Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 8

Josue Rango:

25
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihintayKanlurang Bahagi

At pinapagpaalam sila ni Josue: at sila'y yumaon sa pagbakay, at lumagay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai, sa dakong kalunuran ng Hai: nguni't si Josue ay tumigil ng gabing yaon sa gitna ng bayan.

36
Mga Konsepto ng TaludtodBumangon, Halimbawa ng MaagangPagtipon sa mga KawalYaong mga Bumangon ng Umaga

At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binilang ang bayan, at sumampa siya at ang mga matanda ng Israel, sa unahan ng bayan, sa Hai.

45
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Alam sa HinaharapYaong mga Bumangon ng Umaga

At nangyari, nang makita ng hari sa Hai, na sila'y nagmadali at bumangong maaga, at ang mga lalake sa bayan ay lumabas laban sa Israel upang makipagbaka, siya at ang kaniyang buong bayan, sa kapanahunang takda, sa harap ng Araba, nguni't hindi niya talastas na may bakay laban sa kaniya sa likuran ng bayan.

46
Mga Konsepto ng TaludtodLimang liboKanlurang Bahagi

At siya'y kumuha ng may limang libong lalake at inilagay niya silang bakay sa pagitan ng Beth-el at ng Hai sa dakong kalunuran ng bayan.

55
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga Lugar

At ang lahat ng mga tao na nasa bayan ay pinisan upang humabol sa kanila: at kanilang hinabol si Josue, at nangalayo sa bayan.

70

At ang buong bayan, sa makatuwid baga'y ang mga taong pangdigma na kinasama niya, ay sumampa, at lumapit, at naparoon sa harap ng bayan, at humantong sa dakong hilagaan ng Hai: mayroon ngang isang libis sa pagitan niya at ng Hai.

75
Mga Konsepto ng TaludtodKanlurang Bahagi

Gayon inilagay nila ang bayan, ang buong hukbo na nasa hilagaan ng bayan, at ang kanilang mga bakay na nasa kalunuran ng bayan; at si Josue ay naparoon ng gabing yaon sa gitna ng libis.

82
Mga Konsepto ng TaludtodSibat, MgaYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Iunat mo ang sibat na nasa iyong kamay sa dakong Hai; sapagka't aking ibibigay sa iyong kamay. At iniunat ni Josue ang sibat na nasa kaniyang kamay sa dakong bayan.

84
Mga Konsepto ng TaludtodNagkukunwariIsrael, Tumatakas ang

At ginawa ni Josue at ng buong Israel na parang sila'y nadaig sa harap nila, at tumakas sa daan na ilang.

118
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatayPananakop

At nangyari, nang matapos ng Israel na mapatay sa parang ang lahat ng mga taga Hai, sa ilang na kanilang pinaghabulan sa kanila, at mangabuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, hanggang sa nalipol nila sila, ay bumalik ang buong Israel sa Hai, at sinugatan ng talim ng tabak.

125
Mga Konsepto ng TaludtodAng Gitna

At ang iba'y lumabas sa bayan laban sa kanila, na anopa't sila'y nasa gitna ng Israel, na ang iba'y sa dakong ito, at ang iba'y sa dakong yaon: at sinaktan nila sila, na anopa't wala silang iniwan sa kanila na nalabi o nakatanan.

201
Mga Konsepto ng TaludtodAltar sa PanginoonPagtatatag ng Altar

Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa bundok ng Ebal,

220
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Kaloob ng DiyosDigmaan, Katangian ngLabanan ang Kahinaan ng LoobUnti-unting Pagsakop sa LupainYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag kang matakot, ni manglumo: ipagsama mo ang buong bayang pangdigma, at bumangon ka, na sumampa ka sa Hai: tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang hari sa Hai, at ang kaniyang bayan, at ang kaniyang siyudad, at ang kaniyang lupain;

261
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga SiyudadHindi Nababantayan

At walang lalake na naiwan sa Hai o sa Beth-el, na hindi humabol sa Israel: at kanilang iniwang bukas ang bayan, at hinabol ang Israel.

277
Mga Konsepto ng TaludtodPugantePagsusunog

At nang lumingon ang mga lalake sa Hai sa likuran nila, ay kanilang nakita, at, narito, ang usok ng bayan ay napaiilanglang sa langit, at wala silang kapangyarihan na makatakas sa daang ito o sa daang yaon: at ang bayan na tumakas sa ilang ay pumihit sa mga manghahabol.

279
Mga Konsepto ng TaludtodArkitekturaPaglilingkod, Sa Buhay ng MananampalatayaKagamitanAklat ng KautusanBakal na mga BagayAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni MoisesKapayapaan, Handog sa

Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, sa mga anak ni Israel, gaya ng nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises, na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato, na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal: at kanilang pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin, at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

280
Mga Konsepto ng TaludtodSibat, MgaGrupong NagsisipagtakbuhanPagsunog sa mga Lungsod

At ang bakay ay bumangong bigla sa kanilang dako, at sila'y tumakbo pagkaunat niya ng kaniyang kamay, at pumasok sa bayan at sinakop at sila'y nagmadali at sinilaban ang bayan.

296
Mga Konsepto ng TaludtodBitayanTarangkahanNakabitinKaparusahan, Legal na Aspeto ngAraw, Paglubog ngMga Panandang BatoMga Taong BinitayLugar hanggang sa Araw na Ito, Mga

At ibinitin niya ang hari sa Hai sa isang punong kahoy hanggang sa kinahapunan: at sa paglubog ng araw ay iniutos ni Josue, at ibinaba nila ang kaniyang bangkay sa punong kahoy at inihagis sa pasukan ng pintuan ng bayan, at binuntunan ng malaking bunton ng mga bato, hanggang sa araw na ito.

300
Mga Konsepto ng TaludtodHabang Buhay

At ang hari sa Hai ay hinuli nilang buhay, at dinala nila siya kay Josue.

302
Mga Konsepto ng TaludtodArkeolohiyaPagsunog sa mga LungsodLugar hanggang sa Araw na Ito, Mga

Gayon sinunog ni Josue ang Hai, at pinapaging isang bunton magpakailan man na isang kagibaan, hanggang sa araw na ito.

306
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Isa hanggang Labing Siyam na Libo

At ang lahat na nabuwal ng araw na yaon, lalake at gayon din ang babae ay labing dalawang libo, lahat ng mga tao sa Hai.

307

At nang makita ni Josue at ng buong Israel na nasakop ng bakay ang bayan at ang usok ng bayan ay napaiilanglang, ay nagsibalik nga uli sila at pinatay ang mga lalake sa Hai.

311
Mga Konsepto ng TaludtodBaka

At iyong gagawin sa Hai at sa kaniyang hari ang gaya ng iyong ginawa sa Jerico at sa kaniyang hari: ang samsam lamang doon, at ang mga hayop niyaon, ang iyong kukunin na pinakasamsam ninyo: lagyan mo ng mga bakay ang bayan sa likuran.

312

Ang hayop lamang at ang samsam sa bayan na yaon ang kinuha ng Israel na pinakasamsam, ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang iniutos kay Josue.

314

Sa gayo'y bumangon si Josue, at ang buong bayang pangdigma, upang sumampa sa Hai: at pumili si Josue ng tatlong pung libong lalake, na mga makapangyarihang lalaking matapang, at sinugo ng kinagabihan.

320
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga Lungsod

At mangyayari, na pagka inyong nasakop ang bayan, ay inyong sisilaban ng apoy ang bayan; ayon sa salita ng Panginoon ay inyong gagawin: narito, aking iniutos sa inyo.

323
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalipol

Sapagka't hindi iniurong ni Josue ang kaniyang kamay na kaniyang ipinag-unat ng sibat hanggang sa kaniyang nalipol na lubos ang lahat ng mga taga Hai.

324
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga Lugar

At sila'y lalabas na susunod sa amin, hanggang sa aming mailayo sila sa bayan, sapagka't kanilang sasabihin, Sila'y tumatakas sa harap natin, na gaya ng una; gayon kami tatakas sa harap nila:

326
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hindi Malayo

At iniutos niya sa kanila, na sinasabi, Narito, kayo'y babakay laban sa bayan, sa likuran ng bayan: huwag kayong lumayong totoo sa bayan kundi humanda kayo;

328
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At kayo'y babangon sa pagbakay, at inyong aariin ang bayan: sapagka't ibibigay ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.

329
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Estratehiya sa

At ako, at ang buong bayan na kasama ko ay lalapit sa bayan. At mangyayari, na pagka sila'y lumabas laban sa amin gaya ng una, ay tatakas kami sa harap nila;

363
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasa ng KasulatanAklat ng KautusanAng Sumpa ng KautusanPagpapala at SumpaAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni Moises

At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.

404
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Pangyayari tungkol saHukom, MgaPiraso, KalahatingKalahati ng mga GrupoSaserdote, Gawain ng

At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa na gaya rin ng mga taga-roon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.

437
Mga Konsepto ng TaludtodKopya ng mga Dokumento

At siya'y sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel.

530
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaMga Bata, Pangangailangan ngPagtuturo sa mga BataPagsasanay sa mga Bata

Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga babae, at ng mga bata, at ng mga taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.