47 Talata sa Bibliya tungkol sa Ama, Pagibig ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Juan 8:42

Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.

2 Juan 1:3

Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.

Deuteronomio 4:37

At sapagka't kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap, ng kaniyang dakilang kapangyarihan;

Juan 17:26

At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.

Juan 14:31

Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.

Juan 5:43

Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.

Juan 13:3

Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,

Juan 3:16
Mga Konsepto ng TaludtodKagalingan sa KanserPagibig ng Diyos kay CristoWalang HangganPagbibigayDiyos na Ibinibigay ang Kanyang AnakPagibig ng Diyos para sa AtinWalang HangganAng SanlibutanDiyos, Pagibig ngMinamahalPagmamahal sa LahatHindi SumusukoMalamigKatubusanPagtanggap kay CristoPagiging KristyanoKinatawanPagiging Ganap na KristyanoKamanghamanghang DiyosSanggol na si JesusPagiging LiwanagNagbibigay KaaliwanPagiging Ipinanganak na MuliPagiging ManlalakbayGawa ng KabutihanPaskoPagibig, Katangian ngPagiging PinagpalaAraw, Paglubog ngKaloob mula sa Diyos, Espirituwal naDiyos, Pagibig ngNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaPagiging Kabilang sa Pamilya ng DiyosNagliligtas na PananampalatayaPagasa para sa Di-MananampalatayaMisyon ni Jesu-CristoEspirituwal na KamatayanMalapadPagiging PagpapalaPakikipaglaban sa KamatayanDiyos, Paghihirap ngBugtong na Anak ng DiyosWalang Hanggang KatiyakanPananampalataya, Kalikasan ngCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaPagibigMinsang Ligtas, Laging LigtasJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanInialay na mga BataTirintasKakayahan ng Diyos na MagligtasCristo, Relasyon Niya sa DiyosPuso ng DiyosPagkakaalam na Ako ay LigtasPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanUnang PagibigKaloob, MgaPagibig bilang Bunga ng EspirituPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPagpapala, Espirituwal naBuhay sa Pamamagitan ng PananampalatayaWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngSawing-PusoMga GawainBiyaya at si Jesu-CristoMapagbigay, Diyos naPagaalay ng mga Panganay na AnakPagbagsak ng Tao, Kinahinatnan ngAdan, Mga Lahi niNatatangiUgali ng Diyos sa mga TaoHindi NamamatayWalang Hanggang Buhay, Biyaya ngKaligtasan bilang KaloobPagkawala ng Mahal sa BuhayWalang Hanggang Buhay

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 14:24

Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

Juan 16:26

Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a