Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 16

Levitico Rango:

20
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PagtubosWalang Lamang mga LugarGumagawa para sa SariliSaserdote, Pagtubos ng mga

At huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya'y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya, at matubos ang sarili, at ang kaniyang kasangbahay, at ang buong kapisanan ng Israel.

67
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba, Sangkap ngPagpapatong ng KamayHayop, Sagisag ni Cristo ang Alay naMga Kamay sa mga UloPagtataboy ng mga HayopPagpapatong ng Kamay sa mga HandogKasalanan, Ipinahayag na

At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa:

103
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisik ng DugoPitong UlitMalinis na mga BagayGamit ang mga Daliri

At makapitong magwiwisik siya ng dugo sa dambana ng kaniyang daliri, at lilinisin at babanalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel.

120
Mga Konsepto ng TaludtodPasanin ang KasalananPaghahanda para sa PagkilosPagpapalaya

At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan: at pawawalan niya ang kambing sa ilang.

122
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtubos ng mgaPagkakasundo

At pagkatapos matubos niya ang dakong banal, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana, ay ihahandog ang kambing na buhay:

127
Mga Konsepto ng TaludtodLinoMga Taong Hinuhubaran

At papasok si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at maghuhubad ng mga suot na lino, na isinuot niya nang siya'y pumasok sa dakong banal, at iiwan niya roon:

134
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PagtubosPaghuhugasDinaramtan ang SariliGumagawa para sa SariliSaserdote, Pagtubos ng mga

At paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig, sa isang dakong banal, at magsusuot ng kaniyang mga suot, at lalabas, at ihahandog ang kaniyang handog na susunugin at ang handog na susunugin ng bayan, at itutubos sa kaniyang sarili at sa bayan.

140
Mga Konsepto ng TaludtodTaba ng mga HandogUmuusok

At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan.

155
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusan, Uri ngKasalanan, Pagpapalaya na Mula sa DiyosPagiging Nilinis sa KasalananPagpapatawad sa SariliPanlinis

Sapagka't sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo; sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon.

172
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapan ang iyong KaluluwaSabbath, Pagtatatag sa

Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; ito'y palatuntunang magpakailan man.

183
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtubos ng mga

At tutubusin niya ang banal na santuario, at tutubusin niya ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; at tutubusin niya ang mga saserdote at ang buong bayan ng kapisanan.

185
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusan, Uri ngKatubusan sa Lumang TipanOrdinansiyaPagsamba, Panahon ngPagsasagawa ng Paulit-ulit

At ito'y magiging palatuntunang walang hanggan sa inyo; na tubusin ang mga anak ni Israel, dahil sa lahat nilang mga kasalanan, ng minsan sa isang taon. At ginawa niya ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

199
Mga Konsepto ng TaludtodPunong Saserdote sa Lumang TipanOrdinasyonPinahiran, Mga Pinuno sa Lumang Tipan naPagtatalagaSaserdote, Kasuotan ng mga

At ang saserdote na papahiran at itatalaga upang maging saserdote na kahalili ng kaniyang ama, ay siyang tutubos at magsusuot ng mga kasuutang lino, na mga banal ngang kasuutan:

275
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan bilang Kaparusahan

At sinalita ng Panginoon kay Moises, pagkamatay ng dalawang anak ni Aaron, noong nagsilapit sa harap ng Panginoon, at namatay;

322
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng PanahonAraw ng PagtubosBagong TaonOrdinansiyaTrabaho at PahingaDayuhanPinahihirapan ang iyong KaluluwaBuwan, IkapitongMga Banyaga na Kasama sa KautusanWalang Trabaho sa Araw ng PistaKapakumbabaan ng Sarili

At ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa inyo: sa ikapitong buwan nang ikasangpung araw ng buwan, ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo:

438
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasapalaranAlisin ang Kasamaan

At pagsasapalaran ni Aaron ang dalawang kambing; ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel.

473
Mga Konsepto ng TaludtodKadalisayan, Katangian ngKambing na Ukol sa KasalananMalinis na mga DamitAlisin ang Kasamaan

At yaong nagpakawala ng kambing na ukol kay Azazel, ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento.

481
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanSaserdote, Pagtubos ng mga

At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang mga pagsalangsang, sa makatuwid baga'y sa lahat nilang kasalanan: at gayon ang kaniyang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila, sa gitna ng kanilang mga karumalan,

507
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanPagligo bilang PaglilinisTakip sa UloPunong Saserdote sa Lumang TipanLinoPaglilinisLino, Mga Iba't IbangSaserdote, Kasuotan ng mgaTurbante at SumbreroIlalim na Kasuotan

Siya'y magsusuot ng kasuutang banal, na lino at ng salawal na lino sa kaniyang laman, at magbibigkis siya ng pamigkis na lino, at ang mitra na lino ay kaniyang isusuot: ito ang mga bihisang banal; at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig at pawang isusuot niya.

513
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang mga KarapatanSagisag ni CristoPagwiwisik ng DugoTinatakpan ang Kaban ng TipanPagpatay sa HandogLuklukan ng HabagHabag, Pagpatay ng may

Kung magkagayo'y papatayin niya ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa bayan, at dadalhin ang dugo niyaon sa loob ng tabing, at ang gagawin sa dugo niyaon ay gaya ng ginawa sa dugo ng toro, at iwiwisik sa ibabaw ng luklukan ng awa at sa harap ng luklukan ng awa:

518
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanNamumuhay sa IlangPagtataboy ng mga HayopAlisin ang KasamaanHabang Buhay

Nguni't ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel sa ilang.

525
Mga Konsepto ng TaludtodLalake na mga HayopDalawang HayopPagaalay ng mga Kambing

At siya'y kukuha sa kapisanan ng mga anak ni Israel, ng dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ng isang tupang lalake na pinakahandog na susunugin.

536
Mga Konsepto ng TaludtodGinigilingInsensoInsensaryoPagsunog sa mga Sakripisyo

At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing:

553
Mga Konsepto ng TaludtodSinunog na AlayAraw ng PagtubosPunong Saserdote sa Lumang TipanPagpasok sa TabernakuloPagaalay ng mga Baka

Ganito papasok nga si Aaron sa loob ng dakong banal, may dalang isang guyang toro na handog dahil sa kasalanan, at isang tupang lalake na handog na susunugin.

559
Mga Konsepto ng TaludtodDalawaAlay sa Daanang PintoDalawang Hayop

At kukunin niya ang dalawang kambing at ilalagay niya sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

561
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaSaserdote, Pagtubos ng mga

At lalabas siya sa dambana na nasa harap ng Panginoon, at itutubos sa ito; at kukuha ng dugo ng toro, at ng dugo ng kambing, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot.

568
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaPagwiwisik ng DugoPitong UlitTinatakpan ang Kaban ng TipanGamit ang mga DaliriLuklukan ng Habag

At siya'y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa dakong silanganan: at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo.

576
Mga Konsepto ng TaludtodLamang LoobLabas ng KampamentoHayop, Mga Balat ngPagbabawas ng DumiTubusin sa Pamamagitan ng Alay

At ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos, ay ilalabas, sa kampamento; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon, at ang laman at ang dumi.

577
Mga Konsepto ng TaludtodMalinis na mga Damit

At ang magsusunog ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos, ay papasok siya sa kampamento.

605
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaGumagawa para sa SariliPagaalay ng mga BakaSaserdote, Pagtubos ng mga

At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan.

633
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PagtubosGumagawa para sa SariliPagpatay sa HandogSaserdote, Pagtubos ng mga

At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan, at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili:

674
Mga Konsepto ng TaludtodUsokTinatakpan ang Kaban ng TipanKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosLuklukan ng HabagUmuusok

At ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon, upang ang mga usok ng kamangyan ay tumakip sa luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patoo, upang huwag siyang mamatay:

696

At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinakahandog dahil sa kasalanan.