Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nahum 2

Nahum Rango:

16
Mga Konsepto ng TaludtodPulang-pulaKulay, Iskarlata naSinasalakay gamit ang KarwaheMakislapPulang Kasuotan, MgaBakalKulay

Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.

20
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKidlatKalsadaKalye, MgaLungsod, PunongSinasalakay gamit ang KarwaheBilisMakislapPaggamit ng mga DaanBakalSasakyanKidlat, Sagisag na Gamit

Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.

25
Mga Konsepto ng TaludtodPalanguyanPagtigilPigilan ParinMga Taong TumatakasMga Taong Hindi Bumabalik

Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.

26
Mga Konsepto ng TaludtodSanggalangNatitisodMga Taong NatitisodNagmamadaling Hakbang

Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.

28
Mga Konsepto ng TaludtodNangakalat na mga TaoPaggamit ng mga DaanPaghahanda para sa Pagkilos

Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam,

29
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanTuhodPahayag ng MukhaPagkawala ng TapangIba pang mga Talata tungkol sa Puso

Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.

31
Mga Konsepto ng TaludtodKalapati, MgaMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoPamamalo sa SariliIbon, Huni ngMga Taong Nagdadala ng mga Buhay na Tao

At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.

32
Mga Konsepto ng TaludtodPandarambongPagkamal na PilakInihatid na mga GintoPagkamit ng Kayamanan

Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.

34
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoHayop, Biniyak na mgaPuspusin ang mga BahayMga Taong nasa Kuweba

Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.

35
Mga Konsepto ng TaludtodHindi GumagalawTahanan ng mga NilalangIbang Tahanan ng mga NilalangHindi Nagagambala

Saan nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?

36
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga BansaPuno ng UbasYaong mga MangwawasakPinagmumulan ng Dangal

Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.

42
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheUsokPagtigilSinisirang mga KarwahePagpatay sa Mapanganib na HayopPagliligtas mula sa mga Leon

Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.