Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 17

Levitico Rango:

439
Mga Konsepto ng TaludtodPagtalikod sa Lumang TipanBulaang RelihiyonGumawa Sila ng ImoralidadOkultismo ay Ipinagbabawal

At huwag na nilang ihahain ang kanilang mga hain sa mga kambing na lalake na kanilang pinanaligan. Magiging palatuntunan nga magpakailan man sa kanila sa buong panahon ng kanilang lahi.

441
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosDiyos na LabanMga Banyaga na Kasama sa KautusanIpinagbabawal na PagkainYaong Inalis mula sa IsraelDayuhan sa Israel

At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.

460

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

502
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Umiinom ng DugoIpinagbabawal na PagkainYaong Inalis mula sa IsraelDugo

Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.

508
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoBuhay sa DugoMga Banyaga na Kasama sa Kautusan

At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.

569
Mga Konsepto ng TaludtodRituwal na PaghuhugasTubigHayop, Biniyak na mgaBangkay ng mga HayopMalinis na mga DamitMarumi Hanggang GabiIpinagbabawal na PagkainLikas na Kamatayan

At yaong lahat na kumain ng namamatay sa sarili o nilapa ng mga ganid, maging sa mga tubo sa lupain o sa mga taga ibang bayan, ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon: kung magkagayon ay magiging malinis.

570
Mga Konsepto ng TaludtodSa Loob at Labas

Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, na pumatay ng baka, o kordero, o kambing sa loob ng kampamento, o pumatay sa labas ng kampamento,

587
Mga Konsepto ng TaludtodIpinagbabawal na Pagkain

Kaya't aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo.

598
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Atas ng

Iyong salitain kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ito ang iniutos ng Panginoon, na sinasabi,

616
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapadanakAlay sa Daanang PintoYaong Inalis mula sa Israel

At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihandog na pinaka alay sa Panginoon, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: ay dugo ang ipararatang sa taong yaon; siya'y nagbubo ng dugo; at ang taong yaon: ay ihihiwalay sa kaniyang bayan:

638
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaMga Banyaga na Kasama sa KautusanDayuhan sa Israel

At sasabihin mo sa kanila, Sinomang tao sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na naghandog ng handog na susunugin o hain,

693
Mga Konsepto ng TaludtodAlay sa Daanang Pinto

Upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga hain, na inihahain sa kalawakan ng parang, sa makatuwid baga'y upang kanilang dalhin sa Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote, at ihain sa Panginoon na mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.

701
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisikDambana ng Panginoon, AngPagwiwisik ng DugoTaba ng mga HandogNagpapasariwang Diyos

At iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at susunugin ang taba na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

761

Datapuwa't kung di niya labhan, ni paliguan ang kaniyang laman, ay tataglayin nga niya ang kaniyang kasamaan.

776
Mga Konsepto ng TaludtodAlay sa Daanang PintoYaong Inalis mula sa Israel

At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihain sa Panginoon: ay ihihiwalay nga ang taong yaon sa kaniyang bayan.