12 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Kapangyarihan ng Pananalita

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 18:4

Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.

Lucas 6:45

Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.

Kawikaan 18:20

Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.

Job 33:2

Narito, ngayon ay aking ibinuka ang aking bibig; nagsalita ang aking dila sa aking bibig.

Lucas 7:7

Dahil dito'y hindi ko inakalang ako'y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo: datapuwa't sabihin mo ang salita, at gagaling ang aking alipin.

Lucas 7:15

At naupo ang patay, at nagpasimulang magsalita. At siya'y ibinigay niya sa kaniyang ina.

Mga Gawa 15:27

Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas, na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig.

Pahayag 13:15

At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.

Never miss a post

n/a