Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 8

Mga Bilang Rango:

56
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonPagtitipon ng Israel

At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel:

88
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatong ng KamayPagpapatong ng Kamay para sa Pagsusugo

At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita:

138
Mga Konsepto ng TaludtodLangisHayop, Pagkaing Alay naLangis para sa mga HandogPagsasagawa ng Butil na Handog sa DiyosPagaalay ng mga BakaKarne, Handog na

Kung magkagayo'y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan.

151
Mga Konsepto ng TaludtodKahandahanIwinagayway na HandogUmuugoy ng Paroo't Parito

At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon.

198
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahanPagpapatong ng Kamay sa mga HandogPagaalay ng mga BakaSaserdote, Pagtubos ng mga

At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro: at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita.

215
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakahiwalayPagkakahiwalay mula sa mga Masamang TaoMga Taong Nakatalaga sa Diyos

Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin.

241
Mga Konsepto ng TaludtodIwinagayway na HandogUmuugoy ng Paroo't Parito

At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak, at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon.

255

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

276
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nakatalaga sa Diyos

Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.

278
Mga Konsepto ng TaludtodUmuugoy ng Paroo't Parito

At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog.

302
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan ng mga Panganay

Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin.

308
Mga Konsepto ng TaludtodLevitaSantuwaryoKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosPanganib kapag Malapit ang DiyosSaserdote, Pagtubos ng mga

At aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario.

335
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanPag-ahitPagwiwisikMalinis na mga Damit

At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis.

340

Ganito ang ginawa ni Moises, at ni Aaron, at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita: ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila.

346

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

347
Mga Konsepto ng TaludtodPitong IlawanLiwanag ng mga Ilawan

Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, Pagsisindi mo ng mga ilawan, ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero.

349
Mga Konsepto ng TaludtodKapalit

At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel.

353
Mga Konsepto ng TaludtodUmuugoy ng Paroo't ParitoMalinis na mga DamitPagiging Nilinis sa KasalananSaserdote, Pagtubos ng mga

At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at nagsipaglaba ng kanilang mga damit; at inihandog ni Aaron sila na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila.

364
Mga Konsepto ng TaludtodKalagitnaan ng EdadPakikibahagi kay Cristo

Ito ang nauukol sa mga Levita: mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan.

371
Mga Konsepto ng TaludtodGintoBanal na LayuninDisenyoGintong Gamit sa Tabernakulo

At ito ang pagkayari ng kandelero, gintong niyari sa pamukpok; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay yari sa pamukpok: ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya ginawa ang kandelero.

376

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

381
Mga Konsepto ng TaludtodPagtigilPananagutanLingkod, PunongMinisteryoGulangNagtratrabaho para sa PanginoonNagtratrabaho

At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod;

382
Mga Konsepto ng TaludtodTagapangasiwa

At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak: kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ang ginawa nila sa kanila.

383

At ginawang gayon ni Aaron: kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

386
Mga Konsepto ng TaludtodKarumihan, Mga

Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila.

402
Mga Konsepto ng TaludtodGrupong Nagtutulungan

Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.