12 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagkawasak ng mga Halaman

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Jeremias 1:10

Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.

Exodo 9:31

At ang lino at ang cebada ay nasaktan; sapagka't ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na.

Job 19:10

Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.

Mga Hukom 6:4-5

At sila'y humantong laban sa kanila, at kanilang sinira ang bunga ng lupa, hanggang sa sila'y dumating sa Gaza, at wala silang iniwang anoman sa Israel, maging tupa, o baka man, o asno man. Sapagka't sila'y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda; at sila'y nagsipasok na parang balang sa karamihan; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang: at kanilang pinasok ang lupain upang gibain.

Joel 1:4

Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.

Amos 7:1

Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari.

Ezekiel 19:12

Nguni't siya'y nabunot sa pag-aalab ng loob, siya'y nahagis sa lupa, at tinuyo ng hanging silanganan ang bunga niya: ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok; pinagsupok sa apoy.

Jeremias 5:10

Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.

Hosea 2:12

At aking iwawasak ang kaniyang mga puno ng ubas, at ang kaniyang mga puno ng higos, na siya niyang sinasabi, Ang mga ito ang aking kaupahan na ibinigay sa akin ng mga mangingibig sa akin; at ang mga yao'y aking gagawing isang gubat, at kakanin ng mga hayop sa parang.

Joel 1:10

Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang.

Zacarias 11:2

Manambitan ka, Oh puno ng abeto, sapagka't ang cedro ay nabuwal, sapagka't ang mga mabuti ay nabuwal; magsipanambitan kayo, Oh mga encina sa Basan, sapagka't ang matibay na gubat ay nasira.

Never miss a post

n/a