Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 8

Mga Hukom Rango:

10
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga Lungsod

At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel, na sinasabi, Pagbabalik kong payapa, ay aking ilalagpak ang moog na ito.

43
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Isa hanggang Labing Siyam na LiboIsangdaang Libo at Higit PaNakaligtas sa mga Bansa, Mga

Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong hukbo ng mga anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na humahawak ng tabak.

78
Mga Konsepto ng TaludtodMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadPagtatanongPitumpu

At hinuli niya ang isang may kabataan sa mga lalake sa Succoth, at nagusisa siya sa kaniya: at ipinaalam sa kaniya ang mga prinsipe sa Succoth, at ang mga matanda niyaon na pitong pu't pitong lalake.

89
Mga Konsepto ng TaludtodDalawa Pang Lalake

At si Zeba at si Zalmunna ay tumakas; at kaniyang hinabol sila: at kaniyang hinuli ang dalawang hari sa Madian, na si Zeba at si Zalmunna, at nalito ang buong hukbo.

91
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Natapos Niyang Gawa

At sila'y naparoon sa mga lalake sa Succoth, at sinabi, Narito si Zeba at si Zalmunna, na tungkol sa kanila, ay inyo akong tinuya na inyong sinasabi, Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong mga lalake na mga pagod?

95

At tinalikdan ni Gedeon na anak ni Joas ang pagbabaka, mula sa sampahan sa Heres.

96
Mga Konsepto ng TaludtodDawagTinik,MgaPagpapahirapMga Taong Nagtuturo

At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan, at mga tinik sa ilang at mga dawag, at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth.

99
Mga Konsepto ng TaludtodGaya ng mga Tao, Sa Kalikasan ayAnong Uri?Katangian ng mga Hari

Nang magkagayo'y kaniyang sinabi kay Zeba at kay Zalmunna. Anong mga lalake yaong inyong pinatay sa Tabor? At sila'y sumagot, Kung ano ikaw ay gayon sila; bawa't isa'y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari.

120
Mga Konsepto ng TaludtodLagalagSeguridad

At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng Noba at Jogbea, at sinaktan ang hukbo; sapagka't ang hukbo ay tiwasay.

231
Mga Konsepto ng TaludtodTorePagpatay sa Loob ng Israel

At kaniyang inilagpak ang moog ng Penuel, at pinatay ang mga lalake sa bayan.

236
Mga Konsepto ng TaludtodMga ApoAng Kaharian ng IbaGideon

Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalake ng Israel kay Gedeon, Magpuno ka sa amin ngayon, ikaw at ang iyong anak, sapagka't iniligtas mo kami sa kamay ng Madian.

243
Mga Konsepto ng TaludtodHinanakit Laban sa mga TaoPagtataloAnong Iyong Ginagawa?

At sinabi ng mga lalake ng Ephraim sa kaniya, Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan, na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madian? At siya'y pinagwikaan nilang mainam.

287
Mga Konsepto ng TaludtodKinaugalianHikaw, MgaPalamutiInihatid na mga Ginto

At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo, na bigyan ako ng bawa't isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam. (Sapagka't sila'y may mga gintong hikaw, dahil sa sila'y mga Ismaelita.)

291
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang ApatnapuPananakop40 hanggang 50 mga taonPagtataas ng UloPanahon ng Kapayapaan

Gayon napasuko ang Madian sa harap ng mga anak ni Israel, at hindi na nila itinaas pa ang kanilang ulo. At ang lupain ay nagpahingang apat na pung taon sa mga araw ni Gedeon.

293
Mga Konsepto ng TaludtodPinapanatiling Buhay ng mga TaoPagpipigil sa PagpatayGideon

At kaniyang sinabi, Sila'y aking mga kapatid, na mga anak ng aking ina: buhay ang Panginoon, kung inyong iniligtas sana silang buhay, disin hindi ko kayo papatayin.

295
Mga Konsepto ng TaludtodEfodProstitusyonPatibongMasamang Bitag

At ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y sa Ophra: at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa kaniya roon: at siyang naging ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan.

297
Mga Konsepto ng TaludtodGobyernoTheokrasiyaGideon

At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hindi ako magpupuno sa inyo, o magpupuno man ang aking anak sa inyo: ang Panginoon ang magpupuno sa inyo.

306
Mga Konsepto ng TaludtodPanganay na Anak na LalakeLimitasyon ng Kabataan

At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay, Bangon, at patayin mo sila. Nguni't ang bata'y hindi humawak ng tabak: sapagka't siya'y natakot, dahil sa siya'y bata pa.

310
Mga Konsepto ng TaludtodMga KamelyoPagsusuot ng mga PalamutiPagpayag na Magpatiwakal

Nang magkagayo'y sinabi ni Zeba at ni Zalmunna, Bumangon ka, at daluhungin mo kami: sapagka't kung paano ang pagkalalake ay gayon ang kaniyang lakas. At bumangon si Gedeon, at pinatay si Zeba at si Zalmunna, at kinuha ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan na nasa mga leeg ng kanilang mga kamelyo.

313
Mga Konsepto ng TaludtodPoligamyaPitumpuGideon

At nagkaroon si Gedeon ng pitong pung anak na lumabas sa kaniyang mga balakang: sapagka't siya'y mayroong maraming asawa.

318
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulotUbasKakaunting BilangAntigoKaukulang Kadakilaan

At sinabi niya sa kanila, Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo? Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pagaani ng sa Abiezer?

320
Mga Konsepto ng TaludtodHinahanap na mga TaoKapaguranTatlo at ApatnaraanTatlong Daan at Higit PaPagod sa PanghahabolHindi SumusukoPagodGideon

At si Gedeon ay dumating sa Jordan, at siya'y tumawid, siya, at ang tatlong daang lalake na mga kasama niya, mga pagod na, ay humahabol pa.

322
Mga Konsepto ng TaludtodNagpapakain, Grupong

At sinabi niya sa mga lalake sa Succoth, Isinasamo ko sa inyo na bigyan ninyo ng mga tinapay ang bayan na sumusunod sa akin; sapagka't sila'y mga pagod, at aking hinahabol si Zeba at si Zalmunna, na mga hari sa Madian.

327
Mga Konsepto ng TaludtodKadenaKulay, Lila naKuwintasLilang KasuotanPagsusuot ng mga PalamutiTimbang ng Ginto

At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling, ay isang libo at pitong daang siklong ginto; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan, at ang mga hikaw at ang mga damit na morado na suot ng mga hari sa Madian, at bukod pa ang mga tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo.

330
Mga Konsepto ng TaludtodPinangalanang mga Hentil na PinunoYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian, si Oreb, at si Zeeb, at ano ang aking magagawa na paris ng inyo? Nang magkagayo'y ang kanilang galit sa kaniya ay lumamig, nang kaniyang sabihin yaon.

334

At inahon niya mula roon ang Penuel, at siya'y nagsalita sa kanila ng gayon din: at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth.

341

At ang kaniyang babae na nasa Sichem ay nagkaanak naman sa kaniya ng isang lalake, at kaniyang tinawag ang pangalan na Abimelech.

343

At si Jerobaal na anak ni Joas ay yumaon at tumahan sa kaniyang sariling bahay.

347
Mga Konsepto ng TaludtodLatigoPaghagupit

At sinabi ni Gedeon, Kaya, pagka ibinigay ng Panginoon, si Zeba at si Zalmunna sa aking kamay, ay akin ngang gagalusan ang inyong laman ng mga tinik sa ilang at ng mga dawag.

351
Mga Konsepto ng TaludtodHinati ang mga Samsam

At sumagot sila, Ibibigay namin ng buong pagibig. At sila'y naglatag ng isang balabal, at inilagay roon ng bawa't isa ang mga hikaw na kaniyang samsam.

352
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Natapos Niyang Gawa

At sinabi ng mga prinsipe sa Succoth, Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong hukbo?

413
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngGideon

At nangyari, pagkamatay ni Gedeon, na ang mga anak ni Israel ay bumalik at sumamba sa mga Baal, at ginawang kanilang dios ang Baal-berith.

461
Mga Konsepto ng TaludtodLibingan, Lugar ng mgaMatandang Edad, Pagkamit ngLibinganKamatayan ng isang AmaPamilya, Kamatayan saGideon

At namatay si Gedeon na anak ni Joas na may mabuting katandaan at inilibing sa libingan ni Joas na kaniyang ama, sa Ophra ng mga Abiezerita.

496

At hindi naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios, na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot:

570
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Utang na LoobKabutihanAsalHindi Tapat

O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jerobaal, na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kaniyang ipinakita sa Israel.