20 Talata sa Bibliya tungkol sa Gulang, Nabuhay ng Higit 100 na
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyam na raan at anim na pu't siyam na taon: at siya'y namatay.
At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay.
At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon: at namatay.
At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at siya'y namatay.
At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay.
At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay.
At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya'y namatay.
At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay.
At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon: at namatay.
At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.
At ang mga naging araw ni Isaac ay isang daan at walong pung taon.
At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.
At si Jacob ay tumira sa lupain ng Egipto na labing pitong taon; kaya't ang mga araw ni Jacob, ang mga taon ng kaniyang buhay, ay isang daan at apat na pu't pitong taon.
At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.
At ang buhay ni Sara ay tumagal ng isang daan at dalawang pu't pitong taon: ito ang naging mga taon ng buhay ni Sara.
At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
At si Moises ay may isang daan at dalawang pung taong gulang nang siya'y mamatay: ang kaniyang mata'y hindi lumabo, ni ang kaniyang talagang lakas ay humina.
Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto.
At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang.