Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Pahayag 13

Pahayag Rango:

30
Mga Konsepto ng TaludtodNilalang, MgaPamumusong, Halimbawa ngAng HalimawKaragatanPitoPitong Bahagi ng KatawanSampung BagayDalampasiganSungay ayon sa TalinghagaPamumusongKorona ng mga NilalangBuhangin at GrabaAng Pinuno ng Sanlibutan

At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.

33
Mga Konsepto ng TaludtodNooPagiging MaliitSirang Anyo ng KasalananDakila at MuntiMasama para sa Kanang KamayMahirap at MayamanAlipin o MalayaTatak ng HalimawPagmamarka

At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;

40
Mga Konsepto ng Taludtod666PananawBugtongKarunungan, sa Likas ng TaoAnim hanggang Pitong DaanAnimnaraan at Higit Pa

Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

59
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na Digmaan, Kalaban saSungay ayon sa TalinghagaKosmikong mga NilalangDalawang Bahagi sa KatawanAng Bulaang PropetaAng Ikalawang Pagpaparito

At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.

219
Mga Konsepto ng TaludtodKapighatian, Pamahalaan sa Panahon ngPagbutiPeklat

At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop;

234
Mga Konsepto ng TaludtodSatanas, Hindi Magagawa niTatlo at Kalahating TaonPamumusongPalalong mga TaoEhersisyo

At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan.

249
Mga Konsepto ng TaludtodArmagedonPagkamartir, Dahilan ngEspiritu, Kalikasan ngKapangyarihan ng PananalitaHindi Sumasamba sa mga Diyus-diyusanAng Bulaang PropetaWangis ng HalimawSarili, Imahe saTeknolohiyaHumihingaPagpapalakasHiningaBantayogWangis

At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.

264
Mga Konsepto ng TaludtodLeopardoTronoLeon, Sagisag na Gamit ngHayop, Uri ng mgaOsoNilalang na Katulad ng mga LeonGaya ng mga NilalangIba pang mga Talata tungkol sa Bibig

At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.

276
Mga Konsepto ng TaludtodArmagedonBulaang RelihiyonNatatanging mga NilalangNananambahan sa DiyabloHanda na sa Digmaan

At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?

277
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bulaang PropetaTatak ng Halimaw sa NooTatak ng HalimawPagiimpok ng Salapi

At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.

279
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa DiyosKatiyagaan, Kaalinsabay ngBanal, MgaEspirituwal na KasiglahanPagpapanatili ng PananampalatayaPagkakataonKatataganPagtitiyagaKrusada

Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.

302
Mga Konsepto ng TaludtodSatanas, Kaharian niNananambahan sa DiyabloAng Bulaang PropetaEhersisyo

At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat na ikamamatay.

316
Mga Konsepto ng TaludtodKasinungalinganBulaang Himala, Katangian ngPagsamba sa Diyus-diyusanAng Bulaang PropetaWangis

At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.

350
Mga Konsepto ng TaludtodSatanas bilang Kaaway ng DiyosLangit ay Tahanan ng DiyosPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosPamumusong

At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.

376

Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig.