Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 4

Jeremias Rango:

37
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayLungsodTagapagpahayagTrumpetaTrumpeta para sa Pagbibigay Hudyat

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan.

48
Mga Konsepto ng TaludtodKaligtasanDiyos na LumilipolMula sa HilagaWatawat

Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.

67
Mga Konsepto ng TaludtodGiba, MgaArkeolohiyaYaong mga MangwawasakWalang Lamang mga Siyudad

Ang isang leon ay sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na walang mananahan.

93
Mga Konsepto ng TaludtodTelaTumatangisBuhok, Damit sa

Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.

120
Mga Konsepto ng TaludtodPesimismoPagtatakaPropesiya, Binuwag naPagkawala ng TapangMga Taong Nagulat

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha.

121
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na NanlilinlangWalang Kapayapaan

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay.

130
Mga Konsepto ng TaludtodSilanganLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosNagtatahipMainit na PanahonMalinis na mga BagayTuntunin

Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:

157
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKabayo, MgaAgilaIpoipoAbaMakalangit na KarwaheBilisSasakyanBagyo, Mga

Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

194
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurusa, Sa PusoPagdurusa, Hatol ng DiyosBinagong PusoKaloobanTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaIba pang mga Talata tungkol sa PusoHanda na sa DigmaanDigmaanTrahedyaPuso, Tibok ng

Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.

205
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Pinagmulan ngKalinisan, Talinghagang GamitPusong Makasalanan at TinubosJerusalem, Ang Kabuluhan ngPaghuhugasKaisipan ng MasamaPagpapatuloy sa Kasalanan

Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?

210
Mga Konsepto ng TaludtodBalatPagtutuli, Espirituwal naApoy ng Galit ng DiyosTunay na PagtutuliDagat-Dagatang Apoy

Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.

217

Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.

227
Mga Konsepto ng TaludtodHangal, Katangian ngKahangalan, Halimbawa ngIsip-BataDiyos, Pahayag ngMabubuting GawaPagkakaalam sa Diyos, Bunga ngHusayKarunungan, Halaga sa TaoKapurulanWalang Alam Kung PaanoKahangalan ng TaoMahuhusay na mga TaoMakamundong PatibongMabubuting mga Anak

Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.

235
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Pagsisisi, Bunga ngPagbabalik sa DiyosNakatayo ng MatibayPagsisisi sa mga Kasuklamsuklam

Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; hindi ka nga makikilos;

252
Mga Konsepto ng TaludtodBiglaan

Kagibaan at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.

260
Mga Konsepto ng TaludtodMakasalanan, MgaBunga ng KasalananKatangian ng PusoGumagawa para sa Sarili

Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.

275
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahayag

Sapagka't isang tinig ay nagpapahayag mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim.

283
Mga Konsepto ng TaludtodTinig, MgaPagsalakay sa Jerusalem ay IpinahayagMga Taong mula sa Malayong LugarNagsasabi tungkol sa KilosBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda.

289
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik ng Israel

Sila'y gaya ng mga bantay sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.

301
Mga Konsepto ng TaludtodAng ArawKadiliman kahit UmagaDiyos na NagbabalikPagtangis dahil sa PagkawasakAng Sansinukob ay NaapektuhanAng Daigdig

Dahil dito ay tatangis ang lupa, at ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.

306
Mga Konsepto ng TaludtodPulang-pulaPalamuti ng KababaihanGintoPampagandaPulang Kasuotan, MgaWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoTinatangkang PatayinPagsusuot ng mga PalamutiMagsingirogPampaganda

At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

308
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaWatawatBago Kumilos ang Diyos

Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?

310
Mga Konsepto ng TaludtodNag-aararoHindi NagtatanimMatalinghagang Pag-aararoHindi Matamnan na LupaBagong SimulaPaghihiwalayPagsasakaTinatapon ang Binhi sa LupaPagtatanimPagbabagong Kalagayan

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong maghasik sa gitna ng mga tinik.

316
Mga Konsepto ng TaludtodPanunumpa

At ikaw ay susumpa, Buhay ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila.

332
Mga Konsepto ng TaludtodPagakyatBatuhanMamamana sa isang HukboKabalyeryaWalang Lamang mga SiyudadPagsakay sa KabayoBato bilang ProteksyonIsrael, Tumatakas ang

Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.

335
Mga Konsepto ng TaludtodKabundukan, Yumayanig na

Aking minasdan ang mga bundok, at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon.

343
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na LumilipolPagkawasak ng mga BansaHindi Nasisira

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan.

344
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga LungsodMabunga, Pagiging

Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit.

352
Mga Konsepto ng TaludtodHimpapawidLupain na Walang LamanIbon, Mga

Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas.

443
Mga Konsepto ng TaludtodKawalanWalang Anyo

Aking minasdan ang lupa, at, narito, sira at walang laman; at ang langit ay walang liwanag.

498
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahan, Katangian ngTinig, MgaHirap ng PanganganakWalang HiningaNahimatayHinatulan bilang Mamamatay Tao

Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.