Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 5

Levitico Rango:

32
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaBabaeng HayopTupa at mga Kambing, MgaSaserdote, Pagtubos ng mga

At dadalhin niya sa Panginoon ang handog niya dahil sa pagkakasala, dahil sa kasalanang pinagkasalahan niya, ay isang babae na kinuha sa kawan, isang kordero o isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan; at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan.

44
Mga Konsepto ng TaludtodKalapati, MgaKalapati, MgaKahirapan, Sagot saDalawang HayopPagiging Mahirap

At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng isang kordero, ay magdadala nga siya sa Panginoon, na pinakahandog niya sa pagkakasala, dahil sa ipinagkasala niya, ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati: ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan at ang isa'y pinakahandog na susunugin.

57
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Biniyak na mga

At sila'y dadalhin niya sa saserdote, na ang ihahandog nito na pinakahandog dahil sa kasalanan, ay ang una at pupugutin ang ulo sa leeg, nguni't hindi papaghihiwalaying bigla:

79
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtubos ng mga

At ihahandog niya ang ikalawa na pinakahandog na susunugin ayon sa alituntunin: at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan na kaniyang pinagkasalahan, at siya'y patatawarin.

112
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisikPagwiwisik ng DugoSaligan ng mga bagayTuntunin para sa Handog sa Kasalanan

At magwiwisik siya ng dugo ng handog dahil sa kasalanan sa ibabaw ng gilid ng dambana; at ang labis sa dugo ay pipigain sa paanan ng dambana: handog nga dahil sa kasalanan.

129
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainKalapati, MgaKamanyangInsensoLangisKalapati, MgaTimbangan at PanukatLangis para sa mga HandogBangoIkasampung Bahagi ng mga Bagay-bagayPagiging MahirapEfa (Sampung Omer)Tuntunin para sa Handog sa Kasalanan

Datapuwa't kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, ay magdadala nga siya ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog dahil sa kasalanan niya; hindi niya lalagyan ng langis ni bubuhusan man niya ng kamangyan; sapagka't handog dahil sa kasalanan.

162
Mga Konsepto ng TaludtodPatunay bilang KatibayanKasalanan, Tagapagdala ngSaksi, Naayon sa Batas na mgaPakikiusapSalaPananagutanPagsaksiPanunumpaMoralidadPagaalis ng mga Tao sa iyong BuhayNakagagawa ng PagkakamaliPatotooSamahanKahihinatnanPagpapatotooPalabas

At kung ang sinoman ay magkasala, sa pagkarinig niya ng tinig ng pautos, sa paraang siya'y saksi maging kaniyang nakita o nalaman, kung hindi niya ihayag, ay siya nga ang magtataglay ng kasamaan niya.

195
Mga Konsepto ng TaludtodSala, Handog saLalakeng TupaPilakGanap na mga AlayHindi SinasadyaHindi Tapat

Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon; ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala:

206

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

215
Mga Konsepto ng TaludtodSala, Pantaong Aspeto ngSala, Handog saPananagutan sa DiyosKasalanan, Tagapagdala ngPagkakaroon ng BungaKahangalan sa KasamaanKahangalan sa Diyos

At kung ang sinoman ay magkasala, at gumawa ng alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin; bagama't hindi niya nalalaman, makasalanan din siya at magtataglay siya ng kaniyang kasamaan.

224
Mga Konsepto ng TaludtodTuntunin para sa Handog sa Kasalanan

At dadalhin niya sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng kaniyang dakot sa pinaka alaala niyaon, na susunugin sa dambana; na gaya ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: handog nga dahil sa kasalanan.

238
Mga Konsepto ng TaludtodRituwalNatitirang mga HandogPagkain para sa SaserdoteSaserdote, Pagtubos ng mga

At itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan sa alinman sa mga bagay na ito, at siya'y patatawarin: at ang labis ay mapapasa saserdote, gaya ng handog na harina.

262
Mga Konsepto ng TaludtodBakahanBangkay, Literal na GamitKarumihanKahangalan sa KasamaanMga Taong DinungisanTuntunin tungkol sa mga BangkaySalaKarne ng Baboy

O kung ang sinoman ay nakahipo ng alinmang bagay na karumaldumal, maging bangkay ng ganid na karumaldumal, o ng bangkay na hayop na karumaldumal, o ng bangkay ng umuusad na karumaldumal, at nalihim sa kaniya, at siya'y maging karumaldumal, ay magiging makasalanan nga siya:

267
Mga Konsepto ng TaludtodSala, Handog saSaserdote, Pagtubos ng mga

At isasauli niya yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay, at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi, at ibibigay niya sa saserdote: at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala; at siya'y patatawarin.

281
Mga Konsepto ng TaludtodKapabayaanPanata ng TaoKawalang Pag-iisipKasalanan, Ipinabatid naPanunumpa ng Panata, MalingPadalus-dalos na mga TaoPanunumpa

O kung ang sinoma'y sumumpa ng kaniyang mga labi ng walang dilidili na gumawa ng masama o gumawa ng mabuti, maging anoman na sinasalita ng tao na walang dilidili na kaakbay ang sumpa, at sa kaniya'y nalihim; pagka nalaman niya yaon, ay magiging makasalanan nga siya sa isa sa mga bagay na ito:

288
Mga Konsepto ng TaludtodNadaramang PagkakasalaPagsisis, Katangian ngKasalanan, Handog para saKasalanan, Ipinahayag naKapahayagan ng KasalananSalaPagpapahayag

At mangyayari, na pagka siya'y magiging makasalanan sa isa sa mga bagay na ito, ay kaniyang isasaysay yaong kaniyang ipinagkasala:

299
Mga Konsepto ng TaludtodSala, Handog saGanap na mga AlayHindi SinasadyaSaserdote, Pagtubos ng mga

At siya'y magdadala sa saserdote ng isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan ayon sa iyong pagkahalaga na pinakahandog dahil sa pagkakasala; at itutubos sa kaniya ng saserdote, tungkol sa bagay na pinagkamalian niya ng di sinasadya, at hindi niya nalalaman, at siya'y patatawarin.

306
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan sa KasamaanKasalanan, Ipinabatid na

O kung siya'y nakahipo ng karumaldumal ng tao, maging anomang karumaldumal niyaon na ikinapaging karumaldumal niya, at nalihim sa kaniya; pagka nalaman niya ay magiging makasalanan nga siya:

325
Mga Konsepto ng TaludtodNadaramang Pagkakasala

Yaon nga'y handog dahil sa pagkakasala: tunay ngang siya'y makasalanan sa harap ng Panginoon.