18 Bible Verses about Walang Pagasa

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Job 14:19

Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.

Job 41:9

Narito, ang pagasa riyan ay walang kabuluhan: hindi ba malulugmok ang sinoman makita lamang yaon?

Proverbs 10:28

Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.

Proverbs 11:7

Pagka ang masamang tao ay namamatay, ang kaniyang pag-asa ay mapapasa pagkapahamak; at ang pagasa ng masama ay nawawala.

Proverbs 11:23

Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot.

Job 19:10

Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.

Jeremiah 2:25

Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.

Job 27:8

Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya, pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?

Lamentations 3:18

At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.

1 Thessalonians 4:13

Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.

Ephesians 2:12

Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.

Ezekiel 19:5

Nang makita nga niya na siya'y naghintay, at ang kaniyang pagasa ay nawala, kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak, at ginawang batang leon.

Ezekiel 37:11

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel: narito, kanilang sinasabi, Ang ating mga buto ay natuyo, at ang ating pagasa ay nawala; tayo'y lubos na nahiwalay.

Zechariah 9:5

Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan.

Acts 27:20

At nang hindi sumisikat sa amin ang araw ni ang mga bituin man nang maraming mga araw, at sumasa ibabaw namin ang isang hindi munting bagyo, ay nawala ang buong pagasa na kami'y makaliligtas.

Proverbs 26:12

Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.

Proverbs 29:20

Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a