Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 6

Levitico Rango:

36
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtubos ng mga

At itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon; at siya'y patatawarin tungkol sa alin mang kaniyang nagawa, na kaniyang pinagkasalahan.

69

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

81
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanMagdamagPagsunog sa mga Sakripisyo

Iutos mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na iyong sabihin, Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin: ang handog na susunugin ay malalagay sa ibabaw ng pinagsusunugan sa ibabaw ng dambana, buong gabi hanggang umaga; at ang apoy sa dambana ay papananatilihing nagniningas doon.

89
Mga Konsepto ng TaludtodLinoDinaramtan ang SariliAbo ng PaghahandogLino, Mga Iba't IbangIlalim na Kasuotan

At isusuot ng saserdote ang kaniyang kasuutang lino, at ang kaniyang mga salawal na kayong lino at itatakip niya sa kaniyang katawan; at dadamputin niya ang mga abo ng handog na susunugin na sinunog sa apoy sa ibabaw ng dambana, at ilalagay niya sa tabi ng dambana.

99
Mga Konsepto ng TaludtodUmagang PagsambaAlay, MgaWalang HumpayPagsunog sa mga SakripisyoPanggatongTaba ng mga Handog

At ang apoy sa ibabaw ng dambana ay papananatilihing nagniningas doon, hindi papatayin; at ang saserdote ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw niyaon tuwing umaga: at aayusin niya sa ibabaw niyaon ang handog na susunugin, at susunugin sa ibabaw niyaon ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

105
Mga Konsepto ng TaludtodPandarayaTipan, Tagapaglabag ngLingkod, Mga MasasamangHindi Tapat sa DiyosIwasan ang PanlilinlangManloloko

Kung ang sinoman ay magkasala, at sumuway sa Panginoon, na magbulaan sa kaniyang kapuwa tungkol sa isang habilin, o sa isang sanla, o sa nakaw, o pumighati sa kaniyang kapuwa,

107
Mga Konsepto ng TaludtodWalang HumpayPagsunog sa mga SakripisyoLabis na Kapaguran

Ang apoy ay papananatilihing nagniningas sa ibabaw ng dambana; hindi papatayin.

111
Mga Konsepto ng TaludtodAromaInsensoAmoyOlibo, Langis ngLangis para sa mga HandogIba pang mga Panukat ng DamiNagpapasariwang Diyos

At kukuha siya niyaon ng kaniyang dakot, ng mainam na harina sa handog na harina, at ng langis niyaon, at ng lahat na kamangyan, na nasa ibabaw ng handog na harina, at kaniyang susunugin sa ibabaw ng dambana, na pinakamasarap na amoy, na alaala niyaon sa Panginoon.

133
Mga Konsepto ng TaludtodPlato, MgaLangis para sa mga HandogPagluluto ng TinapayNagpapasariwang DiyosPagluluto

Sa kawali ihahandang may langis; pagkatigmak niyaon dadalhin mo: lutong putolputol na ihaharap mo ang handog na harina na pinaka masarap na amoy sa Panginoon.

139

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

142

At ang saserdoteng pinahiran ng langis na mahahalili sa kaniya, na mula sa gitna ng kaniyang mga anak ay maghahandog niyaon: ayon sa palatuntunang walang hanggan ay susunuging lahat sa Panginoon.

157
Mga Konsepto ng TaludtodLabas ng KampamentoPagpapalit ng KasuotanAbo ng PaghahandogMalinis na mga Bagay

At maghuhubad siya ng kaniyang mga suot, at magbibihis ng ibang mga kasuutan, at ilalabas ang mga abo sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis.

189

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

211
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteAlay sa Tansong AltarKarne, Handog na

At ito ang kautusan tungkol sa handog na harina: ihahandog ng mga anak ni Aaron sa harap ng Panginoon, sa harap ng dambana.

261
Mga Konsepto ng TaludtodPinahiran, Mga Pinuno sa Lumang Tipan naPiraso, KalahatingHayop, Sinunog na Alay naPagpahid ng Langis sa mga SaserdoteSa Umaga at GabiKalahati ng mga Bagay-bagayIkasampung Bahagi ng mga Bagay-bagayEfa (Sampung Omer)

Ito ang alay ni Aaron at ng kaniyang mga anak na kanilang ihahandog sa Panginoon sa araw na siya'y pahiran ng langis; ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina magpakailan man, ang kalahati ay sa umaga at ang kalahati ay sa hapon.

271
Mga Konsepto ng TaludtodSalinlahiHipuinTao, Sumasambang mgaHipuin ang Banal na mga BagayPinahintulutang Kumain ng Pagkaing Alay

Bawa't lalake sa mga anak ni Aaron ay kakain niyaon na pinakabahagi nila magpakailan man, sa buong panahon ng inyong lahi, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; sinomang humipo ng mga iyan ay magiging banal.

290
Mga Konsepto ng TaludtodNatitirang mga HandogPagkain para sa Saserdote

At ang labis sa handog ay kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak: walang lebadurang kakanin sa dakong banal; sa looban ng tabernakulo ng kapisanan kakanin nila.

295
Mga Konsepto ng TaludtodTrigo, Alay naKabanalan bilang Ibinukod sa DiyosPagluluto ng Tinapay

Hindi lulutuing may lebadura. Aking ibinigay sa kanilang pinakabahagi nila, sa mga handog sa akin na pinaraan sa apoy; kabanalbanalang bagay nga, na gaya ng handog dahil sa kasalanan, at gaya ng handog dahil sa pagkakasala.

318
Mga Konsepto ng TaludtodLalakeng TupaGanap na mga Alay

At dadalhin niya sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala, isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga, at ibibigay sa saserdote na pinakahandog dahil sa pagkakasala:

321
Mga Konsepto ng TaludtodDugo ng SakripisyoRituwal na PaghuhugasPaghuhugasHipuin ang Banal na mga BagayMalinis na mga Damit

Anomang humipo ng laman niyaon ay magiging banal: at pagka pumilansik ang dugo sa alin mang damit, ay lalabhan mo yaong napilansikan sa dakong banal.

323

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

326
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasauliPiraso, Isang Ikalima na

O anomang bagay na kaniyang sinumpaan ng kabulaanan; na isasauli niyang buo, at daragdagan pa niya ng ikalimang bahagi niyaon: sa may-ari ibibigay niya sa araw na pagkasumpong sa kaniya na siya'y may kasalanan.

343
Mga Konsepto ng TaludtodSala

Ay mangyayari nga, na kung siya'y nagkasala at naging salarin, na isasauli niya ang ninakaw, o ang nakuha sa pagpighati, o ang habiling inihabilin sa kaniya, o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan,

350
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga SakripisyoPagkain para sa SaserdoteKarne, Handog na

At bawa't handog na harina ng saserdote ay susunuging lahat: hindi kakanin.

352
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa Handog

Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sabihin, Ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa kasalanan: sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa kasalanan, sa harap ng Panginoon; kabanalbanalang bagay nga.

356
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Handog para saPagkain para sa Saserdote

Ang saserdoteng maghandog niyaon dahil sa kasalanan ay kakain niyaon: sa dakong banal kakanin, sa looban ng tabernakulo ng kapisanan.

358
Mga Konsepto ng TaludtodLuwadLuwad, Gamit ngSirain ang mga SisidlanMalinis na mga BagayPalayok sa Pagluluto at Hapag Kainan

Datapuwa't ang sisidlang lupa na pinaglutuan ay babasagin: at kung niluto sa sisidlang tanso ay lilinisin at babanlawan ng tubig.

371
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Sumasambang mgaPinahintulutang Kumain ng Pagkaing Alay

Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon: bagay ngang kabanalbanalan.

373
Mga Konsepto ng TaludtodDugo ng SakripisyoPagsunog sa mga SakripisyoTubusin sa Pamamagitan ng AlayPagkain para sa Saserdote

At hindi kakanin ang anomang handog dahil sa kasalanan, kung may dugo niyao'y ipinasok sa tabernakulo ng kapisanan upang ipangtubos sa dakong banal: sa apoy nga susunugin.