa abo, kayong pinakamainam sa kawan; sapagka't ang mga kaarawan ng pagpatay at ang pangangalat sa inyo ay lubos na dumating, at kayo'y mangababagsak na parang mainam na sisidlan.

564
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan, Pangwawasak ng Tao sa

At ang mga payapang tahanan ay nangadala sa katahimikan dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.

580
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Tulad ng LeonGaya ng mga Nilalang

Kaniyang pinabayaan ang kaniyang kublihan na gaya ng leon; sapagka't ang kanilang lupain ay naging katigilan dahil sa kabangisan ng mamimighating tabak, at dahil sa kaniyang mabangis na kagalitan.

608

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sapagka't hindi ninyo dininig ang aking mga salita,

641
Mga Konsepto ng TaludtodLalaking IkakasalMga Babaing IkakasalIpataponGilingang BatoTinig, MgaPagtigilPigilan ang PagsasayaKakulangan sa Kagalakan

Bukod dito'y aalisin ko sa kanila ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, ang tunog ng mga batong gilingan, at ang liwanag ng ilawan.

674
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigSalita ng Diyos20 hanggang 30 mga taonYaong mga Bumangon ng UmagaSinasabi, Paulit-ulit na

Mula nang ikalabing tatlong taon ni Josias na anak ni Ammon, na hari sa Juda, hanggang sa araw na ito, nitong dalawang pu't tatlong taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, at aking sinalita sa inyo na ako'y bumangong maaga, at nagsalita; nguni't hindi ninyo dininig.

683

Tinig ng hiyaw ng mga pastor, at ng angal ng pinakamainam sa kawan! sapagka't inilalagay ng Panginoon na sira ang kanilang pastulan.

684
Mga Konsepto ng TaludtodSari Saring mga TaoNakaligtas sa mga Bansa, Mga

At ang lahat ng halohalong bayan, at ang lahat ng hari sa lupain ng Hus, at ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo, at ang Ascalon, at ang Gaza, at ang Ecron, at ang nalabi sa Asdod;

699
Mga Konsepto ng TaludtodHentil na mga Tagapamahala

At ang lahat ng hari sa Tiro, at ang lahat ng hari sa Sidon, at ang hari sa pulo na nasa dako roon ng dagat;

702
Mga Konsepto ng TaludtodGinugupitan ang Buhok

Ang Dedan, at ang Tema, at ang Buz, at ang lahat ng magsisiputol ng mga laylayan ng kanilang buhok;

736
Mga Konsepto ng TaludtodMinisteryo, Katangian ngPagbabantay ng DiyosTumatangging MakinigYaong mga Bumangon ng UmagaPagsasagawa ng Paulit-ulitDiyos na Nagsusugo ng mga Propeta

At sinugo ng Panginoon sa inyo ang lahat niyang lingkod na mga propeta na gumising na maaga, at sinugo sila (nguni't hindi ninyo dininig, o ikiniling man ninyo ang inyong pakinig upang mangakinig),

815

Na siyang sinalita ni Jeremias na propeta sa buong bayan ng Juda, at sa lahat ng nananahan sa Jerusalem, na sinasabi,

816
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngWalang Hanggang PagaariLumayo sa MasamaTumatangging MakinigDiyos na Nagbigay ng LupainPagpapabuti

Na nangagsasabi, Magsihiwalay bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang masamang lakad, at sa kasamaan ng inyong mga gawa, at kayo'y magsitahan sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa inyo at sa inyong mga magulang, mula nang una at hanggang sa magpakailan pa man;

866
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya, Paraan sa Lumang TipanMga Aklat ng Propesiya

At aking gaganapin sa lupaing yaon ang lahat na aking salita na aking sinalita laban doon, lahat ng nakasulat sa aklat na ito, na inihula ni Jeremias laban sa lahat na bansa.

875
Mga Konsepto ng TaludtodInumin, Talinghaga ngDiyos na Nagbigay Kalasingan

Nang magkagayo'y inabot ko ang saro sa kamay ng Panginoon, at pinainom ko ang lahat na bansang pinagsuguan ng Panginoon:

958
Mga Konsepto ng TaludtodSumisitsitGinawang Katatakutan

Sa makatuwid, ang Jerusalem, at ang mga bayan ng Juda, at ang mga hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, upang gawin silang kagibaan, katigilan, kasutsutan, at sumpa; gaya sa araw na ito;

973
Mga Konsepto ng TaludtodBinayaran ang Gawa

Sapagka't maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.

998
Mga Konsepto ng TaludtodMonoteismoIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyosNasaktanNasasaktan

At huwag kayong magsisunod sa ibang mga dios na mangaglingkod sa kanila, at magsisamba sa kanila, at huwag ninyo akong mungkahiin sa galit ng gawa ng inyong mga kamay, at hindi ko kayo sasaktan.

1010
Mga Konsepto ng TaludtodNagpasuraysurayDiyos na Nagbigay Kalasingan

At sila'y magsisiinom, at magsisihapay na paroo't parito, na mangauulol, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa kanila.

1046

At ang lahat ng hari sa Zimri, at ang lahat ng hari sa Elam, at ang lahat ng hari ng mga Medo;

1080

Ang Edom, at ang Moab, at ang mga anak ni Ammon;

1154
Mga Konsepto ng TaludtodNamumuhay sa Ilang

At ang lahat ng hari sa Arabia, at ang lahat ng hari sa halohalong bayan na nagsisitahan sa ilang;

1236
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod, Punong

Si Faraong hari sa Egipto, at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong bayan niya;

1250
Mga Konsepto ng TaludtodTumatangging Makinig

Gayon ma'y hindi kayo nangakinig sa akin, sabi ng Panginoon; upang mungkahiin ninyo ako sa galit, ng gawa ng inyong mga kamay sa inyong sariling ikapapahamak.