47 Talata sa Bibliya tungkol sa Dugo
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:
Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagka't ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.
Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.
Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.
Pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; at hindi mo pinagpaunahan siya, o nagsasalita ka man upang hikayatin ang masama mula sa kaniyang masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.
Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,
Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?
At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo.
Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
At ang dugo ay magiging sa inyo'y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka aking nakita ang dugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit ko sa lupaing Egipto.
Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.
At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.
Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Sapagka't di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.
Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan;
At sumagot ang buong bayan at nagsabi, Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.
Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
At narito, isang babaing inaagasang may labingdalawang taon na, ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit:
At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.
Sumpain nawa siya na gumagawa na walang bahala sa gawain ng Panginoon; at sumpain siya na naguurong ng kaniyang tabak sa dugo.
Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;
Mga Paksa sa Dugo
Ang Dugo ni Jesus
1 Pedro 1:19Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:
Buhay sa Dugo
Genesis 9:4Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
Bukid ng Dugo
Mga Gawa 1:18-19Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
Dugo ng Sakripisyo
Mga Taga-Roma 3:25Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;
Dugo ng Tipan
Zacarias 9:11Tungkol sa iyo naman, dahil sa dugo ng iyong tipan ay aking pinalabas ang iyong mga bilanggo sa hukay na walang tubig.
Dugo ni Cristo, Batayan ng
Mga Taga-Efeso 2:13-16Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.
Dugo ni Jesu-Cristo
Juan 19:33-34Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:
Dugo sa Pinto
Exodo 12:7At kukuha sila ng dugo niyan, at ilalagay sa dalawang haligi ng pinto at sa itaas ng pintuan, sa mga bahay na kanilang kakainan.
Dugo, Bilang Batayan ng Buhay
Levitico 17:10-14At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan.
Dugo, bilang Sagisag ng Sala
Isaias 59:2-3Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
Dugo, Mga Himalang Nakaugnay sa
Exodo 7:20At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron, gaya ng iniutos ng Panginoon; at kaniyang itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa paningin ni Faraon, at sa paningin ng kaniyang mga lingkod; at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo.
Dugo, Talinghaga na Gamit
Isaias 59:3Sapagka't ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
Mga Taong Umiinom ng Dugo
Genesis 9:4Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
Naging Dugo
Joel 2:31Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Nilalang na Umiinom ng Dugo
Mga Bilang 23:24Narito, ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae, At parang isang leon na nagpakataas: Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli, At makainom ng dugo ng napatay.
Nilukuban ng Dugo
Genesis 37:31At kanilang kinuha ang tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo:
Pagwiwisik ng Dugo
Levitico 1:5At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
Pananagutan sa Dumanak na Dugo
Mateo 23:35Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.
Tao, Tumigis na Dugo ng
Mga Bilang 35:33Kaya't huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong kinaroroonan; sapagka't ang dugo ay nagpaparumi ng lupain: at walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo doon, kundi sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo.
Walang Muwang na Dugo
Kawikaan 6:17Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
Mga Katulad na Paksa
- Alay
- Ang Dugo ni Jesus
- Buhay sa Dugo
- Cristo na Manunubos
- Diyos na Nagliligtas sa Kasalanan at Kamatayan
- Diyos, Pagpapatawad ng
- Dugo ng Sakripisyo
- Dugo ni Jesu-Cristo
- Dugo, Bilang Batayan ng Buhay
- Dumaraan
- Dumi ng Bakal
- Ganap na mga Alay
- Gobyerno
- Hayop, Buhay ng
- Hayop, Kaluluwa ng mga
- Ilog, Mga
- Ipinagbabawal na Pagkain
- Kadalisayan, Moral at Espirituwal na
- Kaganapan ng Diyos
- Kaligtasan, Katangian ng
- Kaparusahan
- Kapatawaran ng Kasalanan
- Kasalanan, Pagpapalaya na Mula sa Diyos
- Kasalanan, Tugo ng Diyos sa
- Katubusan
- Katubusan
- Katubusan sa Bagong Tipan
- Katubusan sa Bagong Tipan
- Katubusan sa Lumang Tipan
- Katubusan, Kapatawaran sa Pamamagitan ng
- Katubusan, Uri ng
- Kumakain ng Karne
- Lahi sa Lahing Pagaasawa
- Masamang Tubig
- Mga Taong Umiinom ng Dugo
- Moises, Kahalagahan ni
- Naging Dugo
- Nililinis
- Pagbabantay ng mga Pinuno
- Pagdalo sa Simbahan
- Pagiging Nilinis sa Kasalanan
- Pagpapadanak
- Pagpapakasakit
- Pagpapakasakit
- Pagpapatawad
- Pagpatay
- Pagtanggap kay Cristo
- Pamunuan at Kapangyarihan
- Pamunuan, Mga
- Pananagutan
- Pananagutan sa Dumanak na Dugo
- Panlinis
- Paskuwa, Kordero ng
- Sinusumpa ang Di-Matuwid
- Tao, Pagkakalikha sa
- Tao, Tumigis na Dugo ng
- Tinapay
- Tipan, Bagong
- Tubusin sa Pamamagitan ng Alay
- Uri