Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mangangaral 8

Mangangaral Rango:

30
Mga Konsepto ng TaludtodPagharianIlalim ng Araw, SaNasaktan

Lahat ng ito ay nakita ko, at inihilig ko ang aking puso sa bawa't gawa, na nagawa sa ilalim ng araw: may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan.

42
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalimotKawalang KabuluhanWalang Kabuluhang PagsusumikapLibingan

At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing, at nagsidating sa hukay; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal, at nalimutan sa bayan: ito man ay walang kabuluhan.

51
Mga Konsepto ng TaludtodBuhay, Gawi ngKaranasan sa BuhayKumain at UmiinomIlalim ng Araw, SaArawKasiyasiyaNananatiling Malakas sa Oras ng KabigatanNatutulog ng PayapaPagiging Masaya sa BuhayAraw, Sikat ngKasiyahan sa BuhayNamamahinga

Nang magkagayo'y pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw.

60
Mga Konsepto ng TaludtodIsang DaanNamumuhay ng MatagalTrabaho, Etika ngEtika

Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan, at humaba ang kaniyang buhay, gayon ma'y tunay, na talastas ko, na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios, na nangatatakot sa harap niya:

69
Mga Konsepto ng TaludtodMagtamo ng Karunungan

Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan, at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa: (sapagka't may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata:)

70
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KabuluhanWalang Kabuluhang PagsusumikapKaunlaran ng MasamaAng Matuwid ay NapapahamakPangalagaan ang Daigdig

May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa; na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama; muli, may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid; aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan.

77
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Takot sa DiyosPanahon, Lumilipas naTakot sa Diyos

Nguni't hindi ikabubuti ng masama, ni hahaba man ang kaniyang buhay na parang isang anino; sapagka't siya'y hindi natatakot sa harap ng Dios.

85
Mga Konsepto ng TaludtodSeguridad, BulaangBanal na PagkaantalaKaparusahanKaparusahan, MgaKaparusahan ng MasamaEhersisyoKahihinatnan

Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan.

148
Mga Konsepto ng TaludtodKaningninganNagliliwanag na MukhaMukhaNagniningning na BuhayAwraLiwanag sa Bayan ng DiyosTao, Karunungan ngKatapangan

Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.

163
Mga Konsepto ng TaludtodPangkalahatan ng KamatayanEuthanasiaPakikipaglaban sa KamatayanPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanKasamaan at KalayaanPrinsipyo ng Digmaan, MgaKaligtasan sa Pamamagitan ng Ibang BagayKamatayanPagpapakasakitDigmaanDiyos na Laging nasa KontrolPagsasagawa

Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon: ni maililigtas siya ng kasamaan, na taglay niya.

195
Mga Konsepto ng TaludtodSibikong TungkulinPagkamamamayanPanunumpa ng PanataSumusunod sa mga Tao

Ipinapayo ko sa iyo, ingatan mo ang utos ng hari, at siya'y dahil sa sumpa ng Dios.

196
Mga Konsepto ng TaludtodAnong Iyong Ginagawa?KapamahalaanKapangyarihanAng Kapangyarihan ng Salita

Sapagka't ang salita ng hari ay may kapangyarihan; at sinong makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?

197
Mga Konsepto ng TaludtodAng Tamang PanahonAnong Pamamaraan?Tao, Karunungan ng

Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan:

200
Mga Konsepto ng TaludtodKapamahalaanLaban sa KapwaAng Presensya ng Diyos

Huwag kang magmadaling umalis sa kaniyang harapan; huwag kang mamalagi sa masamang bagay: sapagka't kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan.