Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 7

Levitico Rango:

40
Mga Konsepto ng TaludtodYari sa BalatSinunog na AlayHayop, Sinunog na Alay naHayop, Mga Balat ngSaserdote, Pagmamay-ari ng

At ang saserdoteng naghahandog ng handog na susunugin ng sinomang tao, ay siyang magtatangkilik ng balat ng handog na susunugin na inihandog.

82
Mga Konsepto ng TaludtodPagluluto sa HurnoHurnoSaserdote, Pagmamay-ari ngPagluluto

At bawa't handog na harina na niluto sa hurno, at yaong lahat na pinagyaman sa kawaling bakal at sa kawaling lupa, ay mapapasa saserdote na naghahandog.

106
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteAlay, MgaKapayapaan, Handog sa

At ito ang kautusan hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na ihahandog sa Panginoon:

123
Mga Konsepto ng TaludtodLangis para sa mga Handog

At bawa't handog na harina na hinaluan ng langis o tuyo, ay mapapasa lahat ng anak ni Aaron; sa isa na gaya sa iba.

166
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainLangisLangis para sa mga HandogPagpapasalamat sa Diyos

Kung ihahandog niya na pinaka pasalamat, ay ihahandog nga niyang kalakip ng haing pasalamat ang mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at ang mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang mainam na harina na munting tinapay na hinaluan ng langis.

208
Mga Konsepto ng TaludtodLebaduraAlay, MgaLebadura, MayKapayapaan, Handog sa

Kalakip ng munting tinapay na walang lebadura kaniyang ihahandog ang alay niya, na kalakip ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat.

221
Mga Konsepto ng TaludtodPasasalamat, HandogPagwiwisik ng DugoPagkain para sa SaserdoteSaserdote, Pagmamay-ari ngKapayapaan, Handog sa

At maghahandog ng isa niyaon na kaakbay ng bawa't alay na pinakahandog na itinaas sa Panginoon; mapapasa saserdoteng magwiwisik ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

257
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamPagtanggap ng DiyosPagtanggap sa PanambahanTatlong Araw

At kung kanin sa ikatlong araw ang anomang bahagi ng laman ng haing kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay hindi tatanggapin, at hindi man maipatutungkol doon sa naghahandog niyaon: aariing kasuklamsuklam, at ang taong kumain niyaon ay magtataglay ng kaniyang kasamaan.

260
Mga Konsepto ng TaludtodPasasalamat, HandogKalinisan sa PagkainKatawan ng HayopMagdamagNatitirang mga HandogKapayapaan, Handog sa

At ang laman ng hain na kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat ay kakanin sa kaarawan ng kaniyang pagaalay; siya'y hindi magtitira niyaon ng hanggang sa umaga.

265
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga SakripisyoNatitirang mga Handog

Datapuwa't ang lumabis sa laman ng hain hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy.

266
Mga Konsepto ng TaludtodIpinagbabawal na PagkainBampira

At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop.

280
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamKasuklamsuklam, Seremonya ngKarumihan, MgaHipuin ang mga Maruming BagayMga Taong DinungisanYaong Inalis mula sa Israel

At pagka ang sinoman ay nakahipo ng anomang maruming bagay, ng dumi ng tao, o ng hayop na karumaldumal, o ng alin mang kasuklamsuklam, at kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.

287
Mga Konsepto ng TaludtodKusang Loob na AlayPanata, MgaPagsasagawa ng PanataNatitirang mga HandogMga Taong NagkukusaMalayang Kalooban

Nguni't kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis:

298
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteKabanalan bilang Ibinukod sa Diyos

At ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa pagkakasala: bagay ngang kabanalbanalan.

303
Mga Konsepto ng TaludtodPandurungis, Ipinagbabawal angYaong Inalis mula sa Israel

Nguni't ang taong kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, na taglay niya ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.

304
Mga Konsepto ng TaludtodTupaKalinisan sa PagkainTaba ng mga HayopIpinagbabawal na Pagkain

Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Huwag kayong kakain ng taba ng baka, ng tupa, o ng kambing.

317
Mga Konsepto ng TaludtodKalinisan at DisimpeksyonHipuin ang mga Maruming BagayMaruming Espiritu, MgaIpinagbabawal na PagkainMaruming Hayop, Mga

At ang lamang masagi sa anomang bagay na karumaldumal ay hindi kakanin; yao'y susunugin sa apoy. At tungkol sa lamang hindi nahawa, lahat ng taong malinis ay makakakain niyaon.

331

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

336
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Biniyak na mgaTaba ng mga HayopKamatayan ng lahat ng NilalangIpinagbabawal na PagkainKapakipakinabang na mga Bagay

At ang taba ng namatay sa kaniyang sarili, at ang taba ng nilapa ng ganid, ay magagamit sa alin mang kagamitan: nguni't sa anomang paraan ay huwag ninyong kakanin.

345
Mga Konsepto ng TaludtodIpinagbabawal na PagkainYaong Inalis mula sa Israel

Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon.

348
Mga Konsepto ng TaludtodIwinagayway na HandogUmuugoy ng Paroo't ParitoGumagawa para sa Sarili

Na dadalhin ng kaniyang sariling mga kamay sa Panginoon ang mga handog na pinaraan sa apoy; ang taba pati ng dibdib ay dadalhin niya, upang ang dibdib ay alugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon.

355
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisikPagwiwisik ng DugoPagpatay sa HandogIba pang Tamang Bahagi

Sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa pagkakasala: at ang dugo niyao'y iwiwisik niya sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot.

370
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan, Handog sa

Iyong salitain sa mga anak ng Israel na sabihin, Ang naghahandog sa Panginoon ng hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng kaniyang alay sa hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan;

372
Mga Konsepto ng TaludtodIpinagbabawal na PagkainYaong Inalis mula sa Israel

Sapagka't sinomang kumain ng taba ng hayop na yaon na inihahandog ng mga tao sa Panginoon, na handog na pinaraan sa apoy, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong kumain.

376

At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; handog nga dahil sa pagkakasala.

378
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Sumasambang mgaPagkain para sa SaserdotePinahintulutang Kumain ng Pagkaing Alay

Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon; sa dakong banal kakanin yaon: bagay ngang kabanalbanalan.

379
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahanSaserdote, Pagmamay-ari ngSaserdote, Pagtubos ng mga

Kung paano ang handog dahil sa kasalanan ay gayon ang handog dahil sa pagkakasala: ang dalawa'y may isang kautusan: mapapasa saserdoteng tumutubos.

381
Mga Konsepto ng TaludtodNalalabiDalawang Bahagi sa Katawan

At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato:

384
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan, Handog sa

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

393
Mga Konsepto ng TaludtodBuntot, MgaTaba ng mga Handog

At siya'y maghahandog niyaon ng lahat ng taba niyaon; ang buntot na mataba at ang tabang nakatatakip sa lamang loob,

395
Mga Konsepto ng TaludtodTaba ng mga HandogPagkain para sa SaserdoteSaserdote, Pagmamay-ari ng

At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana: datapuwa't ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak.

734
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaPagpahid ng Langis sa mga Saserdote

Na iniutos ng Panginoon sa kanila'y ibibigay para sa mga anak ni Israel sa araw na kaniyang pinahiran sila. Karampatang bahagi nga nila magpakailan man, sa buong panahon ng kanilang lahi.

772
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Mana ng

Ito ang nauukol sa pahid na langis ni Aaron at sa pahid na langis ng kaniyang mga anak, sa mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon, sa araw na iniharap sila, upang mangasiwa sa Panginoon sa katungkulang saserdote;

780
Mga Konsepto ng TaludtodBalikatHita ng mga Hayop, MgaIba pang Tamang BahagiKapayapaan, Handog sa

At ibibigay ninyo sa saserdote na pinakahandog na itinaas, ang hitang kanan sa mga haing inyong mga handog tungkol sa kapayapaan.

782
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteOrdinasyonPagtatalagaPagtatakda ng Diyos sa IbaTuntunin para sa Handog na ButilTuntunin para sa Handog sa KasalananIpinaguutos ang PagaalayKapayapaan, Handog saKarne, Handog na

Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin, sa handog na harina, at sa handog dahil sa kasalanan, at sa handog dahil sa pagkakasala, at sa pagtatalaga, at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan.

783
Mga Konsepto ng TaludtodIwinagayway na HandogHita ng mga Hayop, MgaPagkain para sa Saserdote

Sapagka't aking kinuha sa mga anak ni Israel, sa kanilang mga haing mga handog tungkol sa kapayapaan, ang dibdib na inalog at ang hitang itinaas, at aking ibinigay kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak, na karampatang bahagi nila magpakailan man, sa ganang mga anak ni Israel.

827

Na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, nang araw na iniutos sa mga anak ni Israel na kanilang ihandog ang kanilang mga alay sa Panginoon sa ilang ng Sinai.

845
Mga Konsepto ng TaludtodHita ng mga Hayop, MgaTaba ng mga HandogSaserdote, Pagmamay-ari ng

Yaong sa mga anak ni Aaron na naghahandog ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan at ng taba, ay mapapasa kaniya ang kanang hita, na pinaka bahagi niya.