8 Talata sa Bibliya tungkol sa Ginawang gaya ng Diyos
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
Mga minamahal, ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, tayo'y magiging katulad niya: sapagka't siya'y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili.
At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.
Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang;
Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios:
Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Kagandahan ng Kalikasan
- Diyos na Manlilikha
- Diyos, Sangnilikha ng
- Dugo
- Etika at Biyaya
- Kabanalan ng Buhay
- Kaganapan ng Tao
- Kalikasan
- Kawangis
- Krusada
- Lalake at Babae
- Lipunan, Tungkulin sa
- MakaDiyos na Lalake
- Naipanumbalik kay Jesu-Cristo
- Pagpapalaglag
- Personalidad
- Puso ng Diyos
- Sangkatauhan
- Sannilikha
- Sarili, Imahe sa
- Sinasalamin ang Puso ng Diyos
- Tabing, Mga
- Tao
- Tao, Ang Gampanin ng
- Tao, Pagkakalikha sa
- Wangis
- Wangis ng Diyos