Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nehemias 2

Nehemias Rango:

17
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanArkeolohiyaMamamayan, Tungkuling Kristyano bilangPagkawasak ng JerusalemLungsod, Tarangkahan ngPagsunog sa Jerusalem

At sinabi ko sa hari, Mabuhay ang hari magpakailan man: bakit ang aking mukha ay hindi malulungkot, kung ang bayan, ang dako ng mga libingan sa aking mga magulang ay giniba, at ang mga pintuang-bayan niyaon ay nasupukan ng apoy?

35
Mga Konsepto ng TaludtodPanalangin bilang Tugon sa DiyosPinangalanang mga Tao na NanalanginDiyos na Sumasagot ng mga Panalangin

Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa gayo'y dumalangin ako sa Dios ng langit.

94
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbayReynaBago Kumilos ang Taong-BayanKailan?Mga Taong Nagpapadala ng mga Tao

At ang hari ay nagsabi sa akin, (ang reina ay nakaupo naman sa siping niya,) Magiging gaano kalaon ang iyong paglalakbay? at kailan ka babalik? Sa gayo'y nalugod ang hari na suguin ako, at nagtakda ako sa kaniya ng panahon.

98
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoPaglalakbayMuling Pagtatatag ng JerusalemAng Kalooban ng mga TaoLingapMuling Pagtatatag

At nagsabi ako sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng libingan sa aking mga magulang, upang aking maitayo.

104
Mga Konsepto ng TaludtodSinagPagpapatibayKagubatanKutaBiyaya sa Lumang TipanKamay ng DiyosKamay ng DiyosKamay ng Diyos sa mga Tao

At isang sulat kay Asaph na tagapagingat ng gubat ng hari, upang bigyan niya ako ng mga kahoy na magawang mga tahilan sa mga pintuang-daan ng kastillo na nauukol sa bahay, at sa kuta ng bayan at sa bahay na aking papasukan. At pinagkalooban ako ng hari ayon sa mabuting kamay ng aking Dios na sumasa akin.

114
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaKatangian ng MasamaInggit, Halimbawa ngMasamang Hangarin, Halimbawa ngAng Paghihirap ng Masama

At nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, ay namanlaw na mainam, sapagka't may naparoong isang lalake upang hanapin ang ikagagaling ng mga anak ni Israel.

122
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang PisikalGobernadorKaligtasanAkreditasyonLampas sa Ilog

Bukod dito'y sinabi ko sa hari, Kung ikinalulugod ng hari, bigyan ako ng mga sulat sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, upang ako'y kanilang paraanin hanggang sa ako'y dumating sa Juda;

133
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Araw

Sa gayo'y naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw.

134
Mga Konsepto ng TaludtodLampas sa Ilog

Nang magkagayo'y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo.

141
Mga Konsepto ng TaludtodPuso at Espiritu SantoPagsakay sa KabayoSa Isang GabiYaong mga Hindi Nagsabi

At ako'y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan.

149
Mga Konsepto ng TaludtodDumi at Pataba, MgaLungsod, Tarangkahan ngPinangalanang mga TarangkahanPagsunog sa JerusalemPagsusuriSa Isang Gabi

At ako'y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.

154
Mga Konsepto ng TaludtodPader, MgaPagkabalisaPagkawasak ng JerusalemLungsod, Tarangkahan ngPagsunog sa JerusalemPagsasaalis ng KahihiyanMuling Pagtatatag ng JerusalemMuling Pagtatatag

Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Inyong nakikita ang masamang kalagayan na kinaroroonan natin, kung paanong ang Jerusalem ay guho at ang mga pintuang-bayan nito ay nasunog sa apoy: kayo'y parito, at ating itayo ang kuta ng Jerusalem, upang tayo'y huwag nang maging kadustaan.

158
Mga Konsepto ng TaludtodPasimulaKamay ng DiyosKamay ng Diyos sa mga TaoMuling Pagtatatag ng JerusalemKonstruksyonMuling Pagtatatag

At isinaysay ko sa kanila ang kamay ng aking Dios na naging mabuti sa akin, at gayon din ang mga salita ng hari na sinalita niya sa akin. At kanilang sinabi, Magbangon tayo at magtayo. Sa gayo'y kanilang pinalakas ang kanilang mga kamay sa mabuting gawa.

161
Mga Konsepto ng TaludtodPagdusta, Halimbawa ngPagtawaPanlilibakPaghihimagsik laban sa Pamahalaan ng TaoKakutyaan, Katangian ngTalumpati, Masamang Aspeto ngKatangian ng Masama

Nguni't nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, at ni Gesem na taga Arabia, ay kanilang tinawanang mainam kami, at hinamak kami, at sinabi, Ano itong bagay na inyong ginagawa? manghihimagsik ba kayo laban sa hari?

162
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Ang mgaYaong mga Hindi Nagsabi

At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.

176
Mga Konsepto ng TaludtodPinangalanang mga TarangkahanSa Isang Gabi

Nang magkagayo'y namaybay ako ng kinagabihan sa batis, at aking minasdan ang kuta; at ako'y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo'y pumihit ako.

202
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Damdamin ngPuso ng TaoPagkabalisa at KalumbayanPuso, Sakit ngKalungkutan

At sinabi ng hari sa akin, Bakit ang iyong mukha ay malungkot, dangang wala kang sakit? ito'y dili iba kundi kalungkutan ng puso. Nang magkagayo'y natakot akong mainam.

209
Mga Konsepto ng TaludtodPalanguyanPinangalanang mga Tarangkahan

Nang magkagayo'y nagpatuloy ako sa pintuang-bayan ng bukal at sa tangke ng hari: nguni't walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.

218
Mga Konsepto ng TaludtodPagaangkinPakikibahagi sa KasalananAlaala para sa mga TaoKinalimutan ang mga TaoTagumpay sa Pamamagitan ng DiyosHindi NagbabahagiJerusalemMuling Pagtatatag

Nang magkagayo'y sumagot ako sa kanila, at sinabi ko sa kanila, Ang Dios ng langit, siya ang magpapaginhawa sa amin: kaya't kaming kaniyang mga lingkod ay magbabangon at magtatayo: nguni't kayo'y walang bahagi, o matuwid man, o alaala man, sa Jerusalem.

299
Mga Konsepto ng TaludtodTagahawak ng SaroBuwanMayordomoHaring ArtaxerxesPagbibigay ng Alak

At nangyari sa buwan ng Nisan, sa ikadalawang pung taon ni Artajerjes na hari, nang ang alak ay nasa harap niya, na aking kinuha ang alak at ibinigay ko sa hari. Hindi nga ako nalungkot nang una sa kaniyang harapan.