Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 3

Mga Hukom Rango:

9

At sila nga upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, na maalaman kung kanilang didinggin ang mga utos ng Panginoon, na kaniyang iniutos sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ni Moises.

37
Mga Konsepto ng TaludtodAmoreoPakikitungo ng mga Bansa

At ang mga anak ni Israel ay tumahan sa gitna ng mga Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo, at ng Jebuseo:

66
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutanPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngTagumpayNaglilingkod kay AserahPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at nilimot ang Panginoon nilang Dios, at naglingkod sa mga Baal at sa mga Aseroth.

73

At kinuha nila ang kanilang mga anak na babae upang maging mga asawa nila, at ibinigay ang kanilang sariling mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, at naglingkod sa kanilang mga dios.

109
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaWalo o Siyam na Taon

Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ipinagbili sila sa kamay ni Chusan-risathaim, na hari sa Mesopotamia: at ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Chusan-risathaim na walong taon.

115
Mga Konsepto ng TaludtodPanalangin, Sagot saPanalangin bilang Paghingi sa DiyosAntasPagsagipSinagot na PanalanginTagapagligtas, MgaUmiiyak sa Diyos

At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel, na siyang nagligtas sa kanila, sa makatuwid baga'y si Othoniel na anak ni Cenaz, na kapatid na bata ni Caleb.

117
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang EspirituwalKapangyarihan ng TaoAng Espiritu ng PanginoonHumahatol sa IsraelYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang KamayPagpapalakas

At ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim.

119
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaKapangyarihan ng TaoPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At ginawang muli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon: at pinatibay ng Panginoon si Eglon na hari sa Moab laban sa Israel, sapagka't kanilang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon.

147
Mga Konsepto ng TaludtodKamay, MgaPagbubuwisParangalSinagot na PanalanginKaliwete

Nguni't nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas, si Aod na anak ni Gera, ang Benjamita, na isang lalaking kaliwete. At ang mga anak ni Israel, ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab.

160
Mga Konsepto ng TaludtodMilitarNakaligtas sa mga Bansa, MgaLabananPagsubok, MgaIsraelPagsasanayPagsusuri

Ito nga ang mga bansang iniwan ng Panginoon, upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, sa makatuwid baga'y sa mga hindi nakaalam ng mga pagbabaka sa Canaan;

164
Mga Konsepto ng TaludtodHita, MgaDalawang PanigSukat ng Ibang mga BagayIba pang Tamang Bahagi

At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim, na may isang siko ang haba; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot, sa kaniyang dakong kanang hita.

170
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung TaonAng Bilang Apatnapu40 hanggang 50 mga taonPanahon ng Kapayapaan

At nagpahinga ang lupain na apat na pung taon. At si Othoniel na anak ni Cenaz ay namatay.

181
Mga Konsepto ng Taludtod15 hanggang 20 mga taonYaong Napasailalim sa mga Tao

At ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Eglon na labing walong taon.

182
Mga Konsepto ng TaludtodAmalekeyoMga Kaaway ng Israel at JudaAmmonitaPagkatalo ng Bayan ng Diyos

At kaniyang tinipon ang mga anak ni Ammon at ni Amalec; at siya'y yumaon at sinaktan niya ang Israel, at kanilang inari ang bayan ng mga puno ng palma.

184
Mga Konsepto ng TaludtodPantaboy na PanusokTagapagligtas, MgaAnim hanggang Pitong DaanMatatalim na mga GamitAnimnaraan at Higit PaBilang ng mga Banyagang Namatay

At pagkatapos niya'y si Samgar, na anak ni Anat, ay siyang nanakit sa mga Filisteo, ng anim na raang lalake, sa pamamagitan ng panundot sa baka: at kaniya ring iniligtas ang Israel.

199
Mga Konsepto ng TaludtodImpormasyon na LihimMapagpigil na Pananalita

Nguni't siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal, at nagsabi, Ako'y may isang pasugong lihim sa iyo, Oh hari. At kaniyang sinabi, Tumahimik ka. At yaong lahat na nakatayo sa siping niya, ay umalis sa harap niya.

207
Mga Konsepto ng TaludtodKatabaanPagpaslang, Nagtagumpay naSobra sa TimbangMatatabang Tao

At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab: at si Eglon ay lalaking napakataba.

213
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaAng Lamig sa UmagaMga Taong Bumabangon

At si Aod ay naparoon sa kaniya; at siya'y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit. At sinabi ni Aod, Ako'y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios. At siya'y tumindig sa kaniyang upuan.

228
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatayTiyanHita, MgaIba pang Tamang Bahagi

At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay, at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak sa kaniyang tiyan:

245
Mga Konsepto ng TaludtodBalkonaheIpinipinid ang PintoKandado at Pansarado, Mga

Nang magkagayo'y lumabas si Aod sa pintuan, at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan, at pinagtatrangkahan.

255
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamahala, MgaLimang Tao

Ang nangabanggit ay ang limang pangulo ng mga Filisteo at ang lahat ng mga Cananeo, at ang mga Sidonio, at ang mga Heveo, na tumatahan sa bundok ng Libano, mula sa bundok ng Baal-hermon hanggang sa pasukan ng Hamath.

258
Mga Konsepto ng TaludtodHanda na sa Digmaan

Nang maalaman man lamang yaon ng mga sali't saling lahi ng mga anak ni Israel, upang turuan sila ng pakikibaka, yaon man lamang nang una'y hindi nakaalam:

266
Mga Konsepto ng TaludtodKaburulanInstrumento ng Musika, Uri ngTrumpeta para sa Pagbibigay Hudyat

At nangyari, pagdating niya, ay kaniyang hinipan ang pakakak sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol, at siya'y sa unahan nila.

267
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapauwi sa mga Tao

At nang siya'y matapos makapaghandog ng kaloob, ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob.

276
Mga Konsepto ng TaludtodLikodPagbabawas ng DumiTaba ng mga TaoTuloTae

At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim; at natikom ang taba sa tabak, sapagka't hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan; at lumabas sa likod.

282
Mga Konsepto ng TaludtodPananakop80 hanggang 100 mga taonPanahon ng Kapayapaan

Gayon napasuko ang Moab nang araw na yaon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Israel: at ang lupa'y nagpahingang walong pung taon.

283
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakasPagtakas sa mga Pisikal na BagayHalimbawa ng PagtakasPagtakas mula sa Taung-Bayan

At tumakas si Aod samantalang sila'y nangaghihintay, at siya'y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath.

285
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaTumawid na IlogYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At kaniyang sinabi sa kanila, Sumunod kayo sa akin; sapagka't ibinigay ng Panginoon ang inyong mga kaaway na mga Moabita sa inyong kamay. At sila'y nagsilusong na kasunod niya, at sinakop ang mga tawiran sa Jordan laban sa mga Moabita, at hindi nila pinayagang tumawid doon ang sinomang tao.

304
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabawas ng Dumi

Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila; at kanilang nakita, at, narito, ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan; at kanilang sinabi, Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit.

311
Mga Konsepto ng TaludtodSusi, Mga

At sila'y nangaghintay hanggang sa sila'y nangapahiya; at, narito, hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan: kaya't sila'y kumuha ng susi, at binuksan; at, narito, ang kanilang panginoon, ay nakabulagtang patay sa lupa.

314
Mga Konsepto ng TaludtodSampu-sampung LiboBilang ng mga Banyagang NamatayLagay ng Loob

At sila'y sumakit sa Moab nang panahong yaon ng may sangpung libong lalake, bawa't lalaking may loob, at bawa't lalaking may tapang; at doo'y walang nakatakas na lalake.