39 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpapanibago

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Roma 12:2
Mga Konsepto ng TaludtodLipunan, Tungkulin saBagong Panahon, Paniniwala saPagtatangiPaglalakbayKulturaKaisipan, MgaMagigingAng IsipanPagsunodPagbabasa ng BibliaUgaliKaranasanProsesoGulangPlano ng Diyos Para Sa AtinPagbabago ng SariliKasulatanPagkakaalam sa Kalooban ng DiyosPagiging tulad ni CristoMasamang ImpluwensiyaMasamang PananalitaPagbabagoMasamang KaisipanIsipan, Laban ngKaganapan ng DiyosKalaguang EspirituwalMga Taong NagbagoEspirituwal na PagbabagoHindi KamunduhanUgali ng Kristyano sa harapan ng SanlibutanAlinsunodPampagandaKaisipan ng MatuwidSanlibutang Laban sa DiyosKasalanan, Pagiwas saSarili, Pagpapakalayaw saBagong IsipPagiisipImpluwensyaMasama, Tagumpay laban saPagiisipPaninindigan sa MundoBinagong PusoPaghahanapPagbabago, Katangian ngMakalamanKamunduhanRepormasyonDiyos, Kaperpektuhan ngAlkoholPagpipigil sa iyong KaisipanLipunan, Mabuting Kalagayan ngPagibig, Pangaabuso saKarunungang Kumilala, Katangian ngPagpapasakop sa Kalooban ng DiyosPagbabagoKamunduhan, IwasanPagpapanibago ng Bayan ng DiyosBinagoDiyos, Panukala ngProblema, Pagsagot saPamimilit ng BarkadaDiyos, Kabutihan ngEspirituwal na Digmaan, Kalaban saKarunungang Kumilala, Pinagmumulan ngMaalalahaninKautusan, Paglalarawan saSarili, DisiplinaPinagpaparisanKalusuganDapat Unahin sa Buhay, MgaPagsubokPananawSarili, Imahe sa

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Ruth 4:15

At siya'y magiging sa iyo ay isang tagapagsauli ng buhay, at tagapagkandili sa iyong katandaan: sapagka't ang inyong manugang na nagmamahal sa iyo, ay nagkaanak sa kaniya, at siya'y mahigit pa sa iyo kay sa pitong anak.

Job 29:20

Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay.

Mga Taga-Filipos 4:10

Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.

Job 14:14

Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.

Isaias 57:10

Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.

Mga Hebreo 6:6

At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

Isaias 61:4

At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.

Awit 90:5

Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo.

1 Samuel 11:14

Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa bayan, Halikayo at tayo'y paroon sa Gilgal, at ating baguhin ang kaharian doon.

Hosea 6:3

At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.

Isaias 41:1

Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a