Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 18

Mga Hukom Rango:

87
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na mga AmaMapagpigil na PananalitaHindi Pinangalanang mga Saserdote

At sinabi nila sa kaniya, Pumayapa ka, itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin, at maging ama at saserdote ka namin: magaling ba kaya sa iyo ang maging saserdote sa bahay ng isang lalake o maging saserdote sa isang lipi at sa isang angkan sa Israel?

220
Mga Konsepto ng TaludtodNinanakaw ang mga Diyus-diyusan

At natuwa ang puso ng saserdote, at kaniyang kinuha ang epod, at ang mga terap, at ang larawang inanyuan, at yumaon sa gitna ng bayan.

360
Mga Konsepto ng TaludtodPakikitungo sa mga Kabataan

Sa gayo'y bumalik sila, at yumaon, at inilagay ang mga bata at ang kawan, at ang mga daladalahan, sa unahan nila.

393
Mga Konsepto ng TaludtodNaabutan

Nang sila'y malayo na sa bahay ni Michas, ang mga lalaking nasa mga bahay na kalapit ng bahay ni Michas ay nagpipisan at inabot ang mga anak ni Dan.

401
Mga Konsepto ng TaludtodAno ba ang Kalagayan?

At kaniyang sinigawan ang mga anak ni Dan. At inilingon nila ang kanilang mga mukha, at sinabi kay Michas, Anong mayroon ka, na ikaw ay nagpisan ng ganyang pulutong?

405
Mga Konsepto ng TaludtodAno ba ang Kalagayan?Ninanakaw ang mga Diyus-diyusanHindi Pinangalanang mga Saserdote

At kaniyang sinabi, Inyong kinuha ang aking mga dios na aking ginawa, at ang saserdote, at kayo'y yumaon, at ano pang mayroon ako? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin, Anong mayroon ka?

410
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Hari

Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel: at nang panahong yaon ay humahanap ang lipi ng mga Danita, ng isang mana na matatahanan; sapagka't hanggang sa araw na yaon, ay hindi nahuhulog sa mga lipi ng Israel ang kanilang mana.

411
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanPagpapatapon, Mga Tao sa

At itinayo sa kanilang sarili ng mga anak ni Dan ang larawang inanyuan: at si Jonathan na anak ni Gerson, na anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak ay siyang mga saserdote sa lipi ng mga Danita hanggang sa araw ng pagkabihag sa lupain.

415
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang UgaliMapagpigil na PananalitaMatatapang na Lalake

At sinabi ng mga anak ni Dan sa kaniya, Huwag ng marinig ang iyong tinig, baka daluhungin ka ng mga mapusok na kasama, at iyong iwala ang iyong buhay, pati ng buhay ng iyong sangbahayan.

426

At kanilang tinawag na Dan ang pangalan ng bayan, ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama na ipinanganak sa Israel: gayon ma'y ang pangalan ng bayan nang una ay Lais.

427
Mga Konsepto ng TaludtodTauhang Pinauwi ng Bahay, Mga

At ipinagpatuloy ng mga anak ni Dan ang kanilang lakad: at nang makita ni Michas na sila'y totoong malakas kay sa kaniya, ay bumalik at umuwi sa kaniyang bahay.

437
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanapSeguridadAsalMahistrado, MgaKatahimikanMalayo mula ritoTao, Mapayapang mgaRelasyon at Panunuyo

Nang magkagayo'y lumakad ang limang lalake at dumating sa Lais, at nakita ang bayan na naroon, kung paanong sila'y tumatahan sa katiwasayan, na gaya ng mga Sidonio, na tahimik at tiwasay: sapagka't wala sa lupain na nagaaring may kapangyarihan na makapagbibigay kahihiyan sa alin mang bagay, at malayo sa mga Sidonio, at walang pagkikipagkasundo sa kaninoman.

439
Mga Konsepto ng TaludtodPagsusunogPagsunog sa mga LungsodTao, Mapayapang mga

At kanilang kinuha ang ginawa ni Michas, at ang saserdote na kaniyang tinatangkilik, at naparoon sa Lais, sa bayang tahimik at tiwasay, at sinaktan nila ng talim ng tabak: at sinunog nila ang bayan.

441
Mga Konsepto ng TaludtodEspiya, MgaLimang TaoEspiya, Kilos

At ang mga anak ni Dan ay nagsugo ng limang lalake ng kanilang angkan, sa kanilang kabuoang bilang, ng mga lalaking may tapang, na mula sa Sora, at sa Esthaol, upang tiktikan ang lupain, at kilalanin; at sinabi nila sa kanila, Kayo'y yumaon, at inyong kilalanin ang lupain. At sila'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas, at tumuloy roon.

445
Mga Konsepto ng TaludtodLimang Tao

Nang magkagayo'y sumagot ang limang lalake na tumiktik ng lupain ng Lais, at sinabi sa kanilang mga kapatid, Nalalaman ba ninyo na mayroon sa mga bahay na ito na isang epod, at mga terap, at isang larawang inanyuan, at isang larawang binubo? ngayon nga'y akalain ninyo ang marapat ninyong gawin.

449
Mga Konsepto ng TaludtodLambak, MgaMalayo mula ritoMuling Pagtatatag ng mga Kilalang LungsodPagtatatag ng Relasyon

At walang magligtas, sapagka't malayo sa Sidon, at sila'y walang pakikipagkasundo sa kanino man, at nasa libis na lumalaganap sa dakong Bethrehob. At kanilang itinayo ang bayan, at tinahanan nila.

463
Mga Konsepto ng TaludtodAng Tahanan ng Diyos sa ShiloAng Templo sa Shilo

Gayon nila itinayo ang larawang inanyuan ni Michas na kaniyang ginawa, sa buong panahon na ang bahay ng Dios ay nasa Silo.

516
Mga Konsepto ng TaludtodAnim hanggang Pitong DaanAnimnaraan at Higit Pa

At umalis mula roon ang ilan sa angkan ng mga Danita, mula sa Sora at sa Esthaol, na anim na raang lalake na may sandata ng mga kasakbatan na pangdigma.

519

At sila'y naparoon sa kanilang mga kapatid sa Sora at Esthaol: at sinabi ng kanilang mga kapatid sa kanila, Ano kayo?

526
Mga Konsepto ng TaludtodMga Pangalan Hanggang sa Araw na Ito

At sila'y yumaon, at humantong sa Chiriath-jearim, sa Juda; kaya't kanilang tinawag ang dakong yaon na Mahane-dan hanggang sa araw na ito: narito, ito'y nasa likod ng Chiriath-jearim.

550

At sinabi nila sa kaniya, Isinasamo namin sa iyo na usisain mo sa Dios, upang aming maalaman, kung ang aming lakad ay papalarin.

553
Mga Konsepto ng TaludtodMga Diyus-diyusan sa BahayPaglilokAnong Iyong Ginagawa?

At nang pumasok ang mga ito sa bahay ni Michas, at makuha ang larawang inanyuan, ang epod, at ang mga terap, at ang larawang binubo, ay sinabi ng saserdote sa kanila, Ano ang inyong gagawin?

561
Mga Konsepto ng TaludtodHumayong MapayapaKapayapaan

At sinabi ng saserdote sa kanila, Yumaon kayong payapa: nasa harap ng Panginoon ang daang inyong nilalakaran.

565
Mga Konsepto ng TaludtodTinig, MgaPagtatanong ng Partikular na BagayNakikilala ang mga Bagay

Nang sila'y malapit sa bahay ni Michas, ay nakilala nila ang tinig ng binatang Levita: at sila'y lumiko roon, at sinabi nila sa kaniya, Sinong nagdala sa iyo rito? at ano ang iyong ginagawa sa dakong ito? at anong mayroon ka rito?

568
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan, Halimbawa ngLimang TaoAnim hanggang Pitong DaanNakatayo sa PasukanAnimnaraan at Higit Pa

At ang limang lalake na yumaong tumiktik ng lupain ay nagsiahon at pumasok doon, at kinuha ang larawang inanyuan, at ang epod, at ang mga terap, at ang larawang binubo, at ang saserdote ay nakatayo sa pasukan ng pintuang-bayan na kasama ng anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatang pangdigma.

578

At kanilang sinabi, Kayo'y bumangon at tayo'y umahon laban sa kanila: sapagka't aming nakita ang lupain, at, narito, napakabuti: at natatamad ba kayo? huwag kayong magmakupad na yumaon at pumasok upang ariin ang lupain.

585
Mga Konsepto ng TaludtodPagbati

At sila'y lumiko roon, at naparoon sa bahay ng binatang Levita, sa makatuwid baga'y hanggang sa bahay ni Michas, at tinanong nila siya ng kaniyang kalagayan.

587
Mga Konsepto ng TaludtodAnim hanggang Pitong DaanNakatayo sa PasukanAnimnaraan at Higit Pa

At ang anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatan na pangdigma, na pawang mga anak ni Dan, ay nagsitayo sa pasukan ng pintuang-bayan.

590

At sila'y nagdaan doon hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at naparoon sa bahay ni Michas.

591
Mga Konsepto ng TaludtodUmuupaHindi Pinangalanang mga Saserdote

At sinabi niya sa kanila, Ganito't ganito ang ginawa sa akin ni Michas, at kaniyang kinayaring upahan ako, at ako'y naging kaniyang saserdote.

597
Mga Konsepto ng TaludtodIbinigay sa KamayLupain

Paglakad ninyo'y darating kayo sa isang bayang tiwasay, at ang lupain ay malaki: sapagka't ibinigay ng Dios sa inyong kamay, isang dakong walang kakailanganing anomang bagay na nasa lupa.