Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 23

Mga Bilang Rango:

20
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoPaninindiganNilalang na Umiinom ng DugoGaya ng mga NilalangHayop, Kumakain na mga

Narito, ang bayan ay tumitindig na parang isang leong babae, At parang isang leon na nagpakataas: Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli, At makainom ng dugo ng napatay.

54
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala at SumpaSinusumpa ang Israel

At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.

326
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?

389
Mga Konsepto ng TaludtodMalaboSinusumpa ang Israel

At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon.

461

At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng Peor, na nakatungo sa ilang.

509
Mga Konsepto ng TaludtodPitong HayopPitong Bagay

At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

520
Mga Konsepto ng TaludtodPangkukulam at MahikaPanghuhulaAnong Ginagawa ng Diyos?PangkukulamEklipseIsraelSalamangkaPag-aanunsiyoOkulto na Walang Kapangyarihan sa Harapan ng Diyos

Tunay na walang enkanto laban sa Jacob, Ni panghuhula laban sa Israel: Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel, Anong ginawa ng Dios!

548
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging BukodPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoInihiwalay na Bayan

Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya, At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan: Narito, siya'y isang bayang tatahang magisa, At hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.

561
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPitong HayopPitong BagayPagtatatag ng Altar

At sinabi ni Balaam kay Balac, Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.

624
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MabilangHindi Mabilang Gaya ng AlikabokIkaapat na BahagiKamatayan ng Bayan ng DiyosMarami sa IsraelPagiging Totoo

Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob, O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel? Mamatay nawa ako ng kamatayan ng matuwid, At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!

642
Mga Konsepto ng TaludtodPaanyaya, MgaJacob bilang PatriarkaPangit na PananalitaSinusumpa ang IsraelMatalinong Kawikaan

At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac, Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan: Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob. At parito ka, laitin mo ang Israel.

648
Mga Konsepto ng TaludtodSumisigawTheokrasiyaDiyos na nasa IyoGrupong NagsisigawanLikas na mga Sakuna

Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob, Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel: Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya, At ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.

684
Mga Konsepto ng TaludtodTaasPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

At sinabi ni Balaam kay Balac, Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim.

721
Mga Konsepto ng TaludtodLalakeng Tupa

At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake.

747
Mga Konsepto ng TaludtodPahayag sa Lumang TipanPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng DiyosPahayag sa Pamamagitan ng Tuwirang Komunikasyon

At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

767
Mga Konsepto ng TaludtodPitong HayopPitong BagayPagaalay ng mga Tupa at Baka

At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

781
Mga Konsepto ng TaludtodSinusumpa ang IsraelSumpa

Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios? At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?

782

At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.

812
Mga Konsepto ng TaludtodAnong Iyong Ginagawa?Pagpapala at SumpaPinagpala ng DiyosSumpa

At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo.

822
Mga Konsepto ng TaludtodPangkatSinusumpa ang Israel

At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon.

830
Mga Konsepto ng TaludtodMakinig sa Taung-Bayan!Matalinong Kawikaan

At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi, Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin; Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:

841
Mga Konsepto ng TaludtodPinagpalaPinagpala ng DiyosPagpapala sa Iba

Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala: At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.

863

At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang Panginoon doon.

883
Mga Konsepto ng TaludtodPitong HayopPitong BagayPakikipagtagpo sa DiyosPagaalay ng mga Tupa at Baka

At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana.

970
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.

1017
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

At siya'y sumagot, at nagsabi, Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?

1055

At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab.

1084

At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?