Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Zacarias 12

Zacarias Rango:

14
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang mga Asawa

Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ni Simei ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;

18
Mga Konsepto ng TaludtodIba pang mga Asawa

Ang lahat na angkang nalabi, bawa't angkan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod.

94
Mga Konsepto ng TaludtodBatuhanPagtitipon sa Ibang mga BansaLahat ng BansaBagay na Itinaas, MgaBagaJerusalem

At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya.

101
Mga Konsepto ng TaludtodTanggulang Gawa ng DiyosSanggalangDiyos na ating TanggulanGaya ng mga Mabubuting TaoKatotohanan gaya ng DiyosWalang LakasPagiingat sa Iyong Pamilya

Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila.

105
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawang MagisaMga Taong Tumatangis sa Pagkawasak

At ang lupain ay tatangis, bawa't angkan ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni Nathan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;

106
Mga Konsepto ng TaludtodMegidoPagtangis dahil sa PagkawasakAnibersaryo

Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem, na gaya ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo.

111
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalakay sa Jerusalem ay Hindi Natuloy

At mangyayari sa araw na yaon, na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem.

122
Mga Konsepto ng TaludtodKahoyApoy ng KahatulanPagsunog sa mga Halaman

Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang Jerusalem ay tatahan pa uli sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid bagay sa Jerusalem.

125
Mga Konsepto ng TaludtodKabaliwanKalusuganKabaliwanPagbabantay ng DiyosPagsakay sa KabayoDiyos na Nakikita ang MatuwidDiyos na BumubulagPagkatuliroPagkabulag

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan.

129
Mga Konsepto ng TaludtodUnang LumabanAng May Dangal ay Pararangalan

Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda.

140
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbibigay LakasDiyos na Nagbibigay LakasPamilya, Lakas ng

At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios.

175
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonEspiritu, Bumagsak at mga Tinubos na MgaTao, Pagkakalikha saIunatDaigdig, Pundasyon ngPropesiya Tungkol Sa

Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at naglalang ng diwa sa loob ng tao:

200
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalakay sa Jerusalem ay IpinahayagDiyos na Nagbigay KalasinganMuling Pagsilang ng IsraelPanalangin para sa Jerusalem

Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem.