10 Talata sa Bibliya tungkol sa Hindi Nagmamahal sa Diyos
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.
Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili.
Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.
Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, ay maging takuwil siya. Maranatha.
Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.
Datapuwa't sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka't nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena, at ng ruda, at ng bawa't gugulayin, at pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pagibig ng Dios: datapuwa't dapat ngang gawin ninyo ang mga ito, at huwag pabayaan di ginagawa ang mga yaon.
Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?
Mga Katulad na Paksa
- Agape na Pagibig
- Ama, Pagibig ng
- Ang Ama
- Ang Sanlibutan na Walang Diyos
- Diyos na Nagpapatawad
- Diyos, Pagibig ng
- Galit
- Hindi Mapagmahal
- Hindi Nakikita ang Diyos
- Kapatiran ng Kalalakihan
- Kasinungalingan
- Magkapatid
- Magkapatid, Pagibig ng