Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 18

Mga Bilang Rango:

48
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos sa mga SaserdoteDiyos na Walang HangganAnak, MgaAng Walang Hanggang TipanPagkain para sa SaserdoteMaasim, PagigingItinakda ng Tipan sa SinaiTipan ng Diyos sa mga Levita

Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.

55
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanDiyos na Aking ManaWalang Makalupang Mana

At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.

80
Mga Konsepto ng TaludtodKoleksyonPagbubuwisIkapu, MgaAng Ikapu para sa LevitaIkapu at Handog

At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.

165
Mga Konsepto ng TaludtodNadaramang PagkakasalaKasalananOrdinansiyaWalang Makalupang Mana

Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.

170

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

225
Mga Konsepto ng TaludtodKalapastanganKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosHindi Nagkasala

At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay.

227
Mga Konsepto ng TaludtodGiikan

At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.

233
Mga Konsepto ng TaludtodBanalinPagbibigay Handog

Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon.

254
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong SaserdoteIkapu at Handog

Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.

288
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngHayop, Natatanging Sinunog na Alay na

At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.

388
Mga Konsepto ng TaludtodPagbubukodKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosPanganib kapag Malapit ang Diyos

At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.

446
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Natatanging Alay naPagkain para sa SaserdoteWalang Makalupang ManaAng Ikapu para sa LevitaIkapu at Handog

Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.

471
Mga Konsepto ng TaludtodIkapu, MgaIkapu at Handog

Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.

528
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteKasalananSaserdote sa Lumang TipanAma, Mga Tungkulin ngKaugnayan

At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote.

567
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdotePinira-Pirasong Pagkain

At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At ako'y, narito, aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.

574
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong SaserdoteMinisteryo, Katangian ngPakikibahagi kay Cristo

At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y lumakip sa iyo at mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo.

652
Mga Konsepto ng TaludtodPanganayHayop, Relihiyosong Gamit sa mgaSinapupunan

Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.

758
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoHindi Aabot sa Isang TaonHalaga ng mga TaoTamang SukatTinubos

At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario (na dalawang pung gera).

790
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholUnang Bunga

Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo.

805
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaIwinagayway na HandogHabang Panahon na BantayogHayop, Natatanging Sinunog na Alay naPinahintulutang Kumain ng Pagkaing Alay

At ito ay iyo; ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.

813
Mga Konsepto ng TaludtodIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, Sa

Lahat ng mga bagay na natatalaga sa Israel ay magiging iyo.

832
Mga Konsepto ng TaludtodSantuwaryoGumawa upang Di Magalit ang DiyosPananagutan

At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.

849

At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo.

852
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteDaan sa Diyos sa Lumang TipanTagapamagitanSaserdote sa Lumang TipanLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingPagbubukodKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosPanganib kapag Malapit ang Diyos

At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.

895
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaSala, Handog saHayop, Pagkaing Alay naTuntunin para sa Handog na ButilTuntunin para sa Handog sa KasalananIpinaguutos ang Pagaalay

Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: bawa't alay nila, bawa't handog na harina nila, at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.

955
Mga Konsepto ng TaludtodPagbubukodKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosPanganib kapag Malapit ang Diyos

At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.

962
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatalaga sa Lumang Tipan

At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.

1009
Mga Konsepto ng TaludtodKatabaanAromaAmoyPagwiwisikTaba ng mga HandogNagpapasariwang Diyos

Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

1113

Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.

1114
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Sumasambang mgaPinahintulutang Kumain ng Pagkaing Alay

Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo.

1188

Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas.