Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 14

Josue Rango:

56
Mga Konsepto ng TaludtodKapahingahan, Pisikal naHigante, MgaPanahon ng Kapayapaan

Ang pangalan nga ng Hebron nang una ay Chiriath-arba; na siyang Arba na pinaka malaking lalake sa mga Anaceo. At ang lupain ay nagpahinga sa pakikidigma.

352
Mga Konsepto ng TaludtodBayan ng Juda

Nang magkagayo'y lumapit ang mga anak ni Juda kay Josue sa Gilgal: at sinabi sa kaniya ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo, Iyong talastas ang bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na lalake ng Dios, tungkol sa akin at tungkol sa iyo sa Cades-barnea.

376
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Pananagutan ng DiyosAntas

At ito ang mga mana na sinakop ng mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan, na binahagi sa kanila ni Eleazar na saserdote, at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel,

418
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayLungsodPagiging MatulunginLupain bilang Kaloob ng DiyosKalakihanKatapangan, Halimbawa ngHigante, MgaDiyos, Sasaiyo angUnti-unting Pagsakop sa LupainPampatibay

Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinalita ng Panginoon nang araw na yaon: sapagka't iyong nabalitaan nang araw na yaon kung paanong nariyan ang mga Anaceo, at mga bayang malalaki at nakukutaan: marahil ay sasa akin ang Panginoon, at akin silang maitataboy na gaya ng sinalita ng Panginoon.

429
Mga Konsepto ng TaludtodEspiya, Kilos

Ako'y may apat na pung taon nang ako'y suguin ni Moises na lingkod ng Panginoon mula sa Cades-barnea upang tiktikan ang lupain; at aking dinalhan ng sagot siya ng gaya ng nasa aking puso.

436
Mga Konsepto ng TaludtodPagtandaKalagitnaan ng Edad40 hanggang 50 mga taonPaglalagalag

At ngayon, narito, iningatan akong buhay ng Panginoon, gaya ng kaniyang sinalita, nitong apat na pu't limang taon, mula nang panahon na salitain ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang; at ngayon, narito, sa araw na ito ako'y may walong pu't limang taon na.

460
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Pinagpala ang IbaHalimbawa ng Pagtalima sa Diyos

At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya.

475
Mga Konsepto ng TaludtodPaa, MgaMapagkakatiwalaanWalang Hanggang PagaariPagsunod sa DiyosPaa sa Pagsasakatuparan

At si Moises ay sumumpa nang araw na yaon, na nagsasabi, Tunay na ang lupain na tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang mana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailan man, sapagka't sumunod kang lubos sa Panginoon kong Dios.

497
Mga Konsepto ng TaludtodKasakitanMalalakas na mga TauhanKalakasan sa LabananPananampalataya at LakasDigmaanLabananGulangEnerhiyaKalakasan

Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok.

500
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunod sa DiyosKung Saan ang mga Tao ay Namumuhay Hanggang Ngayon

Kaya't ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel.

506

Sa pamamagitan ng sapalaran ng kanilang mana, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi.

516
Mga Konsepto ng TaludtodKaruwaganPagsunod sa DiyosPagkawala ng Tapang

Gayon ma'y pinapanglumo ng mga kapatid na kasama ko ang puso ng bayan: nguni't ako'y lubos na sumunod sa Panginoon kong Dios.

527
Mga Konsepto ng TaludtodTribo ng Israel

Sapagka't ang mga anak ni Jose ay naging dalawang lipi ang Manases at ang Ephraim: at hindi sila nagbigay ng bahagi sa mga Levita sa lupain, liban ang mga bayan na matahanan, pati ng mga nayon niyaon sa kanilang hayop at sa kanilang pag-aari.

574
Mga Konsepto ng TaludtodLampas sa Jordan

Sapagka't nabigyan na ni Moises ng mana ang dalawang lipi at ang kalahating lipi sa dako roon ng Jordan: nguni't sa mga Levita ay wala siyang ibinigay na mana sa kanila.

617

Kung paano iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel, at kanilang binahagi ang lupain.