Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 2

Jeremias Rango:

4
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigSalita ng Diyos

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:

15
Mga Konsepto ng TaludtodPag-AaniPagtatanim at PagaaniBayang BanalMatalinghagang mga Unang BungaKabanalanUnang Bunga

Ang Israel ay kabanalan sa Panginoon, na mga pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.

61
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawalang SaysayBulaang RelihiyonPagsamba sa Diyus-diyusan, Pagtutol saPananalangin, HindiSinkretismoSalita ng DiyosPagkahiwalayKawalang KabuluhanPagiging NatuklasanWalang Kabuluhang mga TaoAng Diyos ba ay Hindi Makatuwiran?

Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

70
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanBaog na LupainDisyertoIlangTuyong mga LugarKadiliman kahit UmagaWalang Laman ang KaloobanNasaan ang Diyos?Diyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?

83
Mga Konsepto ng TaludtodPananimKasaganahan, Materyal naMatabang LupainDinudungisan ang LupainAng Kapaligiran

At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

92
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanKulang na PagpapastolNag-aaral ng KautusanNasaan ang Diyos?Propeta ng mga Diyus-diyusan, Mga

Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.

97
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga Pangyayari

Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.

102
Mga Konsepto ng TaludtodMga Anak ng Masama

Kaya't ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.

110
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagulat

Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

125

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

126
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusapPoliteismoPagpapalit ng Mabuti para sa MasamaDiyos na Nagbibigay LuwalhatiWalang Tulong mula sa Ibang mga Diyos

Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.

147
Mga Konsepto ng TaludtodPag-ahitMemphisKorona, Mga

Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.

149
Mga Konsepto ng TaludtodSawayBunga ng KasalananKahihinatnan ng Pagtalikod sa DiyosWalang Takot sa DiyosSinasaway ang mga TaoPagtalikodKaparusahan, MgaMga TumalikodPagtalikod sa PananampalatayaPagtalikod mula sa Diyos

Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

152
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na PagpapatutotLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingAltarPamatokHindi Naglilingkod sa DiyosPagaalay sa Matataas na DakoPagsamba sa mga PunoPatulin ang Kadena

Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na nagpatutot.

154
Mga Konsepto ng TaludtodPangaalipin sa Lumang TipanPangaalipin

Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam.

158
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngKatapatanPag-aasawa sa Pagitan ng Diyos at ng Kanyang BayanPoligamyaPagtanggi sa Diyos, Bunga ngPagkakaisa, Mithiin ng Diyos hinggil saAsawang Babae, MgaKabataanTipan, Relasyon saKabataang PagtatalagaPagsunod sa DiyosDiyos na Nakakaalala ng PagtatalagaPag-aasawa sa DiyosTipan ng Pagpapakasal, Espirituwal

Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng iyong kabataan, ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, sa lupain na hindi hinasikan.

159
Mga Konsepto ng TaludtodAsal Hayop na PamumuhayPagtanggi sa Diyos, Bunga ngPuno ng Ubas

Gayon ma'y tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

164
Mga Konsepto ng TaludtodBuhay PananampalatayaPaglalakbay kasama ang DiyosBunga ng KasalananGumagawa para sa SariliDiyos na Gumagabay

Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?

171
Mga Konsepto ng TaludtodInumin, MgaTiwala, Kakulangan ng

At ngayo'y anong ipakikialam mo sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig sa ilog?

176
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga LungsodLungsod na SinasalakayWalang Lamang mga SiyudadPanganib mula sa mga Leon

Ang mga batang leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan.

189
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang PagasaAsal Hayop na PamumuhayMasamang mga KasamahanWalang Pagasa

Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.

202
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hindi Malinis

Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;

222
Mga Konsepto ng TaludtodMainitIlongPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayHuwag Manghina ang LoobPagnanasaPagod

Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya.

223
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MahiyainPagnanakawMagnanakaw, Mga

Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,

230
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasMaraming Espirituwal na NilalangKaligtasan sa Pamamagitan ng Ibang Bagay

Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.

239
Mga Konsepto ng TaludtodAnimismo, Pagsamba sa KalikasanEspirituwal na mga AmaEspirituwal Ina, MgaTumalikodIligtas Kami!Tatay

Na nangagsasabi sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami.

298
Mga Konsepto ng TaludtodUgali ng PaghihimagsikPaghihimagsik ng IsraelPaghihimagsik laban sa Diyos

Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.

544
Mga Konsepto ng TaludtodSalinlahiKawalang Katapatan sa DiyosPaglapit sa DiyosDisyerto, Talinghagang Gamit ngHindi Humahanap sa Diyos

Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo?

560
Mga Konsepto ng TaludtodDugo, Bilang Batayan ng BuhayHinatulan bilang Mamamatay TaoHindi Tumutulong sa Mahirap

Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito.

567
Mga Konsepto ng TaludtodHusayPagkasiraPaghinaMaling TuroPaghahanap sa PagibigMagsingirog

Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad.

630
Mga Konsepto ng TaludtodBuhok, Damit saDiyos na Naghahain ng KasoDiyos, Hindi na Magagalit angWalang KasalananPagsamo, Inosenteng

Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.

657
Mga Konsepto ng TaludtodPamamaloPagwawalang-BahalaLeon, MgaTugonKahirapan ng mga MasamaPayo, Pagtanggap ngPagtampal sa PisngiPagpatay sa mga PropetaWalang Kabuluhang mga Pagtratrabaho

Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon.

669
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MahiyainKawalang TatagPagiging PabagobagoPagkaunsamiPagbabago ng Sarili

Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.

782
Mga Konsepto ng TaludtodTanggihan ang mga TaoMga Kamay sa mga UloPagtitiwala sa Ibang TaoHindi Umuunlad

Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila.