Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Panaghoy 1

Panaghoy Rango:

3
Mga Konsepto ng TaludtodTumatangisReynaPuspusin ang mga LugarBalo, MgaWalang Lamang mga SiyudadDakilang mga BagayLuciferKalungkutan

Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!

5
Mga Konsepto ng TaludtodHinahanap na mga TaoKabalisahanPagpapatapon sa Juda tungo sa BabilonyaNaabutan

Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.

6
Mga Konsepto ng TaludtodPamamaloTumatangisKalungkutanKabataang NaghihirapAng Kaunlaran ng MasamaDiyos na Nambabagabag

Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban.

7
Mga Konsepto ng TaludtodBuntong HiningaPaglalakbay, Banal naKalsadaTrahedya sa KalyePagdiriwang na Hindi PinapahalagahanPagtangis dahil sa PagkawasakWalang Sinuman na Natagpuan

Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan.

10
Mga Konsepto ng TaludtodKahinaan, Pisikal naIsrael, Tumatakas angWalang PagkainWalang Lakas na LampasanUsa at iba pa.Pagkawala ng DangalUsa

At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol.

11
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosLagalag, MgaMga Taong NakakaalalaKasaysayan ng mga BansaWalang TulongManlillibak

Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira.

13
Mga Konsepto ng TaludtodKahubaranKasalanan, Naidudulot ngBumalikPagkawala ng DangalPagkakasala ng Bayan ng DiyosPagkawasak na Pangyayari

Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.

14
Mga Konsepto ng TaludtodPagano, MgaPagsasalaula ng KabanalanPagpasok sa TemploMga Banyaga sa Banal na DakoGawing Pag-aari

Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.

15
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipagpalitanPagiging MababaPaghahanapPaghahanap ng PagkainPaghahanap sa mga Nahahawakang Bagay

Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak.

16
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Pag-iisipPalawit ng DamitPagbagsak ng IsraelMga Taong Hindi MalinisAko ay NahihirapanWalang KaaliwanPaghahanap sa Karangalan

Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.

18
Mga Konsepto ng TaludtodNaparaanPaghihirap, Lagay ng Damdamin saPuso, WalangNatatanging mga PangyayariAko ay NahihirapanDiyos na Nambabagabag

Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.

19
Mga Konsepto ng TaludtodMabigat na Pasan

Pamatok ng aking mga pagsalangsang ay hinigpit ng kaniyang kamay; mga nagkalakiplakip, nagsiabot sa aking leeg; kaniyang pinanglupaypay ang aking kalakasan: ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, laban sa mga hindi ko matatayuan.

20
Mga Konsepto ng TaludtodBuntong HiningaGaya ng mga BansaNatagpuang may SalaIba pang mga Talata tungkol sa PusoWalang LakasKalungkutan

Magsidating nawa ang lahat nilang kasamaan sa harap mo; at gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang: sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.

21
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanDiyos, Katuwiran ngPaghihimagsik laban sa DiyosKabataang NaghihirapAko ay Nahihirapan

Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos: inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan: ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.

23
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaPampiga ng UbasKalipunan ng mga TaoTinatapakan ang mga TaoPagtapak sa mga UbasKabataang Naghihirap

Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.

24
Mga Konsepto ng TaludtodLambatWalang HumpayNagpapatuloy na KahirapanDahilan upang Mahikayat ang BayanPinsala sa KatawanApoy na mula sa LangitDiyos na Naglalagay ng Patibong

Mula sa itaas ay nagsugo siya ng apoy sa aking mga buto, at mga pinananaigan; kaniyang ipinagladlad ng silo ang aking mga paa, kaniyang ibinalik ako: kaniyang ipinahamak ako at pinapanglupaypay buong araw.

25
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging PinabayaanKapayapaan, Pangwawasak ng Tao saSimpatiyaPagpapanumbalik sa mga MakasalananAko ay Nagluluksa sa Malaking SakunaWalang Kaaliwan

Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.

26
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Ang Kabuluhan ngNauupo sa KalumbayanWalang Kaaliwan

Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya; nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban: ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.

27
Mga Konsepto ng TaludtodWalang kaaliwang BuhayAng Araw ng KahatulanPagbibigay Lugod sa TaoGaya ng mga BansaAko ay NahihirapanWalang KaaliwanAno ang Ginagawa ng Diyos

Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin; Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa: iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.

30
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoPatibongPaghahanap ng PagkainKahatulan sa mga Matatandang TaoKamatayan ng mga OpisyalesPinatalsik na mga SaserdoteYaong mga NalinlangNililigaw ang mga Bata

Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya nila: nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan, habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.

31
Mga Konsepto ng TaludtodSala, Pantaong Aspeto ngKasalanan, Paghingi ng Tawad saPagsisisi, Mataos naPagkabalisaKaloobanAko ay NahihirapanIba pang mga Talata tungkol sa PusoPagpatay sa mga IsraelitaLabas ng BahayMakinig ka O Diyos!

Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; ang aking puso ay namamanglaw; ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik: sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.

118
Mga Konsepto ng TaludtodPisngiPagtataksilGabiPakiramdam na Itinakuwil ng DiyosPagtangisKahirapan, Kaaliwan sa Oras ngIbinigay sa mga TaoKaibigan, Hindi Maasahang mgaWalang KaaliwanMga Taong Tumatangis sa Pagkawasak

Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.