Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Zacarias 13

Zacarias Rango:

161
Mga Konsepto ng TaludtodTupaHindi Tapat sa mga TaoKulang na PagpapastolJesu-Cristo, Propesiya niCristo at ang mga TupaPropesiya Tungkol kay CristoPangalan at Titulo para kay CristoMessias, Propesiya tungkol saKatubusan, Itinakda angNangakalat Gaya ng mga TupaDiyos na Kay CristoSinaktan at Pinagtaksilan

Gumising ka, Oh tabak, laban sa pastor ko, at laban sa lalake na aking kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

191
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya, Pagsubok saDumi ng BakalPanawagan sa DiyosGintoPilakPagsubokSagot sa Pamamagitan ng ApoySinagot na PangakoMapagdalisay na Dulot ng PagtitiisKahirapan bilang Anyo ng PagpapalaIkatlong BahagiApoy ng KahatulanDiyos, Sasagutin ngDiyos na Sumusubok sa mga TaoBagay na Tulad ng Ginto, MgaBagay na Tulad ng Pilak, MgaDiyos na Sumasagot ng PanalanginIkaw ang Aming DiyosPagsubok, MgaPanggigipitAmag

At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

196
Mga Konsepto ng TaludtodMaliit na Bilang ng NalabiIkatlong BahagiKamatayan ng ibang GrupoNakaligtasPagkamatay

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan.

202
Mga Konsepto ng TaludtodPagaari na KabahayanSugatKaibigan, MgaPeklat

At sasabihin ng isa sa kaniya, Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan.

204
Mga Konsepto ng TaludtodKarumihanPangalang BinuraPagtalikod sa mga Diyus-diyusanPropeta ng mga Diyus-diyusan, Mga

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan, at sila'y hindi na mangaaalaala pa; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain.

207
Mga Konsepto ng TaludtodBinubutasanBulaang mga Propeta, Pagtanggi saPagpatay sa mga Anak na Lalake at BabaeBulaang mga Apostol, Propeta at GuroHuwad na mga Kaibigan

At mangyayari, na pagka ang sinoman ay manghuhula, sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya, Ikaw ay hindi mabubuhay; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon; at palalagpasan siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya'y nanghuhula.

208
Mga Konsepto ng TaludtodBuhok, MgaWalang PangitainIwasan ang PanlilinlangBuhok, Damit saKahihiyan ng Masamang Asal

At mangyayari sa araw na yaon na ang mga propeta ay mangahihiya bawa't isa dahil sa kaniyang pangitain, pagka siya'y nanghuhula; hindi man sila mangagsusuot ng kasuutang balahibo, upang mangdaya:

211
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagararoTrabaho mula sa KabataanPropeta na Hindi Sinugo, MgaAgrikulturaPagsasaka

Kundi kaniyang sasabihin, Ako'y hindi propeta, ako'y mangbubukid sa lupa; sapagka't ako'y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata.