Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 22

Mga Bilang Rango:

51
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niNakatayoPamamalo sa HayopHayop, Naliligaw na mgaPagkakita sa mga AnghelDiyos, Espada ng

At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at ang asno ay lumiko sa daan, at napasa parang: at pinalo ni Balaam ang asno, upang ibalik siya sa daan.

141
Mga Konsepto ng TaludtodAksidentePinsala sa PaaPamamalo sa HayopDiinanPagkakita sa mga AnghelPagbulusok

At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y inipit sa bakod, at naipit ang paa ni Balaam sa bakod: at kaniyang pinalo uli ang asno.

163
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPakikipagtagpo sa mga TaoArnonIpinahayag na Pagbati

At nang mabalitaan ni Balac na si Balaam ay dumarating, ay lumabas upang kaniyang salubungin siya sa bayan ng Moab, na nasa hangganan ng Arnon, na siyang katapusang bahagi ng hangganan.

344
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niHayop, Buhay ngSawayGumagawa ng Tatlong UlitAng Pipi ay Nakapagsalita

At ibinuka ng Panginoon ang bibig ng asno, at nagsabi kay Balaam, Ano ang ginawa ko sa iyo, na ako'y pinalo mo nitong makaitlo?

355
Mga Konsepto ng TaludtodUbasanMakikitid na mga Bagay

Nang magkagayo'y tumayo ang anghel ng Panginoon sa isang makipot na daan sa pagitan ng mga ubasan, na ang isang bakod ay sumasadako rito, at ang isang bakod ay sumasadakong yaon.

373
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng PanginoonPapuntang MagkakasamaPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam, Sumama ka sa mga tao: nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ang siyang sasalitain mo. Sa gayon ay sumama si Balaam sa mga prinsipe ni Balac.

411
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niKilos at GalawGalit, Halimbawa ng MakasalanangGalit ng Taong MasamaHayop, Karapatan ngNakahiga upang MagpahingaPagkakita sa mga AnghelPinangalanang mga Tao na may Galit sa Iba

At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y nalugmok sa ilalim ni Balaam: at ang galit ni Balaam ay nagningas, at kaniyang pinalo ang asno ng kaniyang tungkod.

442
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niIlog at Sapa, MgaLampas sa JordanPagkakampo sa Panahon ng Exodo

At ang mga anak ni Israel ay naglakbay at humantong sa mga kapatagan ng Moab sa dako roon ng Jordan na nasa tapat ng Jerico.

454
Mga Konsepto ng TaludtodMakikitid na mga BagayWalang SilidBumaling sa Kaliwa at Kanan

At ang anghel ng Panginoon ay nagpauna uli at tumayo sa isang makipot na dako na walang daan lilikuan kahit sa kanan ni sa kaliwa.

465
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPagharapPagsalungat sa Kasalanan at KasamaanDiyos bilang KaawayDalawa Pang Lalake

At ang galit ng Dios ay nagningas sapagka't siya'y naparoon: at ang anghel ng Panginoon ay lumagay sa daan na pinaka kalaban niya. Siya nga'y nakasakay sa kaniyang asno at ang kaniyang dalawang alipin ay kasama niya.

468
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPamamalo sa HayopGumagawa ng Tatlong UlitDiyos bilang KaawayBakit mo ito Ginagawa?

At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Bakit mo pinalo ang iyong asno nitong makaitlo? Narito, ako'y naparito na pinaka kalaban, sapagka't ang iyong lakad ay masama sa harap ko:

472
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPagyukodPagpapatirapaTinatanggap ang PaninginPagkakita sa mga AnghelDiyos, Espada ng

Nang magkagayo'y idinilat ng Panginoon ang mga mata ni Balaam, at kaniyang nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at kaniyang iniyukod ang kaniyang ulo, at nagpatirapa.

495
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niUmagaKasakiman, Halimbawa ngPapuntang MagkakasamaPaghahanda sa PaglalakbaySiyahan ang Asno

At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at siniyahan ang kaniyang asno, at sumama sa mga prinsipe sa Moab.

496
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niDiyos na PumapatayPagkakita sa mga AnghelGumagawa ng Tatlong UlitDiyos na Pumapatay sa isang Tao

At nakita ako ng asno, at lumiko sa harap ko nitong makaitlo: kundi siya lumihis sa harap ko, ay tunay na ngayon ay napatay kita, at nailigtas ang kaniyang buhay.

504
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPagpatay sa mga Pambahay na Hayop

At sinabi ni Balaam sa asno, Sapagka't tinuya mo ako: mayroon sana ako sa aking kamay na isang tabak, pinatay disin kita ngayon.

518
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPagkakaalam sa Totoo

At nakita ni Balac na anak ni Zippor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amorrheo.

532
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPagsakay sa AsnoMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

At sinabi ng asno kay Balaam, Di ba ako'y iyong asno na iyong sinakyan sa buong buhay mo hanggang sa araw na ito? gumawa ba kaya ako kailan man ng ganito sa iyo? At kaniyang sinabi, Hindi.

541
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niDamoDilaHayop, Kumakain na mga

At sinabi ng Moab sa mga matanda sa Madian, Ngayon ay hihimuran ng karamihang ito yaong lahat na nasa palibot natin, gaya ng baka na humihimod sa damo sa parang. At si Balac na anak ni Zippor, ay hari sa Moab ng panahong yaon.

543
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niSugo, Mga Ipinadalang

At siya'y nagutos ng mga sugo kay Balaam na anak ni Beor, hanggang sa Pethor na nasa tabi ng ilog, hanggang sa lupain ng mga anak ng kaniyang bayan, upang tawagin siya, na sabihin, Narito, may isang bayan na lumabas mula sa Egipto: narito, kanilang tinatakpan ang ibabaw ng lupa, at sila'y nangakatayo laban sa akin:

579
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngPagkakita sa mga Tao

At nangyari nang kinaumagahan, na isinama ni Balac si Balaam at isinampa siya sa matataas na dako ni Baal, at kaniyang nakita mula roon ang katapustapusang bahagi ng bayan.

581
Mga Konsepto ng TaludtodPagkilala sa KasalananTauhang Pinauwi ng Bahay, MgaKahangalan sa TotooKami ay Nagkasala

At sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, Ako'y nagkasala; sapagka't hindi ko nalamang ikaw ay nakatayo sa daan laban sa akin: ngayon nga, kung inaakala mong masama, ay babalik ako uli.

645
Mga Konsepto ng TaludtodMatandang Edad, Ugali sa mayGantimpala ng TaoPanghuhula

At ang mga matanda sa Moab at ang mga matanda sa Madian, ay nagsiparoon na dala sa kanilang kamay ang mga ganting pala sa panghuhula; at sila'y dumating kay Balaam at sinalita nila sa kaniya ang mga salita ni Balac.

676
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niGintoPalasyo, MgaPilakTinustusan ng Salapi

At si Balaam ay sumagot at nagsabi sa mga lingkod ni Balac, Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon kong Dios, na ako'y gumawa ng kulang o higit.

692
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niBibig, MgaOrakuloOrakulo ni BalaamPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

At sinabi ni Balaam kay Balac, Narito, ako'y naparito sa iyo: mayroon ba ako ngayong anomang kapangyarihan na makapagsalita ng anomang bagay? ang salitang ilagay ng Dios sa aking bibig, yaon ang aking sasalitain.

702
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPaanyaya, MgaPangkukulam at MahikaSinusumpa ang IsraelMga Tao, Pagpapala sa

Parito ka ngayon, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito; sapagka't sila'y totoong makapangyarihan kay sa akin; marahil ako'y mananaig, na aming masasaktan sila, at aking silang mapalalayas sa lupain; sapagka't talastas ko na ang iyong pinagpapala ay mapalad at ang iyong sinusumpa ay mapapasama.

745
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPapuntang Magkakasama

At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.

752
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niSino ito?

At ang Dios ay naparoon kay Balaam, at nagsabi, Sinong mga tao itong kasama mo?

763
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabalisa, Mga Halimbawa ngTakot sa Ibang mga TaoMarami sa Israel

At ang Moab ay natakot na mainam sa bayan, sapagka't sila'y marami: at ang Moab ay nagulumihanan dahil sa mga anak ni Israel.

764

At si Balaam ay sumama kay Balac, at sila'y naparoon sa Chiriath-huzoth.

789
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niDiyos na NagpapalaDiyos na Nagbabawal

At sinabi ng Dios kay Balaam, Huwag kang paroroong kasama nila; huwag mong susumpain ang bayan; sapagka't sila'y pinagpala.

795

At sinabi ni Balaam sa Dios, Si Balac, na anak ni Zippor, hari sa Moab, ay nagpasugo sa akin, na sinasabi,

828
Mga Konsepto ng TaludtodIwasan na Mahadlangan

At sila'y naparoon kay Balaam at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Balac na anak ni Zippor, Isinasamo ko sa iyo, na ang anomang bagay huwag mong tulutan na makaabala sa iyo sa pagparito mo sa akin:

838
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga Ipinadalang

At si Balac ay nagsugong muli ng marami pang prinsipe, at lalong mga mahal kay sa kanila.

844

At ang mga prinsipe sa Moab ay bumangon, at sila'y naparoon kay Balac, at nagsabi, Si Balaam ay tumangging pumarito na kasama namin.

848
Mga Konsepto ng TaludtodTupaPagaalay ng mga Tupa at Baka

At naghain si Balac, ng mga baka at mga tupa, at ipinadala kay Balaam, at sa mga prinsipe na kasama niya.

850
Mga Konsepto ng TaludtodMasugid sa mga TaoPagpupumillitBakit mo ito Ginagawa?

At sinabi ni Balac kay Balaam, Di ba ikaw ay aking pinaparoonang dalidali upang tawagin ka? bakit nga hindi ka naparito sa akin? hindi ba tunay na mapapupurihan kita?

939
Mga Konsepto ng TaludtodSinusumpa ang Israel

Narito, ang bayan na lumabas sa Egipto, ay tumatakip sa ibabaw ng lupa: ngayo'y parito ka, sumpain mo sila sa akin; marahil ako'y makababaka sa kanila, at sila'y aking mapalalayas.

969
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niPrinsipe, MgaPagtagumpayan ang Kahirapan

At kaniyang sinabi sa kanila, Dito na kayo tumuloy ngayong gabi, at bibigyan ko kayo ng kasagutan, kung ano ang sasalitain ng Panginoon sa akin; at ang mga prinsipe sa Moab ay tumuloy na kasama ni Balaam.

973
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbabawal

At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at sinabi sa mga prinsipe ni Balac, Yumaon kayo sa inyong lupain: sapagka't ipinagkait ng Panginoon ang pahintulot na ako'y pumaroong kasama ninyo.

1034
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niSinusumpa ang Israel

Sapagka't ikaw ay aking papupurihan ng mga dakilang karangalan, at anomang sabihin mo sa akin ay gagawin ko: parito ka nga, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito.

1138

Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, na tumuloy rin kayo rito ngayong gabi, upang aking maalaman kung ano ang sasalitain pa ng Panginoon sa akin.