Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 9

Josue Rango:

30
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaanDalawa Pang LalakeIsang Kaisipan

At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.

73

At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.

111
Mga Konsepto ng TaludtodNakasusuklam na PagkainTinapayAmag

Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:

152
Mga Konsepto ng TaludtodSapatosBagay na Naluluma, MgaHindi NagagamitSisidlang Balat ng Alak

At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.

213
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiHindi Sumasangguni sa DiyosTuntunin

At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.

219
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Relasyon saTinatakan ang TipanKasunduan, Legal naPinapanatiling Buhay ng mga Tao

At si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.

236
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikatlong Araw ng LinggoLungsod sa Israel

At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at Kiriath-jearim.

241
Mga Konsepto ng TaludtodMediteraneo, DagatLampas sa JordanHentil na mga TagapamahalaAng Sepela

At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng malaking dagat sa tapat ng Libano, ng Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;

273
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tungkulin saPagkakamali, MgaHinanakit Laban sa mga Tao

At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.

293
Mga Konsepto ng TaludtodKapwa

At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.

298

Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,

322
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tungkulin saHindi Tapat sa mga TaoPinapanatiling Buhay ng mga Tao

Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.

325
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tungkulin saHipuinHindi Masaktan

Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.

327
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabalisa, Mga Halimbawa ng

At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.

330
Mga Konsepto ng TaludtodTao na Nagbibigay TubigPinapanatiling Buhay ng mga TaoPanggatong

At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.

331
Mga Konsepto ng TaludtodTao na Nagbibigay TubigPanggatongSinusumpa ang Di-MatuwidGrupo ng mga Alipin

Ngayon nga'y sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.

332
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataksil, Halimbawa ngNagkukunwariKapwaMga Taong mula sa Malayong Lugar

At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; dangang nananahan kayong kasama namin?

333
Mga Konsepto ng TaludtodIbinigay sa Kamay

At ngayon, narito, kami ay nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.

335
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng PandarayaBotelya, Gamit ngSugoKatusuhanSisidlang Balat ng AlakPagpapabuti

Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;

337
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na Dako, MgaDambana ng Panginoon, AngTao na Nagbibigay TubigPanggatongBantayog Hanggang Ngayon

At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang pipiliin.

338
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoKatapatan

At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?

341
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusapKatapatanMga Taong mula sa Malayong Lugar

At sila'y nagsiparoon kay Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.

342

Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa.

343
Mga Konsepto ng TaludtodPinapanatiling Buhay ng mga Tao

At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.

344
Mga Konsepto ng TaludtodSapatosNakasusuklam na PagkainInaayosPagkain, Nabubulok na

At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.

348
Mga Konsepto ng TaludtodKatanyaganMga Taong mula sa Malayong Lugar

At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,

351
Mga Konsepto ng TaludtodSino ito?Saan Mula?

At kanilang sinabi kay Josue, Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?