Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 17

Mga Hukom Rango:

373
Mga Konsepto ng TaludtodMata, Talinghaga na Gamit ng mgaKaguluhanMakasariliKawalan ng PamahalaanWalang Hari

Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel: bawa't tao'y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata.

389

At may isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, na ang pangala'y Michas.

425
Mga Konsepto ng TaludtodEfodSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanAltarPagtatalaga

At ang lalaking si Michas ay nagkaroon ng isang bahay ng mga dios, at siya'y gumawa ng isang epod at mga terap at itinalaga ang isa ng kaniyang mga anak, na maging kaniyang saserdote.

444
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan, Halimbawa ngIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, SaNawa'y Pagpapalain ng DiyosSalaping PagpapalaNanay

At sinabi niya sa kaniyang ina, Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo, na siyang ikinapagtungayaw mo, at sinalita mo rin sa aking mga pakinig, narito, ang pilak ay nasa akin; aking kinuha. At sinabi ng kaniyang ina, Pagpalain nawa ng Panginoon ang aking anak.

466

At isinauli niya ang isang libo at isang daang putol na pilak sa kaniyang ina, at sinabi ng kaniyang ina, Aking tunay na itinalaga ng aking kamay ang pilak na ito sa Panginoon, na ukol sa aking anak, upang igawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: kaya ngayo'y isasauli ko sa iyo.

471

At may isa namang may kabataan sa Bethlehem-juda, sa angkan ni Juda; na isang Levita; at siya'y nakikipamayan doon.

473
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoUmuupaEspirituwal na mga AmaMga Taong Nagbibigay ng DamitHindi Pinangalanang mga Saserdote

At sinabi ni Michas sa kaniya, Tumahan ka sa akin, at ikaw ay maging sa akin ay isang ama at isang saserdote, at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon, at ng bihisan, at ng iyong pagkain. Sa gayo'y ang Levita ay pumasok.

504
Mga Konsepto ng TaludtodPag-ampon

At ang Levita ay nakipagkasundong tumahang kasama ng lalake: at ang binata sa kaniya'y parang isa sa kaniyang mga anak.

509
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningManggagawa ng BakalHusay

At nang kaniyang isauli ang salapi sa kaniyang ina, ay kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang putol na pilak na ibinigay sa mga mangbububo, na siyang gumawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: at nasa bahay ni Michas.

521

At ang lalake ay umalis sa bayan, sa Bethlehem-juda, upang makipamayan kung saan siya makakasumpong ng matutuluyan: at siya'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas habang siya'y naglalakbay.

531
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatalagaTao, Itinalagang

At itinalaga ni Michas ang Levita, at ang binata ay naging kaniyang saserdote, at nasa bahay ni Michas.

549
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanAng Matuwid ay Nagtatagumpay

Nang magkagayo'y sinabi ni Michas, Ngayo'y talastas ko, na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon, yamang ako'y may isang Levita na pinakasaserdote ko.

566
Mga Konsepto ng TaludtodSaan Mula?

At sinabi ni Michas sa kaniya, Saan ka nanggaling? At sinabi niya sa kaniya, Ako'y Levita sa Bethlehem-juda, at ako'y yayaong makikipamayan kung saan ako makasumpong ng matutuluyan.