Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Taga-Roma 9

Mga Taga-Roma Rango:

40
Mga Konsepto ng TaludtodHinirang, Katangian ngMabuti o MasamaKapanganakanMga Piniling Disipulo

Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag,

146
Mga Konsepto ng TaludtodHindi NagagapiIsrael

Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:

236
Mga Konsepto ng TaludtodMinamahalPagpapanumbalikHindi MapagmahalDiyos, Panawagan ng

Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.

267
Mga Konsepto ng TaludtodHinirang, Bunga sa pagigingItinalagang mga TaoKaluwalhatianKayamanan ng BiyayaDiyos, Magpapakita ng Awa angHabag at Biyaya

At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian,

270
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kaligtasan ng mga HentilPagsasaalangalang ng Panawagan ng Kaligtasan

Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?

277
Mga Konsepto ng TaludtodNalabiMaliit na Bilang ng NalabiDiyos na Nagliligtas sa NangangailanganMarami sa Israel

At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat, ay ang nalalabi lamang ang maliligtas:

282
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurusa, Sa PusoKalungkutanHindi MaligayaKabigatanPuso, Sakit ngPagdadalamhati

Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso.

286
Mga Konsepto ng TaludtodNalabiMaliit na Bilang ng NalabiHula sa HinaharapMagkatulad na mga Bagay

At gaya ng sinabi nang una ni Isaias, Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo, Tayo'y naging katulad sana ng Sodoma, at naging gaya ng Gomorra.

287
Mga Konsepto ng TaludtodKeridaMga Anak ni AbrahamLahi niBinhi, Mga

Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.

294
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katapatan ng

Sapagka't ito ang salita ng pangako, Ayon sa panahong ito'y paririto ako, at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake.

317
Mga Konsepto ng TaludtodEbanghelyo, Pangako ngKatarungan sa Buhay ng MananampalatayaPaglalagay ng KatuwiranHinahanap ang MabutiMga Banyaga na Naligtas sa PananampalatayaMatuwid sa Pamamagitan ng PananampalatayaHentil, Mga

Ano nga ang ating sasabihin? Na ang mga Gentil, na hindi nangagsisisunod sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, sa makatuwid baga'y ng katuwiran sa pananampalataya:

319
Mga Konsepto ng TaludtodHayag na KatiwalianHuwag Na Mangyari!Ang Diyos ba ay Hindi Makatuwiran?Kawalang Katarungan

Ano nga ang ating sasabihin? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios? Huwag nawang mangyari.

322

At hindi lamang gayon; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa, ito nga'y ng ating ama na si Isaac-

325
Mga Konsepto ng TaludtodHinuhaNagpupunyagi sa DiyosSumasagot na DiyosIba pang Hindi Mahahalagang TaoTao, Kanyang Relasyon sa Kanyang ManlilikhaTinatanong ang DiyosTao, Kanyang Relasyon sa Diyos

Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?

329
Mga Konsepto ng TaludtodPag-ampon, Kalikasan ngPag-amponDiyos na Nagbibigay LuwalhatiPangako ng Diyos kay AbrahamTipan ng Diyos sa mga PatriarkaPaanong Sambahin ang DiyosAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelPangako, MgaIsraelTipanAnak, Pagiging

Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan;

362
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloHindi NahihiyaZion, Bilang SagisagBatong PanulukanBatong-BubunganNagliligtas na PananampalatayaCristo bilang BatoAng Epekto ng PananampalatayaHindi NabibigoPagkaunsami

Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniya'y hindi mapapahiya.

374
Mga Konsepto ng TaludtodSisiPaglabanDiyos na Ginagawa ang Kanyang Kalooban

Sasabihin mo nga sa akin, Bakit humahanap pa siya ng kamalian? Sapagka't sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban?

413
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningKapangyarihan ng Diyos, InilarawanItinakuwil, MgaMga Taong may KarangalanLayuninGanda at DangalPalayokAmagKarangalan

O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.

417
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya Tungkol kay CristoPagtitiwala sa GawaNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaGawa ng KautusanPagbabago ng Israel

Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;