Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 7

Josue Rango:

13
Mga Konsepto ng TaludtodTumalikodPagkatalo ng Bayan ng Diyos

Oh Panginoon, anong aking sasabihin pagkatapos na ang mga anak ng Israel ay makatalikod sa harap ng kanilang mga kaaway!

33
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngDiyos na PanginoonKaaway, Nakapaligid na mgaPangalang BinuraSa Kapakanan ng Kanyang Pangalan

Sapagka't mababalitaan ng mga Cananeo at ng lahat na nananahan sa lupain, at kami ay kukubkubin at ihihiwalay ang aming pangalan sa lupa: at ano ang iyong gagawin sa iyong dakilang pangalan?

48
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MakapagpasyaBumangon Ka!

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito?

64
Mga Konsepto ng TaludtodKayamanan, Panganib saPagnanakawKawalang Katapatan, Halimbawa ngPaglabag sa TipanTauhang Nagsisinungaling, MgaIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, Sa

Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.

88
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihan, KawalangSinusumpa ang IsraelIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, Sa

Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.

105
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalan bilang Ibinukod sa DiyosBumangon Ka!Ilalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, SaGinawang Banal ang BayanKinabukasan

Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.

122
Mga Konsepto ng TaludtodUmagaPamamahala

Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake.

142
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusunog ng BangkayApoyParusang KamatayanPagsunog sa mga TaoPaglabag sa TipanIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, Sa

At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel.

168
Mga Konsepto ng TaludtodYaong mga Bumangon ng UmagaBayan ng Juda

Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili:

172
Mga Konsepto ng TaludtodPinunit ang KasuotanKaban ng Tipan, Gamit ngGabiDamit, Pagpunit ngUlo, MgaPagpapatirapaPagwiwisikKapakumbabaan, Halimbawa ngAbo sa UloYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

At hinapak ni Josue ang kaniyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matanda ng Israel; at sila'y nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo.

175
Mga Konsepto ng TaludtodBayan ng Juda

At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili:

186
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatago ng Kasalanan

At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin.

190

At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay napili.

206
Mga Konsepto ng TaludtodMagandaKriminalPagiimbot, Utos laban saMasamang Pasya, Halimbawa ngKasakiman, Hatol saPagibig, Pangaabuso saBalabalSarili, Pagpapakalayaw saTukso, Pangkalahatan ngKayamananPangitainKasakiman, Kahihinatnan ngKasakiman, Halimbawa ngKagandahan sa mga ArtepaktoPagtatago ng KasalananPanggagayuma ng KasalananBumigay sa TuksoBagay na nasa Ilalim, MgaPanlabas na KasuotanMagandang KasuotanEspisipikong Halaga ng Pera

Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.

217

At kinuha ni Josue, at ng buong Israel na kasama niya, si Achan na anak ni Zera at ang pilak, at ang balabal, at ang dila na ginto, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang kaniyang mga baka, at ang kaniyang mga asno, at ang kaniyang mga tupa, at ang kaniyang tolda, at ang lahat niyang tinatangkilik: at kanilang isinampa sa libis ng Achor.

221
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatunayHalimbawa, MasamangKarangyaanPagbabalik sa DiyosPagkilala sa KasalananKapahayaganKami ay Nagkasala

At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa:

270
Mga Konsepto ng TaludtodMga Panandang BatoDiyos, Hindi na Magagalit angLugar hanggang sa Araw na Ito, Mga

At kanilang binuntunan siya ng malaking bunton na mga bato, hanggang sa araw na ito; at ang Panginoon ay nagpigil ng kabangisan ng kaniyang galit. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na, Ang libis ng Achor, hanggang sa araw na ito.

281
Mga Konsepto ng TaludtodAi, Ang Lungsod ngLupain bilang Kaloob ng DiyosEspiya, MgaEspiya, KilosUnti-unting Pagsakop sa Lupain

At mula sa Jerico ay nagsugo si Josue ng mga lalake sa Hai na nasa siping ng Beth-aven, sa dakong silanganan ng Beth-el, at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Sumampa kayo at tiktikan ninyo ang lupain. At ang mga lalake ay yumaon at tiniktikan ang Hai.

287
Mga Konsepto ng TaludtodIbinababa ang mga Bagay

At kanilang kinuha sa gitna ng tolda, at dinala kay Josue, at sa lahat ng mga anak ni Israel; at kanilang inilapag sa harap ng Panginoon.

297
Mga Konsepto ng TaludtodBagay na nasa Ilalim, Mga

Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.

304
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayKabagabagan, Sanhi ngParusang KamatayanKaparusahan, Legal na Aspeto ngKagantihanPagsunog sa mga TaoMapanggulong Grupo ng mga TaoPamilya, Kamatayan sa

At sinabi ni Josue, Bakit mo kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato.

309
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Damdamin ngPuso ng TaoNatutunawTatlumpu, IlangPagkawala ng Tapang

At ang mga lalake sa Hai ay sumakit sa kanila ng may tatlong pu't anim na lalake; at hinabol nila sila mula sa harap ng pintuang-bayan hanggang sa Sebarim, at sinaktan sila sa babaan: at ang mga puso ng mga tao ay nanglumo, at naging parang tubig.

317
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang LiboTatlong Libo at Higit PaMaliitin

At sila'y nagsibalik kay Josue, at sinabi sa kaniya, Huwag sumampa ang buong bayan, kundi sumampa lamang ang dalawa o tatlong libong lalake at sugatan ang Hai; huwag mong pagurin ang buong bayan doon; sapagka't sila'y kakaunti.

318
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloTatlong Libo at Higit PaIsrael, Tumatakas angPagkatalo ng Bayan ng Diyos

Sa gayo'y sumampa roon sa bayan ay may tatlong libong lalake: at sila'y tumakas sa harap ng mga lalake sa Hai.

319
Mga Konsepto ng TaludtodKalungkutanPagtawid tungo sa Lupang PangakoDiyos, Bibiguin sila ngBakit ito Ginagawa ng Diyos?

At sinabi ni Josue, Ay, Oh Panginoong Dios, bakit mo pinatawid ang bayang ito sa Jordan, upang ibigay kami sa kamay ng mga Amorrheo, na ipalipol kami? nakatigil sana kaming masaya at nakatahan sa dakong yaon ng Jordan!

346
Mga Konsepto ng TaludtodSinumpa, AngGalit ng Diyos, Sanhi ngKatiyagaan ng Diyos sa KasamaanMateryalismo bilang Aspeto ng KasalananYamutin ang DiyosHindi Tapat sa DiyosIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, SaBayan ng JudaHindi Tapat

Nguni't ang mga anak ni Israel ay nakagawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay: sapagka't si Achan na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda; ay kumuha sa itinalagang bagay, at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa mga anak ni Israel.