Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nahum 1

Nahum Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodUgali ng Diyos sa mga TaoDiyos, Sigasig ngPaninibughoKagantihanKaaway ng DiyosDiyos na NaghihigantiPag-aanunsiyo

Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway.

3
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngPaa, MgaUlap, Presensya ng Diyos sa mgaDiyos, Katiyagaan ngBagyo, MgaIpoipoKapangyarihan ng Diyos, InilarawanMakapangyarihan sa Lahat, AngPagpapawalang-salaDiyos sa HanginKahatulan ng MasamaBilis ng Galit ng DiyosBagyo, MgaSalaYapak ng PaaMatitiyagaAboBakas ng PaaDiyos na Kontrolado ang Bagyo

Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.

4
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayHindi Maayos na IlogAng Dagat ay NahatiTaggutom

Kaniyang sinasaway ang dagat, at tinutuyo, at tinutuyo ang lahat na ilog: ang Basan ay nanlalata, at ang Carmelo; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta.

5
Mga Konsepto ng TaludtodLindolDaigdig, Kahatulan saKabundukanKabundukan, Yumayanig naAng Sansinukob ay NawasakDiyos na Nagliligtas sa Kasalanan at KamatayanAng Presensya ng Diyos

Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito.

6
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng Diyos, Kalikasan ngDiyos, Galit ngKaparusahan ng DiyosBatuhanHinating BatoApoy ng Galit ng DiyosNakatayo ng MatibayDiyos na NagagalitDagat-Dagatang ApoyPagnanasaPootIbulalas

Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya.

7
Mga Konsepto ng TaludtodKadiliman at Hatol ng DiyosNaabutan ng DilimKatapusan ng mga GawaBaha, MgaNanaig na DamdaminNamanghang Labis

Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako, at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman.

8
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusan ng mga GawaDiyos na NaghihigantiKahirapan, MgaKaramdamanTrahedya

Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa.

9
Mga Konsepto ng TaludtodLasenggero

Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik, at maging napakalasing na parang manglalasing, sila'y lubos na masusupok na parang tuyong dayami.

10
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang BalakPatibongKaramdaman

May lumabas na isa sa iyo, na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon, na pumapayo ng masama.

11
Mga Konsepto ng TaludtodPaa, MgaEbanghelista, Pagkatao ngPag-ebanghelyo, Katangian ngEbanghelyo, Paglalarawan saTagapagpahayagMabuting mga BalitaHindi KaylanmanPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanPagsasagawa ng PanataPaa sa PagsasakatuparanPagpapala mula sa KabundukanDiyos na Humahatol sa MasasamaPagdiriwang na TinatangkilikPagdiriwang

Narito, nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita, na nangaghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Oh Juda, tuparin mo ang iyong mga panata; sapagka't ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo; siya'y lubos na nahiwalay.

12
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoMga Kaaway ng Israel at JudaMga Taong LumilisanMaraming KaawayPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanMalalakas na mga TaoDiyos na Inatras ang Hatid na Pinsala

Ganito ang sabi ng Panginoon: Bagaman sila'y nangasa lubos na kalakasan, at totoong marami, gayon may sila'y nangalulugmok, at daraan siya. Bagaman pinagdalamhati kita, hindi na kita pagdadalamhatiin pa.

13
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayBulaang RelihiyonPagpapatapon sa AsiryaTemplo, Mga PaganongPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasPangalang BinuraPagtalikod sa mga Diyus-diyusan

At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak.

14
Mga Konsepto ng TaludtodPamatokDiyos na Nagpapalaya sa mga BilanggoPatulin ang Kadena

At ngayo'y aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo, at aking sisirain ang iyong mga paningkaw.

47
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngOrakuloPangitain, MgaPropesiyang PangitainPropesiya Tungkol Sa

Ang hula tungkol sa Ninive. Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita.