Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 10

Josue Rango:

7
Mga Konsepto ng TaludtodAng ArawEklipsePaglaho ng ArawAraw, Sikat ng

Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.

19
Mga Konsepto ng TaludtodUlan ng YeloHimpapawidLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosDiyos na PumapatayIsrael, Tumatakas angDiyos na Pumapatay sa mga Tao

At nangyari, na habang tumatakas sa harap ng Israel samantalang sila'y nasa babaan sa Beth-horon, na binagsakan sila ng Panginoon sa Azeca ng mga malaking bato na mula sa langit, at sila'y namatay: sila'y higit na namatayan sa pamamagitan ng mga batong granizo kay sa pinatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.

40
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga PangyayariDiyos na Nagbigay Pansin sa Akin

At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.

44
Mga Konsepto ng TaludtodYungibLimang TaoMga Taong nasa KuwebaMga Taong TumatakasPagtatago

At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPaa, MgaLeeg, MgaPagpapasailalimPangangalaga sa PaaYaong Napasailalim sa mga Tao

At nangyari, nang kanilang ilabas ang mga haring yaon kay Josue na ipinatawag ni Josue ang lahat na lalake sa Israel, at sinabi sa mga pinuno ng mga lalaking mangdidigma na sumama sa kaniya, Lumapit kayo, ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga leeg ng mga haring ito. At sila'y lumapit at inilagay ang kanilang mga paa sa mga leeg ng mga yaon.

58
Mga Konsepto ng TaludtodLumiligid

At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:

59
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Tao

At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.

62
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodPagpatayPaglipolNakaligtas sa mga Bansa, Mga

At nangyari, nang makatapos si Josue at ang mga anak ni Israel ng pagpatay ng malaking pagpatay sa kanila, hanggang sa nangalipol at ang labi na natira sa kanila ay pumasok sa mga nakukutaang bayan,

74
Mga Konsepto ng TaludtodKaligtasan

Na ang buong bayan ay bumalik sa kampamento kay Josue sa Maceda na tiwasay: walang maggalaw ng kaniyang dila laban sa kaninoman sa mga anak ni Israel.

77

At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.

96
Mga Konsepto ng TaludtodAi, Ang Lungsod ngKasunduanPagkalipol

Nangyari nga, nang mabalitaan ni Adoni-sedec na hari sa Jerusalem na kung paanong nasakop ni Josue ang Hari at nagibang lubos (na kung paanong kaniyang ginawa sa Jerico at sa hari niyaon, gayon ang kaniyang ginawa sa Hai at sa hari niyaon), at kung paanong nakipagpayapaan sa kanila ang mga taga Gabaon, at nangasa gitna nila;

123
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Tao

At kanilang ginawang gayon, at inilabas ang limang haring yaon mula sa yungib, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon.

137
Mga Konsepto ng TaludtodLimang TaoGawa ng Pagbubukas, AngBukas na Hukay, MgaPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga Lugar

Nang magkagayo'y sinabi ni Josue, Inyong buksan ang bunganga ng yungib, at inyong ilabas sa akin ang limang haring iyan sa yungib.

140
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampo

At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.

148
Mga Konsepto ng TaludtodHinahanap na mga TaoPinapaloYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang KamayKaaway, Atake ng mga

Nguni't huwag kayong magsitigil; inyong habulin ang inyong mga kaaway, at inyong sasaktan ang kahulihulihan sa kanila; huwag ninyong tiising pumasok, sa kanilang mga bayan: sapagka't ibinigay sila ng Panginoon ninyong Dios sa inyong kamay.

149
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kilos ngGawa ng Diyos sa IsraelWalang NakaligtasPaglipolYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.

153
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalipolPananakopWalang NakaligtasPaglipol

At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.

155

Kaya't si Adoni-sedec na hari sa Jerusalem ay nagsugo kay Oham na hari sa Hebron, at kay Phiream na hari sa Jarmuth, at kay Japhia, na hari sa Lachis, at kay Debir na hari sa Eglon na ipinasasabi,

162
Mga Konsepto ng TaludtodBitayanNakabitinKaparusahan, Legal na Aspeto ngLimang BagayPagpatay sa mga HariGumawa hanggang GabiMga Taong Binitay

At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.

166
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodKalakihanTakot sa Ibang mga Tao

Ay natakot silang mainam, sapagka't ang Gabaon ay malaking bayan na gaya ng isa sa mga bayan ng hari, at sapagka't lalong malaki kay sa Hai, at ang lahat na lalake roon ay mga makapangyarihan.

173
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhanPagpatay

At nilito sila ng Panginoon sa harap ng Israel, at kaniyang pinatay sila ng malaking pagpatay sa Gabaon, at hinabol niya sila sa daan na sampahan sa Beth-horon, at sinaktan niya sila hanggang sa Azeca, at sa Maceda.

179
Mga Konsepto ng TaludtodAraw, Paglubog ngYungib bilang LibinganBangkay ng mga TaoLugar hanggang sa Araw na Ito, Mga

At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.

181
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na Digmaan, Bilang LabananGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngKatapanganKalakasan ng mga TaoMagpakatapang Ka!Magpakalakas!KatapanganNatatakot

At sinabi ni Josue sa kanila, Huwag kayong matakot, ni manglupaypay; kayo'y magpakalakas at magpakatapang na maigi: sapagka't ganito ang gagawin ng Panginoon sa lahat ninyong mga kaaway na inyong kinakalaban.

202
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampoLimang Tao

Kaya't ang limang hari ng mga Amorrheo, ang hari sa Jerusalem, ang hari sa Hebron, ang hari sa Jarmuth, ang hari sa Lachis, ang hari sa Eglon, ay nagpipisan at sumampa, sila at ang lahat nilang hukbo, at humantong laban sa Gabaon, at nakipagdigma laban doon.

204

At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Libna, at lumaban sa Libna:

208
Mga Konsepto ng TaludtodGrupong Nagtutulungan

At ang mga tao sa Gabaon ay nagsugo kay Josue sa kampamento sa Gilgal, na sinasabi, Huwag mong papanlambutin ang iyong kamay sa iyong mga lingkod; sampahin mo kaming madali, at iligtas mo kami, at tulungan mo kami: sapagka't ang lahat ng mga hari ng mga Amorrheo na nangananahan sa lupaing maburol ay nagpipisan laban sa amin.

212
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MagagapiHuwag Matakot sa TaoYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang KamayNananatiling Malakas at Hindi SumusukoNatatakot

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.

238
Mga Konsepto ng TaludtodBiglaanPaglalakad sa Buong GabiSurpresa

Si Josue nga ay naparoong bigla sa kanila; siya'y sumampa mula sa Gilgal buong gabi.

239
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusapMga Taong Tumutulong

Sampahin ninyo ako at inyong tulungan ako, at saktan natin ang Gabaon: sapagka't nakipagpayapaan kay Josue at sa mga anak ni Israel.

258

Sa gayo'y sumampa si Josue mula sa Gilgal, siya at ang buong bayang pangdigma na kasama niya, at ang lahat ng mga makapangyarihang lalake na matatapang.

267
Mga Konsepto ng TaludtodAklat, MgaMga Aklat na Hindi NapanatiliHimpapawidIsang ArawMga Aklat ng KasaysayanArawAraw, Sikat ngAng BuwanGalaw at Kilos

At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.

379
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikalawang Araw ng LinggoPaglipolAraw, IkalawangYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.

391
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Katangian ngPagkalipolPaglipolHentil na mga TagapamahalaAng Sepela

Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng Panginoon ng Dios ng Israel.

410
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloWalang NakaligtasPaglipol

Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.

422
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampo

At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;

551

At sinaktan sila ni Josue mula sa Cades-barnea hanggang sa Gaza, at ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.

567

At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir; at nakipaglaban doon:

568
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalipolPananakopWalang NakaligtasPaglipol

At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.

573
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalipolPaglipol

At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.

600

At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:

614
Mga Konsepto ng TaludtodPagtagumpayan ang mga Hadlang

At ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain ay sinakop ni Josue na paminsan, sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

645
Mga Konsepto ng TaludtodNayonPagkalipolWalang NakaligtasPaglipol

At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.

648

At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampamento sa Gilgal.