Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Job 14

Job Rango:

37
Mga Konsepto ng TaludtodSumasagot na DiyosDiyos, Kagustuhan ng

Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo: ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay.

52
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalantad ng KasalananHakbang ng mga Banal

Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang: hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?

92
Mga Konsepto ng TaludtodPanakipLalagyanTatak, MgaPagiimbakDiyos na Nagpapatawad

Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot, at iyong inilalapat ang aking kasamaan.

102
Mga Konsepto ng TaludtodKumukupasKabundukan, Inalis naKalikasan, Nabubulok naPaglipat sa Bagong Lugar

At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala, at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;

148
Mga Konsepto ng TaludtodAng May Dangal ay PararangalanYaong mga Mangmang

Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.

188
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanMakasariliGumagawang MagisaPagtangis sa Kapighatian

Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit, at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.

303
Mga Konsepto ng TaludtodDumadaloy na TubigBagay na Naluluma, MgaWalang Pagasa

Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.

308

Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.

358
Mga Konsepto ng TaludtodAng Katapusan ng KamatayanBubuhayin ba ang mga Patay?Kamatayan ay ang WakasPagpapakasakitBuhay, Mga Paghihirap saBuhay Matapos ang KamatayanPagpapakasakitPagpapanibago

Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.

366
Mga Konsepto ng TaludtodSumisibolBubuhayin ba ang mga Patay?LumalagoPagbabago at PaglagoGinugupitan

Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.

400
Mga Konsepto ng TaludtodAng Katapusan ng KamatayanKamatayan ay ang WakasPagkagising

Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.

404
Mga Konsepto ng TaludtodBulaklakKatuyuanBuhay ng TaoPisikal na BuhayAnino, MgaBuhay, Kaiklian ngPanahon, Lumilipas na

Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi.

425
Mga Konsepto ng TaludtodKalagayan ng Espiritu

Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?

432
Mga Konsepto ng TaludtodLibinganSheolHangarin na MamatayDiyos na Nagtatago ng mga Tao

Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!

549
Mga Konsepto ng TaludtodUmuupaUpahanPabayaan mo Sila

Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.

572
Mga Konsepto ng TaludtodIlog, MgaLawa

Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;

589

At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo?

662

Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;

766

Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.