Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nehemias 1

Nehemias Rango:

2
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayLungsodTarangkahanTrosong PanggibaPader, MgaPagkawasak ng JerusalemPagkawasak ng Pader ng JerusalemLungsod, Tarangkahan ngPagsunog sa JerusalemNakaligtas sa Israel, Mga

At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy.

8
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngPaninindigan sa DiyosKatapatanDiyos na Dapat KatakutanDiyos na Tumutupad ng TipanPakikibagay

At nagsabi, Aking idinadalangin sa iyo, Oh Panginoon, na Dios ng langit, na dakila at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa kaniya, at nangagiingat ng kaniyang mga utos:

9
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kagalakan ngTagahawak ng SaroPagpipitagan at PagpapalaTagumpayMayordomoTakot sa Diyos, Kahihinatnan ngKaunlaranMakinig ka O Diyos!Tagumpay sa Pamamagitan ng DiyosDiyos bilang Bukal ng Ligaya

Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, pakinggan ngayon ng inyong pakinig ang dalangin ng iyong lingkod, at ang dalangin ng iyong mga lingkod, na nangasasayahang matakot sa iyong pangalan: at paginhawahin mo, isinasamo ko sa iyo, ang iyong lingkod sa araw na ito, at pagkalooban mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito. (Ngayo'y tagahawak ako ng saro ng hari.)

10
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa Araw at GabiGabiBayan ng Diyos sa Lumang TipanPagbabantay ng DiyosPanalangin na Inialay na mayKasalanan, Ipinahayag naMakinig ka O Diyos!Kami ay NagkasalaPagpapahayagMga Lolo

Pakinggan ngayon ng iyong tainga, at idilat ang iyong mga mata, upang iyong dinggin ang dalangin ng iyong lingkod, na aking idinadalangin sa harap mo sa panahong ito, araw at gabi, dahil sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod, habang aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel, na aming ipinagkasala laban sa iyo. Oo, ako at ang sangbahayan ng aking magulang ay nagkasala:

11
Mga Konsepto ng TaludtodLabas, Mga TaongLingkod ng PanginoonHindi Tapat sa DiyosDiyos na Nagpangalat sa Israel

Alalahanin mo, isinasamo ko sa iyo, ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises, na sinasabi, Kung kayo'y magsisalangsang, aking pangangalatin kayo sa lahat na bayan:

12
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod ng PanginoonPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Kami ay lubhang nagpakahamak laban sa iyo, at hindi nangagingat ng mga utos, o ng mga palatuntunan man, o ng mga kahatulan, na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises.

14
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosDiyos, Kapangyarihan ngKamay ng DiyosKatubusan sa Bawat ArawLingkod ng Panginoon

Ang mga ito nga'y ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay.

16
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saHinirang, Pagpapala saPagbabalik sa DiyosPagbangon, SamahangPagtitipon sa mga IsraelitaLugar para sa Pangalan ng Diyos

Nguni't kung kayo'y magsibalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos, at gawin, bagaman ang nangatapon sa inyo ay nasa kaduluduluhang bahagi ng mga langit, akin ngang pipisanin sila mula roon, at dadalhin ko sila sa dakong aking pinili upang patahanin doon ang aking pangalan.

301
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanBuwan, Ikasiyam na

Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hachalias. Nangyari nga sa buwan ng Chislu, sa ikadalawang pung taon, samantalang ako'y nasa bahay-hari sa Susan.

315
Mga Konsepto ng TaludtodNalabiPagtatanong ng Partikular na Bagay

Na si Hanani, na isa sa aking mga kapatid, ay dumating, siya at ilang lalake na mula sa Juda; at tinanong ko sila ng tungkol sa mga Judio na nakatanan, na nangaiwan sa pagkabihag, at tungkol sa Jerusalem.