Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 6

Josue Rango:

23
Mga Konsepto ng TaludtodBumabagsakIlagay sa Isang LugarEspirituwal na Digmaan

At kaniyang sinabi sa bayan, Magpauna kayo, at ligirin ninyo ang bayan, at papagpaunahin ninyo ang mga lalaking may sandata sa unahan ng kaban ng Panginoon.

28
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang PisikalInstrumento ng Musika, Gawa saPitong TaoPitong BagayKaban, Ang Paglilipat-lipat saPitong Trumpeta

At nangyari, na pagkapagsalita ni Josue sa bayan, ay nagpauna sa Panginoon ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa, at humihip ng mga pakakak; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sumusunod sa kanila.

38

At ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa mga saserdote na humihihip ng mga pakakak, at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban, na ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.

52
Mga Konsepto ng TaludtodBilogKaban, Ang Paglilipat-lipat saBumabagsak

Sa gayo'y kaniyang iniligid sa bayan ang kaban ng Panginoon, na lumigid na minsan: at sila'y nasok sa kampamento, at tumigil sa kampamento.

53
Mga Konsepto ng TaludtodKatahimikanWalang PagsigawMapagpigil na PananalitaEspirituwal na Digmaan

At iniutos ni Josue sa bayan, na sinasabi, Huwag kayong hihiyaw, ni huwag ninyong iparirinig ang inyong tinig, ni huwag magbubuka ang inyong bibig ng anomang salita, hanggang sa araw na aking sabihing kayo'y humiyaw; kung magkagayo'y hihiyaw kayo.

76
Mga Konsepto ng TaludtodPitong TaoPitong BagayTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaPitong Trumpeta

At ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon ay yumaon na patuloy, at humihihip ng mga pakakak: at ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa kanila; at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban ng Panginoon, na ang mga saserdote ay humihihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.

81
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatalagaPananalapi

Nguni't lahat na pilak, at ginto, at mga sisidlang tanso at bakal, ay banal sa Panginoon: pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon.

102
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanYaong mga Bumangon ng Umaga

At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binuhat ng mga saserdote ang kaban ng Panginoon.

103
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayPananakop, MgaSumisigaw sa GalakPananakopUmaawitHindi LumilikoMga Taong SumisirkoSigaw ng PakikipaglabanTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaBagay na Nahuhulog, MgaTambol, Mga

Sa gayo'y humiyaw ang bayan, at ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak: at nangyari nang marinig ng bayan ang tunog ng pakakak na ang bayan ay humiyaw ng malakas, at ang kuta ay gumuho, na ano pa't ang bayan ay sumampang nasok sa siyudad, na bawa't isa'y matuwid na nagpatuloy, at kanilang sinakop ang bayan.

109
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayBumangon, MaagangPitong UlitAng Ikapitong Araw ng LinggoSa Pagbubukang LiwaywayYaong mga Bumangon ng UmagaAraw, IkapitongBumabagsak

At nangyari nang ikapitong araw, na sila'y bumangong maaga sa pagbubukang liwayway, at niligid ang bayan ng gayon ding paraan na makapito: nang araw lamang na yaon kanilang niligid ang bayan na makapito.

145
Mga Konsepto ng TaludtodSinusumpa ang IsraelIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, Sa

At kayo, sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha kayo sa itinalagang bagay; sa gayo'y inyong ipasusumpa ang kampamento ng Israel, at inyong babagabagin.

167
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonPanganayAma, Pagkakasala ng mgaPakikiusapTarangkahanPanata ng TaoPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanKamatayan ng mga PanganayAng Pinakabatang AnakPundasyon ng mga BansaLungsod, Tarangkahan ngSinusumpa ang Di-MatuwidMuling Pagtatatag ng mga Kilalang LungsodMuling Pagtatatag

At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso.

174
Mga Konsepto ng TaludtodSinumpa, AngPagiging MatulunginPagpatayEspiya, MgaMga Taong Nagtatago ng mga TaoIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, Sa

At ang bayan ay matatalaga sa Panginoon, yaon at ang lahat na tumatahan doon: si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay, siya at ang lahat na kasama niya sa bahay, sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na ating sinugo.

176
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na ArawBumabagsak

At sa ikalawang araw ay kanilang niligid na minsan ang bayan, at nagsibalik sa kampamento: kanilang ginawang gayon na anim na araw.

185
Mga Konsepto ng TaludtodSigaw ng PakikipaglabanTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka't ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan.

262
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomApoyBakalKayamananPagsusunogPananalapiPagsunog sa mga Lungsod

At kanilang sinunog ng apoy ang bayan, at lahat na nandoon: ang pilak lamang, at ang ginto, at ang mga sisidlang tanso at bakal, ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.

265
Mga Konsepto ng TaludtodEspiya, KilosPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga LugarDalawa Pang Lalake

At sinabi ni Josue sa dalawang lalaking tumiktik sa lupain, Pumasok kayo sa bahay ng patutot, at ilabas ninyo roon ang babae, at ang lahat niyang tinatangkilik, na gaya ng inyong isinumpa sa kaniya.

272
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa Pakikitungo sa TaoEspiya, KilosMga Taong Nagtatago ng mga TaoKung Saan ang mga Tao ay Namumuhay Hanggang NgayonBayarang Babae

Nguni't si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama, at ang lahat niyang tinatangkilik, ay iniligtas na buhay ni Josue; at siya'y tumahan sa gitna ng Israel, hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico.

274
Mga Konsepto ng TaludtodPitong TaoPitong BagayKaban, Ang Paglilipat-lipat saPitong Trumpeta

At tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at magdala ang pitong saserdote ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon.

283
Mga Konsepto ng TaludtodKatanyaganMga Sikat na TaoDiyos sa piling ng mga Tao

Sa gayo'y ang Panginoon ay sumama kay Josue; at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa buong lupain.

285
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang PisikalSungay, MgaSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanLalakeng TupaPitoPitong TaoPitong BagayPitong UlitKaban, Ang Paglilipat-lipat saTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaPitong TrumpetaBumabagsak

At pitong saserdote sa unahan ng kaban ay magdadala ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa: at sa ikapitong araw ay inyong liligiring makapito ang bayan, at ang mga saserdote ay hihipan ang mga pakakak.

286
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kilos ngSinasalakayGawa ng Diyos sa IsraelDigmaan, Halimbawa ngYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang Jerico, at ang hari niyaon, at ang mga makapangyarihang lalaking matapang.

299
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibaySumisigawPader, MgaSigaw ng PakikipaglabanBagay na Nahuhulog, Mga

At mangyayari, na pagka hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa, at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak, ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan; at ang kuta ng bayan ay guguho, at ang bayan ay sasampa ang bawa't isa'y tapatan sa harap niya.

301
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakataon sa Buhay, MgaPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga Lugar

At ang mga binata na mga tiktik ay pumasok, at inilabas si Rahab, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at lahat ng kaniyang tinatangkilik; lahat niyang kamaganakan naman ay kanilang inilabas; at kanilang inilagay sila sa labas ng kampamento ng Israel.

316
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na ArawPagkasunod-Sunod sa MartsaBumabagsak

At iyong liligirin ang bayan, lahat ng mga lalaking pangdigma, na liligid na minsan sa bayan. Ganito mo gagawin na anim na araw.

354
Mga Konsepto ng TaludtodIpinipinid ang TarangkahanLabas PasokNegatibo

Ang Jerico nga ay lubos na nakukubkob dahil sa mga anak ni Israel: walang nakalalabas, at walang nakapapasok.

359
Mga Konsepto ng TaludtodTupaEspada, MgaPagkalipolPaglipolAng mga Tao at Hayop ay kapwa NapatayLipulin ang Lahi

At kanilang lubos na nilipol ng talim ng tabak ang lahat na nasa bayan, ang lalake at gayon din ang babae, ang binata at gayon din ang matanda, at ang baka, at ang tupa, at ang asno.