Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 2

Mga Hukom Rango:

6
Mga Konsepto ng TaludtodIritasyonPatibongHindi Sila ItinataboyMasamang BitagWalang Tulong mula sa Ibang mga Diyos

Kaya't aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran, at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo.

39
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap, Lagay ng Damdamin sa

At nangyari, pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak.

42
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ng

At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.

51

Nang mapayaon nga ni Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa.

61

At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Bochim; at sila'y naghain doon sa Panginoon.

64
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Hustong GulangSalinlahiDiyos, Pahayag ngEspirituwal na KamangmanganTinipon sa Sariling BayanKamatayan ng isang AmaRosasPagkakaalam sa Diyos

At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel.

77
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilingkod, Sa Buhay ng MananampalatayaLingkod ng PanginoonGulang sa Kamatayan

At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang.

82
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Saligan ngPamamaraan ng DiyosProstitusyonPahayag, Mga Tugon saIba't ibang mga Diyus-diyusan

At gayon ma'y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka't sila'y sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon: sila'y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; nguni't hindi sila gumawa ng gayon.

83
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasPagliligtas, Paraan ngPinuno, Mga Pulitikal naTagapagligtas, Mga

At nagbangon ang Panginoon ng mga hukom, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila.

84
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasKarahasan, Ugali ng Diyos labanBiyaya sa Lumang TipanMapakiramdamSimpatiyaDiyos na Nagliligtas mula sa mga KaawayDiyos sa piling ng mga TaoDiyos na Nagpakita ng Habag

At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.

130
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloPagdurusaDiyos na LabanDiyos, Sinaktan sila ng

Saan man sila yumaon, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya ng sinalita ng Panginoon, at gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon: sila'y nagipit na mainam.

134

At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana, sa Timnath-heres, sa lupaing maburol ng Ephraim, sa hilagaan ng bundok Gaas.

143
Mga Konsepto ng TaludtodKinaugalianKasalanan, Kalikasan ngSariling KaloobanPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanIba't ibang mga Diyus-diyusanKamatayan ng mga OpisyalesPagkakasala ng Bayan ng Diyos

Nguni't nangyari pagkamatay ng hukom, na sila'y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios, upang maglingkod sa kanila, at yumukod sa kanila; sila'y hindi naglikat sa kanilang mga gawa, ni sa kanilang tampalasang lakad.

145
Mga Konsepto ng TaludtodNaglilingkod kay Aserah

At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth.

151
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanTalikuranPagyukod sa mga Bulaang Diyus-DiyusanIba't ibang mga Diyus-diyusanDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.

153
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Sila Itinataboy

Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay;

166
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanPamimili at PagtitindaPananakop, Mga

At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway.

223
Mga Konsepto ng TaludtodIpinagbabawal na KasunduanKatapatanPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasAnong Iyong Ginagawa?

At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?

256
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatunay sa Pamamagitan ng Pagsubok

Upang sa pamamagitan nila'y aking masubok ang Israel, kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila, na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang.

264
Mga Konsepto ng TaludtodPaglabag sa Tipan

At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel; at kaniyang sinabi, Sapagka't sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang, at hindi dininig ang aking tinig;

301
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Sila ItinataboyNakaligtas sa mga Bansa, Mga

Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon, na hindi niya pinalayas silang biglaan; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue.

362
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tagapaglabag ngTagapagbantay, MgaPagaari na LupainAng Lupang PangakoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoDiyos na Tumutupad ng TipanAnghel, Patnubay ng mga

At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo'y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, Kailan ma'y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo: