Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Job 32

Job Rango:

456
Mga Konsepto ng TaludtodKapalaluan, Halimbawa ngTatlong LalakeTauhang Pinapatahimik, Mga

Sa gayo'y ang tatlong lalaking ito ay nagsitigil ng pagsagot kay Job, sapagka't siya'y matuwid sa kaniyang sariling paningin.

492
Mga Konsepto ng TaludtodAriing Ganap, Kinakailangan naSariling Katuwiran at ang EbanghelyoMga Taong may KatuwiranPinangalanang mga Tao na may Galit sa Iba

Nang magkagayo'y nagalab ang poot ni Eliu, na anak ni Barachel na Bucita, na angkan ni Ram: laban kay Job ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't siya'y nagpapanggap na ganap kay sa Dios.

546
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatangi

Huwag itulot sa akin na pakundanganan ko, isinasamo ko sa inyo, ang pagkatao ninoman; ni gumamit man sa kanino man ng mga pakunwaring papuring salita.

561
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalan ng BuhayKabataanLimitasyon ng Kabataan

At si Eliu na anak ni Barachel na Bucita ay sumagot at nagsabi, Ako'y bata, at kayo'y totoong matatanda; kaya't ako'y nagpakapigil at hindi ako nangahas magpatalastas sa inyo ng aking haka.

715
Mga Konsepto ng TaludtodEspiritu, Kalikasan ng

Sapagka't ako'y puspos ng mga salita; ang diwa na sumasaloob ko ay pumipigil sa akin,

747
Mga Konsepto ng TaludtodBotelya, Talinghaga Gamit ngAlakSisidlang Balat ng AlakIbulalas

Narito, ang aking dibdib ay parang alak na walang pahingahan: parang mga bagong sisidlang-balat na handa sa pagkahapak.

793
Mga Konsepto ng TaludtodPagtandaKaranasan, Kaalamang Hango saKatangian ng mga MatatandaKarununganGulangAng MatatandaKalaguanKaranasan

Aking sinabi, Ang mga kaarawan ang mangagsasalita, at ang karamihan ng mga taon ay mangagtuturo ng karunungan.

811
Mga Konsepto ng TaludtodKalaguang PisikalLimitasyon ng KabataanMga Taong NaghihintayPagsasalita

Si Eliu nga ay naghintay upang magsalita kay Job, sapagka't sila'y matanda kay sa kaniya.

943
Mga Konsepto ng TaludtodDahilanTatlong LalakeIba pa na Hindi SumasagotPinangalanang mga Tao na may Galit sa IbaPamilya at mga Kaibigan

Laban din naman sa kaniyang tatlong kaibigan ay nagalab ang kaniyang poot, sapagka't sila'y hindi nakasumpong ng sagot, at gayon man ay nahatulan si Job.

973
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Naghihintay

Narito, aking hinintay ang inyong mga salita, aking dininig ang inyong mga pangangatuwiran, samantalang kayo'y naghahagilap ng masasabi.

979
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong LalakeIba pa na Hindi SumasagotPinangalanang mga Tao na may Galit sa Iba

At nang makita ni Eliu na walang kasagutan sa bibig ng tatlong lalaking ito, ay nagalab ang kaniyang poot.

998
Mga Konsepto ng TaludtodIba pa na Hindi Sumasagot

Sapagka't hindi itinukoy ang kaniyang mga salita sa akin; ni hindi ko sasagutin siya ng inyong mga pananalita.

1008
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Karunungan

Magbawa nga kayo, baka kayo'y magsabi, Kami ay nakasumpong ng karunungan; madadaig ng Dios siya, hindi ng tao;

1024
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Tahimik

Sila'y nangalito, sila'y hindi na nagsisagot pa; Sila'y walang salitang masabi,

1037

Oo, aking inulinig kayo, at, narito, walang isang makahikayat kay Job, o sa inyo'y may makasagot sa kaniyang mga salita.

1043
Mga Konsepto ng TaludtodMakinig sa Taung-Bayan!

Kaya't aking sinabi, Dinggin ninyo ako; akin namang ipakikilala ang aking haka.

1057
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghihintayMga Taong Tahimik

At ako ba'y maghihintay, sapagka't sila'y hindi nangagsasalita, sapagka't sila'y nangakatigil, at hindi na nagsisisagot.

1062
Mga Konsepto ng TaludtodHusayMga Taong Nagwakas

Sapagka't hindi ako marunong sumambit ng mga pakunwaring papuring salita; na kung dili ay madaling papanawin ako ng Maylalang sa akin.

1063
Mga Konsepto ng TaludtodPananaw, Mga

Ako nama'y sasagot ng ganang akin, akin namang ipakikilala ang aking haka.

1070

Ako'y magsasalita, upang ako'y maginhawahan: aking ibubuka ang aking mga labi at sasagot ako.