Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hebreo 7

Mga Hebreo Rango:

55
Mga Konsepto ng TaludtodPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanCristo, Buhay niPagiikapu para sa mga TaoIkapu at HandogPagsaksi

At dito'y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi; datapuwa't doon ay ang isa, na pinatutunayang nabubuhay.

89
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Katangian niPagkataloMelquizedekPakikipagtagpo sa mga TaoPagpatay sa mga HariMga Taong Pinagpala ang IbaPapawiin ang Kamatayan

Sapagka't itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya,

100
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Sa Bagong TipanPagiikapu para sa mga TaoAng Ikapu para sa Levita

At sa makatuwid baga'y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi;

112
Mga Konsepto ng TaludtodNinunoKatawanMga Lolo

Sapagka't siya'y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito'y salubungin ni Melquisedec.

119
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabagoIlog, MgaPagkakaugnaySaserdote, Mga

Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

122

Sapagka't yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan, na doon ang sinoma'y hindi naglilingkod sa dambana.

146
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote sa Bagong TipanBayan ng JudaKaugnayanSaserdote, Mga

Sapagka't maliwanag na ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda; na tungkol sa angkang yao'y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote.

156
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saHindi PabagobagoKatiyakan, Batayan ngJesu-Cristo, Pagkawalang Hanggan niDiyos na Hindi MababagoDiyos na Nangako ng PagpapalaHindi Sumusumpa ng PanataDiyos na NagbabalikPatotoo ng Bagong Tipan na Kinasihan ang Lumang Tipan

(Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya, Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man);

163
Mga Konsepto ng TaludtodCristo, Ang Dakilang SaserdoteCristo na Katulad ng Tao

At lalo pang napakaliwanag ito, kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote,

166
Mga Konsepto ng TaludtodKautusan, Buwagin angPaghihiwalay ng Mag-asawaWalang Kabuluhang mga Salita

Sapagka't napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan.

177
Mga Konsepto ng TaludtodJesu-Cristo, Pagkawalang Hanggan niIlog, MgaPagsaksiSaserdote, Mga

Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

183
Mga Konsepto ng TaludtodJesu-Cristo, Pagkawalang Hanggan niDiyos, Kapangyarihan ngCristo, Buhay ni

Na ginawa, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan:

188
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, BagongGarantiyaNakaraan, AngTipan

Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan.

191
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Katangian niPagpapaliwanag ng WikaCristo na ating KatuwiranPagiikapu para sa mga TaoTao, Mapayapang mgaIkapu at Handog

Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan;

200
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Katangian niPatriarka, MgaDakilang mga Tao

Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam.

207
Mga Konsepto ng TaludtodIkapu, MgaPaghahatid ng Ikapu

At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham:

212
Mga Konsepto ng TaludtodDakila at MuntiPagpapala

Datapuwa't walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas.

217
Mga Konsepto ng TaludtodJesu-Cristo, Pagkawalang Hanggan niDiyos, Kaperpektuhan ngSaserdote sa Bagong TipanPagtatalagaKawalang KapintasanCristo, Pinaging Ganap siIlog, Mga

Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man.

224
Mga Konsepto ng TaludtodPangako ng Diyos kay AbrahamPagiikapu para sa mga TaoMga Taong Pinagpala ang Iba

Nguni't yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham, at pinagpala yaong may mga pangako.

250
Mga Konsepto ng TaludtodJesu-Cristo, Pagkawalang Hanggan niTalaan ng AngkanPasimulaPagiral ni CristoSimula at KatapusanCristo na Katulad ng TaoIna, MgaBagong SimulaIna at Anak na LalakeKamatayan ng isang InaKatapusan ng mga ArawSaserdote, Mga

Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man.

284
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahanKatubusan, Minsanang Gawa ngAlay na Natupad sa Bagong TipanKasalanan, Tugo ng Diyos saKasalanan, Handog para saNatatangiBigyang-Wakas, Tinupad ni CristoCristo, Ang Dakilang SaserdoteMinsanMinsan LamangPagsasagawa ng Paulit-ulitTubusin sa Pamamagitan ng AlayIlog, Mga

Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una'y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka't ito'y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.

290
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong SaserdotePunong Saserdote sa Lumang TipanMelquizedekNaipanumbalik kay Jesu-CristoKaganapan ng TaoSaserdote sa Bagong TipanRituwal na KautusanAaron, ang kanyang KatungkulanCristo, Ang Dakilang SaserdoteMga Taong Ginawang GanapAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelMaharlikang PagkapariSaserdote, Mga

Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagka't sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron?

294
Mga Konsepto ng TaludtodJesu-Cristo, Pagkawalang Hanggan niDiyos ay Buhay at Umiiral sa SariliSaserdote, Mga

Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.

296
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong SaserdoteCristo, Ang Dakilang SaserdotePaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanSaserdote, Mga

At katotohanang sila'y marami sa bilang na naging mga saserdote, sapagka't dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy: