Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 10

Mga Bilang Rango:

25
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na KapahayaganBuwan, Ikalawang

At nangyari sa ikalawang taon, nang ikalawang buwan, nang ikadalawang pung araw ng buwan, na ang ulap ay napaitaas mula sa tabernakulo ng patotoo.

49
Mga Konsepto ng TaludtodPartikular na Paglalakbay, Mga

At ang mga anak ni Israel ay nagsisulong, ayon sa kanilang mga paglalakbay mula sa ilang ng Sinai; at ang ulap ay tumahan sa ilang ng Paran.

95
Mga Konsepto ng TaludtodWatawatPagkasunod-Sunod sa MartsaUnang KumilosBayan ng Juda

At unang sumulong ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga hukbo; at nangungulo sa kaniyang hukbo si Naason na anak ni Aminadab.

101
Mga Konsepto ng TaludtodUnang mga Gawain

At kanilang pinasimulan ang kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

115

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Issachar, si Nathanael na anak ni Suar.

121

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Zebulon, si Eliab na anak ni Helon.

133
Mga Konsepto ng TaludtodNahahanda Paalis

At paghihip ninyo ng hudyat, ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong silanganan.

140
Mga Konsepto ng TaludtodBiyaya sa Lumang TipanBanal, Bilang Isang ManlalakbayBiyenang LalakeDiyos na Gumagawa ng MabutiBayaw

At si Moises ay nagsabi kay Hobab na anak ni Rehuel na Madianita, biyanan ni Moises: Kami ay naglalakbay sa dakong sinabi ng Panginoon, Aking ibibigay sa inyo: sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti: sapagka't ang Panginoon ay nagsalita ng mabuti tungkol sa Israel.

144
Mga Konsepto ng TaludtodDala-dalang mga Banal na BagayAng Tabernakulo

At ang tabernakulo ay tinanggal at ang mga anak ni Gerson at ang mga anak ni Merari, na mga may dala ng tabernakulo ay nagsisulong.

146
Mga Konsepto ng TaludtodWatawat

At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Ephraim ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisama na anak ni Ammiud.

161

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Simeon si Selumiel na anak ni Zurisaddai.

164

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

167

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Gad, si Eliasaph na anak ni Dehuel.

171
Mga Konsepto ng TaludtodWatawat

At ang watawat ng kampamento ng Ruben ay sumulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Elisur na anak ni Sedeur.

181
Mga Konsepto ng TaludtodKalipunan ng mga TaoPagtitipon sa Pasukang DaananDalawa Pang Bagay

At pagka kanilang hihipan, ay magpipisan sa iyo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

183
Mga Konsepto ng TaludtodIsrael na nasa IlangMga Taong Hindi TumatalikodPagkakampo sa Panahon ng ExodoMga Taong may Pangkalahatang KaalamanPatnubay

At sinabi ni Moises, Huwag mo kaming iwan, ipinamamanhik ko sa iyo; sapagka't nalalaman mo kung paanong hahantong kami sa ilang, at ikaw ay maaari sa aming pinakamata.

189
Mga Konsepto ng TaludtodGunitaMga Kaaway ng Israel at JudaBanal na PagalalaTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaDiyos na Nakakaalala sa NangangailanganDiyos na SumusuwayPrinsipyo ng Digmaan, MgaDigmaanLabananKaaway, Atake ng mga

At pagka makikipagbaka kayo sa inyong lupain laban sa kaaway na sa inyo'y pumipighati, ay inyo ngang patutunugin ang hudyat ng pakakak; at kayo'y aalalahanin sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y maliligtas sa inyong mga kaaway.

195
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng TabernakuloDala-dalang mga Banal na BagayAng Tabernakulo

At ang mga Coathita ay nagsisulong na dala ang santuario: at itinayo ng iba ang tabernakulo samantalang ang mga ito'y nagsisidating.

199

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedasur.

202
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakan ng IsraelAlaalaBagong Buwan, Pista ngTrumpetaHayop, Sinunog na Alay naHayop, Kapayapaang Alay naTrumpeta para sa PagdiriwangAng Panginoon ay DiyosPagdiriwang na TinatangkilikIpinaguutos ang Pagaalay

Gayon sa kaarawan ng inyong kasayahan, at sa inyong mga takdang kapistahan, at sa mga pasimula ng inyong mga buwan, ay inyong hihipan ang mga pakakak sa ibabaw ng inyong mga handog na susunugin, at sa ibabaw ng mga hain ng inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at sa inyo'y magiging alaala sa harap ng inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios.

205
Mga Konsepto ng TaludtodHati-hati

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gedeon.

206
Mga Konsepto ng TaludtodPilakInstrumento ng Musika, Gawa saDalawa Pang Bagay

Gumawa ka ng dalawang pakakak na pilak; yari sa pamukpok gagawin mo: at iyong gagamitin sa pagtawag sa kapisanan, at sa paglalakbay ng mga kampamento.

207
Mga Konsepto ng TaludtodTribo ng IsraelWatawatHuli, Ang mga

At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Dan na siyang nasa hulihan ng lahat ng mga kampamento ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

211
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoPagbabalik sa LupainMga Taong Hindi Nagkukusa

At sinabi niya sa kaniya, Ako'y hindi paroroon; kundi ako'y babalik sa aking sariling lupain, at sa aking kamaganakan.

213
Mga Konsepto ng TaludtodPagkasunod-Sunod sa MartsaOrganisasyon

Ganito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, ayon sa kanilang mga hukbo; at sila'y nagsisulong.

239

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Aser si Phegiel na anak ni Ocran.

251

At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Nephtali si Ahira na anak ni Enan.

275
Mga Konsepto ng TaludtodKalipunan ng mga Tao

Datapuwa't pagka ang kapisanan ay magpipisan ay hihihip kayo, nguni't huwag ninyong patutunuging ayon sa hudyat.

283
Mga Konsepto ng TaludtodIsang Materyal na Bagay

At kung kanilang hihipan ang isa lamang, ang mga prinsipe nga, ang mga pangulo sa mga libolibong taga Israel, ay magpipisan sa iyo.

287
Mga Konsepto ng TaludtodTimogPagsasagawa ng Dalawang UlitNahahanda Paalis

At paghihip ninyo ng hudyat na ikalawa, ay magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong timugan: sila'y hihihip ng isang hudyat para sa kanilang paglalakbay.

314
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanInstrumentalista, Mga

At ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay magsisihihip ng mga pakakak; at magiging palatuntunan sa inyo magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi.

540
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaNangakalat na mga TaoKaban, Ang Paglilipat-lipat saDiyos, Bumabangon angTumakas sa DiyosPagkagalit sa DiyosDiyos na Nagtatagumpay

At nangyari pagka ang kaban ay isinulong na sinabi ni Moises, Bumangon ka, Oh Panginoon, at mangalat ang mga kaaway mo, at magsitakas sa harap mo ang nangapopoot sa iyo.

550
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Pagsasalarawan saTimbangan at Panukat ng DistansyaKaban ng Tipan, Mga Pangalan para saTatlong ArawKaban, Ang Paglilipat-lipat saPaghahanap sa mga Nahahawakang BagayBagay Na Nauuna, MgaKaban ng Tipan

At sila'y nagsisulong mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay, upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan.

632
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan sa EbanghelyoDiyos na Gumagawa ng MabutiKabutihan

At mangyayari, na kung ikaw ay sasama sa amin, oo, mangyayari, na anomang mabuting gagawin ng Panginoon sa amin, ay siya rin naming gagawin sa iyo.

706
Mga Konsepto ng TaludtodSa Isang Umaga

At ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila sa araw, pagka sila'y sumulong mula sa kampamento.

771
Mga Konsepto ng TaludtodMilyon at higit paMarami sa Israel

At pagka inilapag ay kaniyang sinabi, Bumalik ka, Oh Panginoon sa mga laksang libolibong Israelita.