27 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagaayuno, Gawain ng
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti. Pagka sila'y nangagaayuno, hindi ko didinggin ang kanilang daing; at pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.
Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan. Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios. Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.magbasa pa.
Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas. Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon? Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang? Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?
Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon ng mga hukbo sa akin, na nagsasabi, Salitain mo sa lahat ng tao ng lupain at sa mga saserdote, na iyong sabihin, Nang kayo'y magayuno, at tumangis ng ikalima at ikapitong buwan, nito ngang pitong pung taon, kayo baga'y nagayunong lubos sa akin, para sa akin? At pagka kayo'y nagsisikain, at pagka kayo'y nagsisiinom, di baga kayo'y nagsisikain sa ganang inyong sarili at nagsisiinom, sa ganang inyong sarili?magbasa pa.
Di baga ninyo dapat dinggin ang mga salita na isinigaw ng Panginoon sa pamamagitan ng mga unang propeta, nang ang Jerusalem ay tinatahanan at nasa kaginhawahan, at ang mga bayan niyaon na nangasa palibot niya, at ang Timugan, at ang mababang lupain ay tinatahanan?
Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti. Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.
Nang magkagayo'y nagsilapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit kami at ang mga Fariseo ay nangagaayunong madalas, datapuwa't hindi nangagaayuno ang mga alagad mo? At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang mangagluksa ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? datapuwa't darating ang mga araw, na ang kasintahang lalake ay aalisin sa kanila, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila.
At nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo: at sila'y nagsilapit at sinabi sa kaniya, Bakit nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Fariseo, datapuwa't hindi nangagaayuno ang iyong mga alagad? At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang mangagayuno ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila? samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila, ay hindi sila mangakapagaayuno. Datapuwa't darating ang mga araw, na aalisin sa kanila ang kasintahang-lalake, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa araw na yaon.
At sinabi nila sa kaniya, Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas, at nagsisigawa ng mga pagdaing; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo; datapuwa't ang mga iyo'y nagsisikain at nagsisiinom. At sinabi ni Jesus sa kanila, Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila? Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon.
At ang mga lalake sa Israel ay namanglaw nang araw na yaon: sapagka't ibinilin ni Saul sa bayan, na sinasabi, Sumpain ang lalake na kumain ng anomang pagkain hanggang sa kinahapunan, at ako'y nakaganti sa aking mga kaaway. Sa gayo'y wala sinoman sa bayan na lumasap ng pagkain. At ang buong bayan ay naparoon sa gubat; at may pulot sa ibabaw ng lupa. At nang dumating ang bayan sa gubat, narito, ang pulot ay tumutulo nguni't walang tao na naglagay ng kaniyang kamay sa kaniyang bibig; sapagka't ang bayan ay natakot sa sumpa.magbasa pa.
Nguni't hindi narinig ni Jonathan, nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa: kaya't kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa pulot, at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag. Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa bayan, at nagsabi, Ibiniling mahigpit ng iyong ama sa bayan na may sumpa, na sinasabi, Sumpain ang tao na kumain ng pagkain sa araw na ito. At ang bayan ay pata. Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Binagabag ng aking ama ang lupain: tingnan ninyo, isinasamo ko sa inyo, kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag, sapagka't ako'y lumasa ng kaunti sa pulot na ito. Gaano pa kaya kung ang bayan ay kumaing may kalayaan ngayon sa samsam sa kanilang mga kaaway na kanilang nasumpungan? sapagka't hindi nagkaroon ng malaking patayan ngayon sa gitna ng mga Filisteo.
Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang kaniyang mga damit, at nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan. At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na sinabi, Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko? sapagka't siya'y nagpakababa sa harap ko, hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan: kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan.
Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.
Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin.
At sila'y nagtitipon sa Mizpa, at nagsiigib ng tubig, at ibinuhos sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon, at nangagsabi, Kami ay nangagkasala laban sa Panginoon. At naghukom si Samuel sa mga anak ni Israel sa Mizpa.
Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila. At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang. At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.
Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios. Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.
Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan: At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan. Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at magsisisi, at magiiwan ng isang pagpapala sa likuran niya, ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?magbasa pa.
Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;
At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit.
Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari. Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya. Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.
At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.
At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.
At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin.
At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga pagaayuno at mga pagdaing.
At sinabi nila sa kaniya, Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas, at nagsisigawa ng mga pagdaing; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo; datapuwa't ang mga iyo'y nagsisikain at nagsisiinom.
Nang magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.
At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.
At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.