Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 3

Jeremias Rango:

26
Mga Konsepto ng TaludtodKabataanPakikitungo mula sa mga Kabataan

Hindi ka baga dadaing mula sa panahong ito sa akin, Ama ko, ikaw ang patnubay ng aking kabataan?

46
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Hindi na Magagalit ang

Kaniya bagang iingatan ang kaniyang galit magpakailan man? kaniya bagang iingatan hanggang sa kawakasan? Narito, ikaw ay nagsalita at gumawa ng mga masamang bagay, at sinunod mo ang iyong ibig.

62
Mga Konsepto ng TaludtodKahalayanEspirituwal na PagpapatutotPatutot, MgaKalaswaanPagaalay sa Matataas na DakoPanahon ng mga TaoPagsamba sa mga Puno

Bukod dito'y sinabi sa akin ng Panginoon sa kaarawan ni Josias na hari, Iyo bagang nakita ang ginawa ng tumatalikod na Israel? siya'y yumaon sa bawa't mataas na bundok at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at doon siya nagpatutot.

78
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalunya at DiborsyoDiborsyo sa mga MananampalatayaKatibayan ng DiborsyoEspirituwal na PagpapatutotBatas ng PaghihiwalayMagkakaugnay na mga BansaWalang Takot sa DiyosPagtalikodMga TumalikodKawalang KatapatanBayarang Babae

At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng sulat ng paghihiwalay, gayon ma'y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot.

80
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nagbabalik-Loob sa DiyosMagkakaugnay na mga Bansa

At aking sinabi pagkatapos na magawa niya ang lahat na bagay na ito, Siya'y babalik sa akin; nguni't hindi siya bumalik: at nakita ng taksil niyang kapatid na Juda.

98
Mga Konsepto ng TaludtodKahoyAnimismo, Pagsamba sa KalikasanDinudungisan ang LupainPagsamba sa mga PunoKawalang KatapatanSapat na Gulang

At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy.

114
Mga Konsepto ng TaludtodMahabaginPagpapahayagPagbabalik sa DiyosPagbabalik Mula sa HilagaDiyos, Hindi na Magagalit angPagtalikodMga TumalikodGalit at Pagpapatawad

Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man.

119
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Buong PusoPagkukunwariPagsisis, Katangian ngHindi Buong PusoHindi Nagbabalik-Loob sa DiyosMagkakaugnay na mga Bansa

At gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda, ng kaniyang buong puso, kundi paimbabaw, sabi ng Panginoon.

127
Mga Konsepto ng TaludtodDiborsyo sa Lumang TipanKasalanan, Naidudulot ngDinudungisan ang LupainDiborsyoIwan ang Magulang para sa AsawaPaghihintay hanggang sa MagasawaKakayahan

Kanilang sinabi, Kung ihiwalay ng lalake ang kaniyang asawa, at siya'y humiwalay sa kaniya, at mapasa ibang lalake, babalik pa baga uli ang lalake sa kaniya? hindi baga lubos na madudumhan ang lupaing yaon? Nguni't ikaw ay nagpatutot sa maraming nangingibig; gayon ma'y manumbalik ka uli sa akin, sabi ng Panginoon.

128
Mga Konsepto ng TaludtodPagkukumpara, MgaMga Taong may KatuwiranPagtalikodMga Tumalikod

At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang tumatalikod na Israel ay napakilala na lalong matuwid kay sa taksil na Juda.

133
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saPagpipilianAsawang LalakePakikipagniigPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngPagibig sa RelasyonPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngMaliit na Bilang ng NalabiPagbabalik sa DiyosPag-aasawa sa DiyosDiyos bilang AsawaPagtalikodMga Tumalikod

Kayo'y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.

145
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik Matapos ang PagtalikodKatigasang PusoDangalJerusalem, Ang Kabuluhan ngKaharian ng Diyios, Pagdating ngMinisteryo, Katangian ngKatigasan laban sa DiyosPagtitipon sa Ibang mga BansaPag-Iwas sa Katigasan ng UloJerusalem sa Milenyal na Kaharian

Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at lahat ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon, sa Jerusalem: hindi na rin lalakad pa man sila ng ayon sa pagmamatigas ng kanilang masamang kalooban.

163
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Gamit ngKinalimutan ang mga BagayMga Taong DumaramiKaban ng TipanMay Isang Nawawala

At mangyayari, pagka kayo'y dumami at lumago sa lupain sa mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, hindi na nila sasabihin, Ang kaban ng tipan ng Panginoon; ni mapapasaisip nila yaon: ni aalalahanin nila yaon: ni nanaisin nila yaon; ni mayayari pa man.

168
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik ng IsraelKasalanan, Kalikasan ngPagkilala sa KasalananKasalanan, Ipinahayag naPagsamba sa mga PunoPaghihimagsik laban sa DiyosSala

Kilalanin mo lamang ang iyong kasamaan, na ikaw ay sumalansang sa Panginoon mong Dios, at iyong ikinalat ang iyong mga kaugalian sa mga taga ibang lupa sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at kayo'y hindi nagsisunod sa aking tinig, sabi ng Panginoon.

175
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan sa EbanghelyoMessias, Panahon ngHilagaPagbabalik Mula sa HilagaPaglakiping Muli

Sa mga araw na yaon ang sangbahayan ni Juda ay lalakad na kasama ng sangbahayan ni Israel, at sila'y manggagaling na magkasama sa lupain ng hilagaan sa lupain na ibinigay kong pinakamana sa inyong mga magulang.

186
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagka-Ama ngBayan ng Diyos sa Lumang TipanPagtanggi sa Diyos, Bunga ngEspirituwal na Pag-aamponIsrael bilang mga Anak ng DiyosPagsunod sa DiyosAma, Pagiging

Nguni't aking sinabi, Paanong ilalagay kita sa gitna ng mga anak, at bibigyan kita ng masayang lupain, ng mainam na mana ng mga hukbo ng mga bansa? at aking sinabi, Inyong tatawagin ako, Ama ko; at hindi ka na hihiwalay pa ng pagsunod sa akin.

191
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saPaglapit sa DiyosKagalinganPagbangon, SamahangPagbabalik sa DiyosDiyos na NagpapagalingIkaw ang Aming DiyosPagtalikodMga TumalikodDiyos, Mapagpagaling na Pagibig ngPagtalikod mula sa Diyos

Kayo'y manumbalik, kayong nagsisitalikod na mga anak, aking pagagalingin ang inyong mga pagtalikod. Narito, kami ay nagsiparito sa iyo; sapagka't ikaw ay Panginoon naming Dios.

197
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngPag-aasawa sa Pagitan ng Diyos at ng Kanyang BayanPagtanggi sa Diyos, Bunga ngHindi Tapat sa DiyosAsawang Babae, MgaHindi Tapat

Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon.

218
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutanPagtangisPagkakumbinsi sa taglay na SalaSimbuyo ng Damdamin

Isang tinig ay naririnig sa mga luwal na kaitaasan, ang iyak at ang mga samo ng mga anak ni Israel; sapagka't kanilang pinasama ang kanilang lakad, kanilang nilimot ang Panginoon nilang Dios.

236
Mga Konsepto ng TaludtodLagalagPaggamit ng mga DaanDinudungisan ang LupainEspirituwal na PagpapatutotPagtatalik sa Pagitan ng mga BansaBagay sa Kaitaasan, Mga

Imulat mo ang iyong mga mata sa mga luwal na kaitaasan, at tingnan mo; saan hindi ka nasipingan? Sa tabi ng mga lansangan ay naghintay ka sa kanila, gaya ng taga Arabia sa ilang; at iyong dinumhan ang lupain ng iyong mga pakikiapid at ng iyong kasamaan.

237
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasBulaang TiwalaDiyos ng Aking KaligtasanPanlilinlang

Tunay na walang kabuluhan ang tulong na maaasahan sa mga burol, ang kagulo sa mga bundok: tunay na nasa Panginoon naming Dios ang kaligtasan ng Israel.

246
Mga Konsepto ng TaludtodBatisPagiging MahiyainLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosPatutot, MgaPaliguanKakulangan sa UlanLikas na mga SakunaBayarang Babae

Kaya't ang ambon, ay napigil, at hindi nagkaroon ng huling ulan; gayon man may noo ka ng isang patutot ikaw ay tumakuwil na mapahiya.

268

Nguni't nilamon ng nakahihiyang bagay ang gawa ng ating mga magulang na mula sa ating kabataan, ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, ang kanilang mga anak na lalake at babae.

271
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Naidudulot ngMagulang, Kasalanan ngSarili, Pagpapakababa ngPagiging Masama sapul PagkabataKahihiyan ay DumatingKami ay Nagkasala

Tayo'y magsihiga sa ating kahihiyan, at takpan tayo ng ating kalituhan: sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon nating Dios, tayo at ang ating mga magulang, mula sa ating kabataan hanggang sa araw na ito; at hindi tayo nakinig sa tinig ng Panginoon nating Dios.