Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 9

Mga Bilang Rango:

28
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbayTuntunin tungkol sa mga Bangkay

Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang sinomang tao sa inyo o sa inyong sali't saling lahi ay maging marumi dahil sa isang bangkay, o masumpungan sa isang malayong paglalakbay, ay kaniyang ipagdidiwang din ang paskua sa Panginoon:

34
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanMapait na Halamang GamotTakipsilimBuwan, IkalawangMapait na Pagkain

Sa ikalawang buwan nang ikalabing apat na araw sa paglubog ng araw, ay kanilang ipagdidiwang; kanilang kakanin na may mga tinapay na walang lebadura at mga gulay na mapait:

65
Mga Konsepto ng TaludtodPaskuwa, Kordero ngHapunan ng PanginoonOrdinansiyaNatitirang mga HandogWalang Buto na Mababali

Wala silang ititira niyaon hanggang sa kinaumagahan, ni sisira ng buto niyaon: ayon sa buong palatuntunan ng paskua ay kanilang ipagdidiwang.

93
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng TabernakuloTinatakpan ang TabernakuloAng Tabernakulo

At nang araw na ang tabernakulo ay itayo, ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo, sa makatuwid baga'y ang tabernakulo ng patotoo: at sa paglubog ng araw ay nasa ibabaw ng tabernakulo na parang anyong apoy hanggang sa kinaumagahan.

117
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na KapahayaganNahahanda PaalisPagkakampo sa Panahon ng ExodoIlagay sa Isang LugarPaglipat sa Bagong LugarKawalang KatiyakanUlap, MgaGalaw at Kilos

At kailan pa man ang ulap ay napaitaas mula sa ibabaw ng Tolda ay naglakbay nga pagkatapos ang mga anak ni Israel: at sa dakong tigilan ng ulap ay doon humantong ang mga anak ni Israel.

120

Gayon namalagi: ang ulap ang tumakip doon, at ang anyong apoy sa gabi.

128
Mga Konsepto ng TaludtodIlang Araw, MgaPagkakampo sa Panahon ng ExodoDiyos, Atas ng

At kung minsan ay nananatiling ilang araw sa ibabaw ng tabernakulo ang ulap; ayon nga sa utos ng Panginoon ay tumitira sila sa mga tolda at ayon sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila.

131
Mga Konsepto ng TaludtodNananatili ng Mahabang Panahon

At pagka ang ulap ay tumigil sa ibabaw ng tabernakulo na maluwat, ay iningatan ng mga anak ni Israel ang bilin ng Panginoon at hindi naglalakbay.

154
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan

At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, sa unang buwan ng ikalawang taon pagkatapos na sila'y makaalis sa lupain ng Egipto, na sinasabi,

155
Mga Konsepto ng TaludtodUmagaIsang ArawNahahanda Paalis

At kung minsan ang ulap ay nananatili mula sa hapon hanggang sa kinaumagahan; at pagka ang ulap ay napaitaas sa kinaumagahan, ay naglakbay sila: maging araw maging gabi, na ang ulap ay paitaas, ay naglakbay sila.

190
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging BukodYaong Inalis mula sa IsraelKahihinatnan

Datapuwa't ang lalaking malinis, at wala sa paglalakbay, at hindi magdiwang ng paskua, ay ihihiwalay ang taong yaon, sa kaniyang bayan; sapagka't siya'y hindi naghandog ng alay sa Panginoon sa kaukulang panahon, ang taong yaon ay magtataglay ng kaniyang kasalanan.

219
Mga Konsepto ng TaludtodHentil sa Lumang TipanOrdinansiyaPaskuwaDayuhan, Tungkulin ng MananampalatayaDayuhanMga Banyaga na Pinahintulutan sa PistaMga Banyaga na Kasama sa Kautusan

At kung ang isang taga ibang bayan ay makikipamayan sa inyo, at ipagdidiwang ang paskua sa Panginoon; ayon sa palatuntunan ng paskua, at ayon sa ayos, ay gayon gagawin niya; kayo'y magkakaroon ng isang palatuntunan, maging sa taga ibang lupa, at maging sa ipinanganak sa lupain.

377
Mga Konsepto ng TaludtodNahahanda PaalisPagkakampo sa Panahon ng ExodoDiyos, Atas ng

Sa utos ng Panginoon ay nagsisipaglakbay ang mga anak ni Israel, at sa utos ng Panginoon ay humantong sila: kung gaano kalaon ang itigil ng ulap sa ibabaw ng tabernakulo, ay siya nilang ipina-nanatili sa kampamento.

429
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na PangungunaNahahanda PaalisPagkakampo sa Panahon ng ExodoDiyos, Atas ng

Sa utos ng Panginoon ay humantong sila, at sa utos ng Panginoon ay naglakbay sila; kanilang iningatan ang bilin ng Panginoon, sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

438
Mga Konsepto ng TaludtodTuntunin tungkol sa mga Bangkay

At may mga lalake na mga marurumi dahil sa bangkay ng isang tao, na anopa't hindi nila naipagdiwang ang paskua nang araw na yaon; at nagsiharap sila kay Moises at kay Aaron nang araw na yaon:

441
Mga Konsepto ng TaludtodPagdiriwang, MgaBagong TaonTuntunin para sa PaskuwaAnibersaryo ng mga Pista, AngAnibersaryo

Bukod sa rito ay ipagdiwang ng mga anak ni Israel ang paskua sa kaniyang kaukulang panahon.

443
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang ArawIsang BuwanNahahanda Paalis

Maging dalawang araw o isang buwan, o isang taon na nakatigil ang ulap sa ibabaw ng tabernakulo, na manatili sa ibabaw niyaon, ay tumitira ang mga anak ni Israel sa mga tolda at hindi naglakbay: datapuwa't pagtaas ay naglakbay sila.

447
Mga Konsepto ng TaludtodTakipsilim

Sa ikalabing apat na araw ng buwang ito, sa paglubog ng araw ay inyong ipagdidiwang sa kaniyang kaukulang panahon: ayon sa lahat na palatuntunan niyaon, at ayon sa lahat ng ayos niyaon, ay inyong ipagdidiwang.

455

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

458
Mga Konsepto ng TaludtodTakipsilim

At kanilang ipinagdiwang ang paskua nang unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa paglubog ng araw, sa ilang ng Sinai: ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel.

466
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanapPaghihintayKatahimikanMga Taong NaghihintayPakikinig sa DiyosPaghihintay sa Panginoon

At sinabi ni Moises sa kanila, Maghintay kayo; upang aking marinig ang ipaguutos ng Panginoon tungkol sa inyo.

467
Mga Konsepto ng TaludtodTuntunin tungkol sa mga Bangkay

At ang mga lalaking yaon ay nagsipagsabi sa kanila, Kami ay mga marumi dahil sa bangkay ng isang tao: bakit kami ay masasansala na anopa't kami ay huwag maghandog ng alay sa Panginoon sa kaniyang kaukulang panahon na kasama ng mga anak ni Israel?

476

At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel upang ipagdiwang ang paskua.