Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 16

Mga Hukom Rango:

19
Mga Konsepto ng TaludtodPangingilinAsetisismo, Mga Taong Gumagawa ngBalbasBuhok, MgaUlo, MgaKutsilyo, MgaPag-ahitBumigay sa TuksoNakatalaga sa DiyosMahabang BuhokMula sa SinapupunanBuhok

At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso, at sinabi sa kaniya, Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo; sapagka't ako'y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina: kung ako'y ahitan, hihiwalay nga sa akin ang aking lakas, at ako'y hihina, at magiging gaya ng alinmang tao.

53
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataksilTagapamahala, MgaPagtataksil, Halimbawa ng

At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagka't sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayo'y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi sa kanilang kamay.

124
Mga Konsepto ng TaludtodPaganong Diyus-Diyusan, MgaBulaang Diyus-diyusanPagdiriwang, MgaIbinigay sa KamayDagon

At nagpipisan ang mga pangulo ng mga Filisteo upang maghandog ng isang dakilang hain kay Dagon na kanilang dios, at mangagalak: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios si Samson na ating kaaway sa ating kamay.

158
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalikMahabang BuhokBuhok na LumalagoLumalagoBuhok

Gayon ma'y nagpasimulang tumubo uli ang buhok ng kaniyang ulo, pagkatapos na siya'y maahitan.

169
Mga Konsepto ng TaludtodLibingan, Lugar ng mgaSagisag ni CristoIbinigay ang Sarili sa KamatayanHabag, Pagpatay ng may

At sinabi ni Samson, Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo, At iniubos niya ang kaniyang buong lakas; at ang bahay ay bumagsak sa mga pangulo, at sa buong bayan na nandoon sa loob. Sa gayo'y ang nangamatay na kaniyang pinatay sa kaniyang kamatayan ay higit kay sa pinatay niya sa kaniyang kabuhayan.

174
Mga Konsepto ng TaludtodPagpupuri, Dahilan ngTagumpay bilang Gawa ng DiyosIbinigay sa Kamay

At nang makita siya ng bayan, ay kanilang pinuri ang kanilang dios: sapagka't kanilang sinabi, Ibinigay ng ating dios sa ating kamay ang ating kaaway, at ang mangwawasak sa ating lupain, na pumatay sa marami sa atin.

176
Mga Konsepto ng TaludtodLibanganPaglilibang at Pagpapalipas ng OrasLibanganPagsasayaGinawang KatatawananLaro, Mga

At nangyari, nang masayahan ang kanilang puso, na kanilang sinabi, Tawagin si Samson, upang siya'y ating mapaglaruan. At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan; at siya'y pinaglaruan nila. At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi:

196
Mga Konsepto ng TaludtodPalaaway na BabaeBarberoPagkakalboPagluhodPag-ahitPagdarayaTuhodPitong Bahagi ng KatawanMahabang BuhokWalang Lakas na NatiraBuhokKahinaanBuhol-buhol na Buhok

At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod; at nagpatawag siya ng isang lalake, at inahit ang pitong tirintas sa kaniyang ulo; at pinasimulan niyang pighatiin siya, at ang kaniyang lakas ay nawala.

201
Mga Konsepto ng TaludtodLibinganSementeryo20 hanggang 30 mga taonHumahatol sa Israel

Nang magkagayo'y lumusong ang kaniyang mga kapatid at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, at kinuha siya, at iniahon siya, at inilibing siya sa pagitan ng Sora at Esthaol sa libingan ni Manoa na kaniyang ama. At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pung taon.

260
Mga Konsepto ng TaludtodSarili, Tiwala saKahinaan, Pisikal naDiyos, Tao na Pinabayaan ngResilencePakikibagayKutob

At sinabi niya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at sinabi, Ako'y lalabas na gaya ng dati, at ako'y magpupumiglas. Nguni't hindi niya talos na ang Panginoo'y humiwalay sa kaniya.

346
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang Pasya, Halimbawa ngPangaakitPatutot, MgaPagkabighani

At naparoon si Samson sa Gaza, at nakakita roon ng isang patutot at sinipingan.

380
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig sa RelasyonLalake at Babae na Nagmamahalan, Mga

At nangyari pagkatapos, na siya'y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec, na ang pangala'y Dalila.

392
Mga Konsepto ng TaludtodSumasaganaPaghahanap sa Lakas ng DiyosMata, Nasaktang mgaDalawang Bahagi sa KatawanTao, NaghihigantingPinangalanang mga Tao na NanalanginPaghihiganti

At tumawag si Samson sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, idinadalangin ko sa iyo na alalahanin mo ako, at idinadalangin ko sa iyong palakasin mo ako, na minsan na lamang, Oh Dios, upang maiganti kong paminsan sa mga Filisteo ang aking dalawang mata.

404
Mga Konsepto ng TaludtodHawakan ang Kamay

At sinabi ni Samson sa bata na umaakay sa kaniya sa kamay, Ipahipo mo sa akin ang mga haliging pumipigil ng bahay, upang aking mangahiligan.

420

At si Samson ay pumigil sa dalawang gitnang haligi na pumipigil ng bahay, at isinuhay sa mga yaon, ang isa sa kaniyang kanang kamay, at ang isa'y sa kaniyang kaliwa.

431
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang mga BahayTatlong Libo at Higit PaBubunganLaro, Mga

Ang bahay nga ay puno ng mga lalake at babae, at ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo ay nandoon; at sa bubungan ay may tatlong libong lalake at babae, na nanonood samantalang pinaglalaruan si Samson.

450
Mga Konsepto ng TaludtodNananahiTinataliBuhol-buhol na Buhok

At sinabi ni Dalila kay Samson, Hanggang dito'y pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: saysayin mo sa akin kung paanong matatalian ka. At sinabi niya sa kaniya, Kung iyong hahabihin ang pitong tirintas sa aking ulo ng hinabing kayo.

452
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayPaghihintayTambanganGumagawa, Magdamag naTinatangkang Patayin ang Ganitong mga Tao

At ibinalita sa mga taga Gaza na sinasabi, Si Samson ay naparito. At kanilang kinulong siya, at binakayan siya buong gabi sa pintuang-bayan, at tahimik buong gabi, na sinasabi, Maghintay tayo hanggang magbukang liwayway, saka natin patayin siya.

465
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoPangaakitNakakaakitTinatali

At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae, at sinabi sa kaniya: Dayain mo siya, at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan, at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya: at bibigyan ka ng bawa't isa sa amin ng isang libo't isang daang putol na pilak.

468
Mga Konsepto ng TaludtodAsetisismo, Uri ngIritasyonMapanggulong mga TaoNaninising Lagi

At nangyari, nang kaniyang igiit araw araw, at kaniyang ipilit sa kaniya, na ang kaniyang loob ay naligalig sa ikamamatay.

469
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasan, EspirituwalHating GabiKandado at Pansarado, MgaPasanin ang Bigatin ng Iba

At si Samson ay humiga hanggang hating gabi, at bumangon sa hating gabi at humawak sa mga pinto ng pintuang-bayan, at sa dalawang haligi, at kapuwa binunot, pati ng sikang, at pinasan sa kaniyang mga balikat, at isinampa sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron.

485
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipag-ugnayan ng Makatlong UlitTauhang Nagsisinungaling, MgaLalake at Babae na Nagmamahalan, Mga

At sinabi niya sa kaniya, Bakit nasasabi mo, na iniibig kita, sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin? pinaglaruan mo akong makaitlo, at hindi mo isinaysay sa akin kung saan nagpapahinga ang iyong dakilang kalakasan.

506
Mga Konsepto ng TaludtodManunuksong mga KababaihanTinataliKababaihan, Lakas ng mga

At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka.

517
Mga Konsepto ng TaludtodTambangan

Ngayo'y may mga bakay na sa silid sa loob. At sinabi niya sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At kaniyang pinatid ang mga yantok, na tulad sa taling estopa pagka nadidikitan ng apoy. Sa gayo'y hindi naalaman ang kaniyang lakas.

522
Mga Konsepto ng TaludtodKahinaan, Pisikal naTinatali

At sinabi ni Samson sa kaniya, Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang yantok na kailan man ay hindi natuyo, ay hihina ako, at ako'y magiging gaya ng alinmang tao.

530

At kaniyang pinagtibay ng tulos, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya'y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at binunot ang tulos ng panghabi, at ang hinabi.

555
Mga Konsepto ng TaludtodKasinungalingan, Halimbawa ngTauhang Nagsisinungaling, MgaTinatali

At sinabi ni Dalila kay Samson, Narito, pinaglaruan mo ako, at pinagbulaanan mo ako: isinasamo ko ngayon sa iyo na saysayin mo sa akin kung paano matatalian ka.

558
Mga Konsepto ng TaludtodBisigLubidTambangan

Sa gayo'y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid, at itinali sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob. At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid.

573
Mga Konsepto ng TaludtodTinatali

Nang magkagayo'y nagdala ang mga pangulo ng mga Filisteo sa kaniya ng pitong sariwang yantok na hindi pa natutuyo, at ipinagtali niya sa kaniya.

584
Mga Konsepto ng TaludtodLikhang-Sining, Uri ngHindi Nagagamit

At sinabi niya sa kaniya, Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit, ay hihina nga ako at magiging gaya ng alinmang tao.